Jeizhiro"Pasensya na kung nakakaistorbo ako sa inyong mag asawa iho." Hinging paumanhin ni Mayor Rodolfo pagkalapag nya ng tasa ng kapeng bagong timpla sa lamesita. "Wala hong problema mayor." Sabi ko. "Heto po mayor, magmeryenda po muna kayo." Alok ni Ivy na galing sa kusina at may dalang tray na may lamang puto't kutsinta na may kinayod na niyog. Nilapag nya ang tray sa lamesita. "Salamat iha." Nakangiting sabi ni mayor Rodolfo na titig na titig na naman sa mukha ni Ivy. Kanina ko pa nga napapansin ang kakaibang titig nya kay Ivy. Hindi naman nya siguro crush ang asawa ko. Hinawakan ko ang kamay ni Ivy ng maupo sya sa tabi ko. Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Nakakatuwa kayong pagmasdan, halatang inlove na inlove kayo sa isa't isa." Nakangiting sabi ni mayor Rodolfo. Nagkatinginan naman kami ni Ivy. Ngumiti ako sa kanya sabay pisil sa kamay nyang hawak ko. Sya naman ay namumula ang pisngi. "Salamat ho mayor." Sabi ko na lang. Mukhang nahiya si Ivy sa sinabi ng mayor. "Per
Warning 🔞Ivy "Ok na ba yan?" Tanong ni Jeiz ng ilapag ko sa counter ang gamit na napili ko para sa pasukan. "Oo ok na muna to, bibili na lang ako kapag may kailangan pa." Nakangiting sabi ko sa kanya.Pagkatapos nyang bayaran ang mga pinamili ko ay dumiretso kami ng department store at pinamili na naman nya ako ng mga damit, sapatos at sandals na kakailangin ko pagpasok. Kahit anong awat ko sa kanya ay ayaw nyang magpaawat. Marami pa naman akong mga damit at sapatos na binili nya na hindi ko pa nagagamit. Pero gaya ng dati ay wala rin akong nagawa. Ang panghuling pinuntahan namin ay ang supermarket. Nag grocery na rin kami. Sa isang linggo ay balik trabaho na sya. Pero ngayong darating na weekend ay magbe-beach muna kami gaya ng pangako nya noon sa bundok. Paniguradong mamimiss ko sya kapag pumasok na sya sa trabaho.."Ohh mmph mmph mmph Jeiz.." Ungol ko habang mabilis nyang nilalabas masok ang pagkalalaki nya sa lagusan ko. Nakataas ang dalawang binti kong nakabuka na hawak ha
Ivy "Ate Ivy!" Halos sabay na tawag ni Lileth at Kiko sa pangalan ko pagpasok namin ni Jeiz sa bahay ni lola Mila. Sabay silang yumakap sa akin. Niyakap ko rin sila. Pero kapansin pansin ang pangangayayat nila. Tumingin ako kay lola. Tipid syang ngumiti sa akin. Halatang namomroblema sya. Lumapit ako sa kanya at nagmano. Ganun din si Jeiz. "Bakit ang papayat nyo ha?" Tanong ko sa dalawang bata. Inabot ko naman kay lola ang dala naming pasalubong. Yumuko silang dalawa. "Eh kasi, wala ng pagkain sa bahay ate." Tila sumbong sa akin ni Lileth. Muli akong tumingin kay lola at Jeiz. Nakaupo si Jeiz sa pang isahang sopang kawayan paharap sa akin. Ako naman ay nakaupo sa mahabang sopang kawayan katabi ang dalawang bata. "Ang sabi nyang dalawa, lagi daw walang pambili ng pagkain ang mama at papa nila. Lagi din silang absent sa eskwela dahil walang baon. Hay, malamang inunang bilhin ang bisyo bago ang pagkain. Hayan tuloy ang nangyari naghihimas silang parehas ng rehas." Ani lola na tila
JeizhiroMasamang tingin ang ibinigay ko sa dalawa kong kaibigan na kanina pa ako binubuska tungkol sa edad namin ni Ivy. Siguro nahiya na lang si Ivy kaya nagpaalam munang pupuntang kusina. "Hindi pa ba kayo tapos?" Untag ko sa kanilang dalawa na kanina pa tawa ng tawa. Sarap pagbabarilin eh. Napangiwi ako ng kumirot ang sugat ko sa tagiliran sanhi ng daplis ng bala ng baril kanina. Nalinis naman ito ng doctor at natahi. "Ayos ka lang pare?" Tanong ni Kester ng mapansing nakangiwi ako. "Malayo yan sa bituka." Nakangising sabat ni Lorenzo at kumuha pa ng isang egg pie sa tray sabay kagat ng malaki. "May tama ka?" "Hinaan mo boses mo marinig ka ng asawa ko." Saway ko kay Kester. Ayoko kasing malaman ni Ivy na may daplis ako ng baril siguradong mag alala sya. Tinikom naman ni Kester ang bibig nya habang ngingisi ngisi naman si Lorenzo. "Ano nga palang balita Lorenzo?" Untag ko sa kaibigan.Mukhang nakalimutan na nya ang pakay nya eh. Inuna pa ang pang aasar. Umahon sya sa pagka
