Pinagmasdan niyang maigi ang kaniyang mukha sa salamin. Halos hindi na niya makilala ang kaniyang sarili dahil ibang-iba na ngayon ang kaniyang itsura. Marahan niyang hinaplos ang kaniyang maliit na mukha. Ni bakas ng dati niyang mukha ay hindi na niya makita. Hindi na siya ito. Hindi na siya si Precious dahil si Precious ay patay na. Kumuyom ang kaniyang kamao. Anim na buwan na ang nakaraan pero ni isang detalye ng mga nangyari ay tandang-tanda pa niya. Huminga siya nang malalim. Pinakalma niya ang kaniyang sarili. Ilang buwan na din niyang sinasanay ang sarili. Hindi siya puwedeng magpadala sa galit at puot na nararamdaman niya. Oo galit siya, pero hindi siya puwedeng magpadalos-dalos. Hindi na siya iyong dati na puso lang ang pinapairal niya. Ngayon, utak na niya ang ginagamit niya. "Jade..." Sinulyapan niya si Ziyad. Kararating lang ng lalake galing sa trabaho. Tinupad ng lalake ang pangako niyang tulong. Dinala siya nito sa ibang bansa. Ginastusan ang kaniyang plastic surgery
Nakaalis na sina Awi at Cora kaya lumabas na din ako ng restroom. Naghihintay na si Ziyad sa loob ng sasakyan. "You okay?" Medyo tulala ako dahil sa aking iniisip. "Nakita ko sina Cora at Awi. Magkasama sila..."Natahimik si Ziyad. "Paimbestigahan ko si Awi." Tumango ako at muli na namang napaisip. I'm not overthinking about what I saw earlier. I was busy thinking of things that I would want to do with Cora. Sa dinami-dami ng lalake sa mundo, si Jacob pa talaga. Damn it! Buong buhay ko, pinagkatiwalaan ko siya. She knew my frustrations, struggles. And she knew that I really like Jacob since we're young. That scheming bitch! I will make her pay a high price. Sa isa sa penthouse ni Ziyad kami umuwi. Dito sa NCR mayroon siyang tatlong malalaking towers na pagmamay-ari bukod pa sa mga nabili niyang mga units at penthouse sa iba't ibang mga towers sa buong NCR. He's one of the most influential and successful billionaire at a young age. Ang mga magulang niya ay nasa ibang bansa. Ang D
Tawag nang tawag si Cora. Ang kulit-kulit. Ilang araw na din ang nakalipas mula nang sabihin ko sa kaniya na may ibibigay ako sa kaniya. Mukhang hindi na makapaghintay."Sorry, busy kasi ako these past few days. Free ako tonight, kita tayo?" "Sure. Puwede tayong magkita sa mall sa Quezon City."Ako pa talaga ang pupunta doon? Asa ka naman na mapapasunod mo ako. "Nasa Taguig kasi ako, e. Pero puwede namang some other time na lang.""Hindi, pupuntahan kita," she insisted. That's a two hours drive, pero dahil traffic matatagalan pa siya. Hindi naman ako maghihintay sa kaniya, siya ang maghihintay sa akin. "Okay." Sinabi ko sa kaniya kung saang restaurant kami magkikitang dalawa. Nandito ako ngayon sa Ayala, may tiningnan ako na space for rent at hinihintay ko ang broker sa susunod na space na titingnan ko. Mag-o-open kasi ako ng business, na-approved na ito ni Ziyad. Hindi na ako nakatira sa kaniyang penthouse ngayon. I moved out. Sa kabilang tower lang naman ako lumipat, dahil kaila
THIRD POV Nanggagalaiti sa galit si Cora nang hindi na naman umuwi sa magdamag si Jacob, kaya hinanap niya ito sa lahat ng puwede nitong puntahan. At natagpuan niya ito sa penthouse kinaumagahan. Pinigilan pa siya ng bodyguard ni Jacob kanina sa labas. At kung hindi lang siya nagwala hindi pa siya papapasukin sa loob. Nadatnan niya ang mga kaibigan ni Jacob sa may living room na mga tulog pa at may mga katabing mga babae. May mga babae, kaya naisip niya na mayroon ding babae si Jacob. Alam niyang nasa loob ng silid si Jacob, kaya halos gibain niya ang pintuan nito sa lakas ng kaniyang pagkatok. "Jacob!""Buksan mo itong pinto!" Naalimpungatan naman ang mga kaibigan ni Jacob. Nagmamadali ang mga 'to na magbihis at sinama nila sa pag-alis ang mga babae na kasama nila. Nagising naman si Jacob pero hindi ito agad bumangon. Masakit ang kaniyang ulo at katawan. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang hapdi sa kaniyang dibdib at kaniyang likuran. Napamura sya dahil tila sumobra ata i
