Halos tanghali na ng magising si Daniella. Pagmulat ng kanyang mata ay mag-isa na lamang siya sa bed at maging sa loob ng kuarto. Agad pumasok sa kanyang isip ang muntikang may mangyari sa kanila ni Wolverine kagabi at nakaramdam ng labis na pagkapahiya sa sarili. Hinawakan pa niya ang magkabilang pisngi niya at tinapiktapik dahil sa kanyang kapalpakan. Parang wala siyang mukhang ihaharap sa binata, mabuti na lamang at wala na ito sa silid at mas maganda pa kung umalis na ito papuntang upisina at balaha na lang din siyang umeskapo pauwi sa kanilang bahay. Bumangon siya upang pumunta sa banyo ng mapansin ang mga nakahanger na damit pambabae na nakasabit sa rack. Napatingin siya bigla sa suot na damit; napailing siya ng makita ang suot na damit ng binata na sobrang luwang sa kanya ngunit sobra namang komportable siya sa pagsusuot.Pumasok siya sa banyo at itinutok ang katawan sa shower pagkatapos ay lumabas siya at pumili sa mga nakasabit na dress sa rack. Naisip niya para sa kanya sig
After almost two hours’ drive ay narating nila ang Alegre private resort sa Batangas, 5pm ang binyag at nakarating sila sa 10 minutes bago ang seremonya. Pagpark palang ni Danielle sa kanilang sasakyang ay nahook na agad siya sa napakagandang tanawin. Hindi pa siya nakakalabas sa sasakyan ngunit tanaw na tanaw niya ang napakagandang Taal lake, breath taking ang ganda at nakakawala naman ng pagod. Parang nawala ang stress niya sa daan pagkakita sa magandang paligid. Hindi na kasi nakipagtalo pa si Wolverine sa kanya ng sabihin niyang siya ang uupo sa harap ng manibela; alam kasi nitong hindi siya komportable kung iba ang may hawak ng manibela. Nailing ito ng tanggalin niya ang suot na heels at nakapaang nagdrive habang suot ang simpleng white long sleeve below the knee dress na mula sa isang mamahaling brand. Wala siyang inilagay na anumang colorete sa mukha kundi simpleng blush on at liptint sa kanyang mga labi. Inilugay lang din niya ang buhok at nag-spray ng kanyang favorite na scen
After sometime ay inaya siya ng mag-asawang Tyron at Arabella upang tumuloy sa loob at maupo. Tumango lamang naman siya sa mga ito at sabay tingin sa paligid pagkatapos ay nakangiti siyang sumenyas sa mga ito na ipagpatuloy lamang ang pag-estima ng iba pa nilang bisita. “Just go ahead with your other visitors; I’ll get inside and find myself a seat.", turan niya at tila may pag-alinlangan pa ang mga itong iwanan siya ngunit may mga kararating lang ulit na mga bisita. “See you around.”, saad ng maganda at mabait na si Arabella at nakangiting kumaway siya dito. Sinundan pa niya ng tingin ang mag-asawa habang palayo sa kanyang kinatatayuan bago inilibot ang mga mata sa paligid. Napahalukipkip siya, nagtatalo ang kanyang isip kung tutuloy na siya sa loob o maglalamiyerda sa paligid. Wolverine is nowhere to be found at wala siyang kilala sa mga ibang bisita sa loob. Sabagay may pagkaintrovert naman siya kaya nakakasurvive siya sa ganitong crowd kahit wala siyang kausap. Tumingin siya sa
Halos malunod sa kahihiyan si Wolverine ng malamang pinsan ni Danielle si Dr. Chan. Pinag-isipan pa niyang putulin ang kamay nitong nakahawak sa dalaga at kung hindi lang ngsalita ang kapatid nito baka nagawan pa niya ito ng hindi maganda kung hindi niya bibitiwan ang dalaga.“Oh, really? I apologized for my action. I’m Wolverine De Villa; nice to meet you."mabilis naman niyang nakompos ang sarili at iniabot ang kamay kay Raphael. Ngumiti naman ito na tila bale wala ang naging reaction niya kanina at iniabot ang kamay para makipagshake hands sa kanya. Despite his powerful aura, Raphael displays calmness and humility kung kayat magaan ang loob niyang ngumiti dito. Ngunit ng tumingin siya kay Dr. Chan ay hindi siya naging komportable. Sa kabila ng malacelebrity nitong aura ay masyado itong seryoso at suplado. Sa paraan ng pagkakatingin sa kanya ay tila hindi nito ipagkakatiwala sa Danielle sa kanya.“Are you sure you agree to take this brat to be your fiancée?”, nakataas kilay nitong pa
