Share

Chapter 137: Brendon’s Intense Conversation With His Mom

NITONG mga nagdaang araw na naging tahimik siya at walang kinikibo sa lahat ng taong nakatira sa bahay ng Lola Graciela nila, si Caroline ang madalas niyang kausap sa Facetime. Kung dati-rati hindi sila naghihiwalay ng higaan ni Brianna, nitong nakalipas na ilang buwan kusa na itong lumayo sa kanya. Bagay na ikinainis din niya sa kambal. Sanay siyang kahit maldita at makulit ang kambal naroon ang presensya nito sa tabi niya ngunit habang lumalaki sila madalas itong may sumpong at lagi silang nagtatalo hanggang sa nauwi sa paglipat nito ng ibang silid. 

Kay Caroline niya naikwento ang lahat ng tampo at hinanakit niya sa kapatid at magulang dahil handa itong makinig. Kapag sinasabi niyang sikreto ang bagay na shini-share niya maaasahan niya ito lagi. 

At nitong huli nilang pag-uusap nabanggit nga nito na na-scam na naman ang daddy nito at naubos na ang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status