Pakiramdam ni Precious ay pagod na pagod siya nang makasakay siya sa taxi na nakaabang sa kaniya sa labas ng unit ni Jacob. Ilang oras ang tiniis niya para makasama ang lalake. Jacob wanted to bed her. Mabuti na lang at tawag nang tawag sa lalake ang ilang kasosyo nito sa negosyo. She breathe a sigh of relief when the car starts to move. Kaunting tiis pa, Precious, bulong niya sa kaniyang sarili. Sumisikip ang kaniyang dibdib. Halo-halo ang kaniyang nararamdaman pero sinikap niyang patatagin ang kaniyang sarili. She's not that weak, fat and ugly woman anymore. Dumiretso siya sa kaniyang condo at nadatnan niya si Ziyad na naghihintay sa kaniya. May pag-aalala ito sa mga mukha. Pinagmasdan niya ang dalaga mula ulo hanggang paa, sinisigurado na ayos lang ito at hindi napano. Ngumiti si Precious sa kaniya sa kabila ng paninikip ng kaniyang dibdib. "Are you okay?" tanong ng binata. Of course, he knew that she's not okay. sa sobrang pagmamahal niya sa babae, alam niya kapag may bumabag
Mula sa labas ay pinagmasdan muna ni Jade si Cora na nasa loob ng isang mamahaling restaurant. Halata ang stress sa mukha nito at ang pagbagsak ng kaniyang timbang. Kung siguro nakokonsensya ito sa ginawa nito sa kaniya, baka sakaling kaawaan pa niya kahit paano, pero hindi, e. Walang konsensya ang babae at ni minsan, parang hindi man lang yata sumagi sa isip nito si Precious. Huminga siya nang malalim bago pumasok sa loob ng restaurant. "Hi, Cora... Kumusta ka?"Hindi magawang ngumiti sa kaniya ng babae. Kita niya ang nangingilid na mga luha sa magkabilang sulok ng kaniyang mga mata. "Why? What happened?""He did it again?" Batid na niya kung ano ang tinutukoy ni Cora, pero nagmaang-maangan siya. "Sino? At ano'ng ginawa?" Umiiyak ang babae habang kinukuwento nito ang ginawa ng kaniyang fiance. Mula sa stag party at iyong nangyari kahapon. "Ano'ng sabi ng fiance mo?""Wala! Kaya mas lalo lang akong naiinis kasi hindi man lang nag-explain! Kahit umiyak ako, kahit sinaktan ko, ni
Niyakap siya ni Jacob. Sa kabila ng pag-arte ni Precious, gustong-gusto na din talaga niyang umuwi dahil hindi na siya komportable. Pero paano naman siya makakauwi kung ayaw siyang payagan ng lalake. Hinahalik-halikan nito ang kaniyang pisngi. "Uuwi na ako...""Hindi ka puwedeng umuwi hangga't hindi tayo nakakapag-usap ng maayos," masuyong sagot sa kaniya ng lalake. "Gusto kita, Diamond. That's true." Gusto sana niyang mag-inarte at hard to get kaso matatagalan lang siya lalo dito. "G-Gusto din kita, Jacob. Pero—"Siniil siya ng halik ni Jacob, pero hindi naman iyon nagtagal. "Promise me that this won't be the last." Gustong manigurado ng lalake. Talagang gusto nito si Diamond. Alas! Hawak na kita sa palad ko, Jacob, isip-isip ni Precious. "Oo. Pero bukas busy kasi ako, e.""Hmmm... Okay. The other day, then." Tumango lang si Precious. Hinalikan siya ng madaming beses ni Jacob. Naiinis man, tinanggap ito ni Precious at sinuklian. "Sabay na tayong bumaba. Don't worry, bibilinan k
"Mag-swimming tayo," aya ni Diamond kay Jacob. Kanina pa kasi sila sa loob ng villa at hindi na siya komportable pa na kasama ang lalake. Kung hindi hahalik, kung saan-saan naman dumadapo sa katawan niya ang kamay nito. Nagtitimpi lang siya at baka kapag siya ay nainis baka masampal niya ang lalake at doon pa masira ang kaniyang plano. "Pero baka may makakakita pala sa'yo, kaya ako na lang," bawi niya. Kailangan lang niyang lumanghap ng preskong hangin sa may dalampasigan. Her mind was starting to be clouded. "I'll go with you. We also need to buy some clothes." She had no choice. Sa susunod hindi na talaga siya magdadrama. Hindi niya inakala na ganoon kabilis magdesisyon ang lalake pagdating sa isang babae. Same old Jacob. What would she expect. Once a cheater always a cheater. Nakarating sila sa resort ng walang dalang mga gamit. Mabuti na lang at may shop sa resort. Medyo pricey kumpara sa mall, pero hindi naman problema ang presyo sa kanila ni Jacob. Kung ano-ano ang pinagbibi