JeizhiroParang bombang hinagis sa harapan ko ang sinabi ni mayor Rodolfo. Hindi ako makapaniwala."Ano hong sabi nyo? Anak nyo si Ivy? Ang asawa ko?" Nagugulumihanang tanong ko. "Oo Jeiz, anak ko ang asawa mo. Anak ko si Ivy Crisostomo. Anak namin ng babaeng pinakamamamhal kong si Irene Crisostomo, ang namayapang ina ni Ivy." Natigilan ako. Alam ko ang pangalan ng ina ni Ivy dahil ako ang nagasikaso ng birth certificate nya para sa kasal namin. Pero hindi ko pa nakikita ang itsura nito sa larawan -- ay hindi nakita ko na pala isang beses sa photo album ni Ivy. Malaki ang pagkakahawig nilang mag ina. Naalala ko din ang lumang larawan ng babae na nakaipit sa notebook sa lamesa ni Mayor Rodolfo. Kamukhang kamukha ng ina ni Irene ang babae. May inilabas na papel si mayor sa drawer ng office table nya at nilapag sa harapan ko. Kunot noong dinampot ko ito at tiningnan. DNA test result. At ayon sa resulta 99.9% matched sila ni Ivy. Sya nga ang ama ni Ivy. Napalunok ako at nagtatanong ti
Ivy "Magandang hapon po Mayor Rodolfo." Nakangiting bati ko kay Mayor Rodolfo."Pasok ho kayo mayor." Aya ni Jeiz."Salamat Jeiz, Ivy.." Nakangiting sabi nya at pumasok na sa loob. Nginitian ko naman si Danilo at Allan pati na rin ang dalawang tauhan na kasama ni mayor. Nginitian din nila ako at sinaluduhan. Nagpaalam ako kay Jeiz na gagawa ng tsaa sa kusina at kukuha na rin ng meryenda. "Napapansin ko napapadalas yata ang pagdalaw ng mayor ng San Agustin." Untag ni manang Sol na naglalagay ng kakanin sa plato at nilagay sa tray. Ako naman ay nagtimpla ng isang tasang tsaa at limang tasang kapeng barako na galing kay lola. "Oo nga po eh, pero sabi nya ay may pinupuntahan daw sya dito sa bayan at dumadaan muna dito sa bahay bago umuwi." Kung hindi ako nagkakamali ay pangatlong beses ng pagdalaw ng mayor dito sa bahay. Wala namang problema dahil mabait naman ito at masarap ding kakwentuhan. "Pero alam mo, magaling na mayor yan. Umunlad nga ang bayan ng San Agustin dahil sa kanya.
Warning 🔞IvyMataman lang akong nakikinig sa kwento ni Mayor Rodolfo tungkol sa kanila ni mama. Kung paano sila nagkakilala sa Manila at kung paano nagsimula ang pagiibigan nila. Kinuwento din nya kung bakit sila nagkahiwalay ni mama, dahil sa ama nya na lolo ko. Kaya din siguro hindi man lang magawang banggitin sa akin ni mama ang pangalan nya dahil sa hinanakit nito sa kanya. Hindi ko maiwasang maluha sa kwento nya tungkol kay mama dahil sobrang miss ko na si mama at marinig sa ibang tao na kinukwento sya ay talaga nga namang nakakamiss. "Ilang beses kitang sinubukang hanapin anak, pero hindi ko alam kung saan mag uumpisa. Hanggang sa nakita kita sa bahay ni Jeiz, doon pa lang iba na ang nararamdaman ko ng makita kita. Kamukha mo ang mama mo." Madamdaming nyang sabi. Pinahid ko ng panyo na binigay ni Jeiz ang luha kong tumulo sa pisngi. Mabuti na lang at walang masyadong tao dito sa pwesto namin sa park. Parang nakikiayon pa ang kapaligiran sa nararamdaman ko. Tahimik at malami
Ivy "Kuya Jeiz!" Sigaw ni Kiko na lumabas ng bahay ni lola at patakbong lumapit sa amin. Yumakap muna sya sa akin bago hinarap si Jeiz na ginulo ang buhok nya. "Mukhang namiss mo ko ah!" Natatawang sabi ni Jeiz. "Opo! Namiss ko kayo ni ate. Kanina ko pa nga kayo hinihintay eh." Masiglang sabi ni Kiko. "Huu! Pero mukhang si Jeiz lang ang namiss mo." Kunwaring nagtatampong sabi ko. "Hindi ah! Namiss rin po kaya kita ate." Nanghahaba ang ngusong sabi nya. "Talaga? O baka naman yung pasalubong namin ang namiss mo." Sabi ko. "Syempre kasama na rin po yun." Malawak ang ngiting sabi nya. Natawa naman si Jeiz at inabot sa kanya ang pinangakong pasalubong na ice cream. "O hati kayo ng ate mo ha." "Opo! Salamat po kuya Jeiz. Da best ka talaga!" Tuwang tuwang sabi ni Kiko. "Sus! Nambola ka pa." Ginulo ulit ni Jeiz ang buhok nya. Ako naman ay natatawa na lang. "Tara na po sa loob, may bisita po si lola." Aya ni Kiko at nagpatiuna na pabalik sa loob ng bahay bitbit ang plastic ng galon