“Hey!”, pukaw ni Dylan kay Daniella mula sa kanyang pagkakasandal sa railings ng view duct facing Taal Lake na kung saan may mga mumunting kumikislap na mga ilaw dito. Dumirecho kanina ang dalaga dito upang magpahangin at magcool down dahil sa pag-iinit ng kanyang ulo. Tinignan lang niya si Dylan pagkatapos ay walang imik na ibinalik ang mata sa napakagandang view.“Pasensiya ka na kay Lorin, masyadong mataas ang pagtingin niya kay Wolverine kaya nabigla siguro siya ng sagutin mo ng pabalang.”, maya maya ay turan ni Dylan sa kanyang pananahimik. Wala siyang balak sagutin ito ngunit narinig niya tumawa iyon ng mahina.“When I first saw you, you were just simple, kind, and charming. Today, you seem like a jealous wife and ready to bite.’, narinig niyang turan ulit ni Dylan at hindi niya napigilang nginitian ito ng pagkasarkastiko.“Tomorrow, you will hear in the news that I killed somebody.”, saad niya at tumawa iyon.“I understand your feeling.”, nakatawang pahayag nito at hindi niya n
“Bossing, papunta na kami sa SMC; dika pa sasabay?”, si Robin kay Danielle. Nagreport sila sa tower dahil kailangan ang kanilang mga siganatures para sa papers nila papuntang Japan. Patapos na ang lahat para sa Tanaka at kailangan nilang magpunta para sa finalization ng contract at iba pa.“Sunod na lang ako Rob, dalhin ko muna kay Wolverine itong mga documents para mas madali.”, turan niya dito. Baka kasi abutin ng siyam siyam kung sa ibang staff pa niya ipagkatiwala, busy pa naman sa maraming bagay ang binata, idagdag mo pa ang masungit nitong secretary.“Oh, okey. See you in SMC nalang.”, saad ni Robin at tumango siya dito pagkatapos ay ibinalik sa kasama nila ang pinermahang documents for checking ngunit binalik din ito sa kanya para siya na ang magdala sa office ng binata. Sinenyasan pa niya si Robin ng mauna siyang lumabas sa upisinang kinarroonan nila at kumaway lang din sa kanya iyon. Parang may balak pang makipagchismisan sa kanilang mga kasama bago bumalik sa SMC.Mula sa in
Kung ilang ulit lumunok si Danielle pagkarinig sa sinabi ng staff na nasa kabilang linya. Hangggang leeg niya ang nararamdaman niyang galit habang nakakuyom ang mga palad. Kung pinayagan na lang kasing permahan kanina di sana wala ng problema, nandoon pa naman ang babayaran nilang balance para sa mga equipment. Napapikit siya ng mariin, ano na ngayon ang gagawin niya? Hindi pa naman siya sigurado kung kailan ang balik nito. Shocks! Plan B.“Konnichiwa, Kenjin!”, mensahe niya sa kaibigang Japanese. Tumira din siya sa Japan for certain period of time at kahit paano ay may mga kaibigan din siya doon. Mga nakilala niya during her apprentice, at si Kenjin ang pinaka bestfriend niya sa Japan. Anak si Kenjin ng isang negosyanteng nagmamay-ari ng malaking kompanya sa Japan at natutuwa sa kanya ang tatay nito dahil sa mga ideas niya sa mga ibat ibang makina ng sasakyan.“Kumusta, aking kaibigan?”, maya maya ay napangiti ang dalaga dahil agad ding tumugon sa kanyang mensahe si Kenjin, gumamit
Halos hindi maigalaw ni Danielle ang katawan sapagkat mahigpit na nakahawak sa kanyang kamay si Wolverine at ipininid sa may dingding habang nakaumang ang labi nito sa kanyang bibig. Aminin man niya o hindi, isang weakness ni Daniella ay ang magic touch ng binata. But before she’s under his spell, Danielle bite his lips to the highest level. Agad siyang binitiwan ng binata at napamura ito ng maramdamang dumugo ang kanyang bibig pagkatapos ay nagtatanong ang mga matang tumingin sa kanya. Nabigla naman si Danielle sa ginawa ngunit agad din siyang kumuha ng tissue sa nakapatong na tissue box sa table ng ama at iniabot dito. Kinuha naman iyon ng binata at ipinahid sa kanyang labi.“Did you really hate me this much?”, saad nito ng maampat ang pagdurugo ng labi. Tumingin sa kanyang mukha ang binata at nagsalubong ang kanilang paningin. Saglit na nag-usap ang mga mata pagkatapos ay binawi din iyon ng dalaga sa pamamagitan ng pagtingin sa ibang korner ng room.“Let’s stop this!”, maya maya