Share

Kabanata 22

Nagmamadaling lumapit sa akin sina Tita MA at Gail para kumustahin ako.

"Ayos ka lang ba Meghan?" Tanong ni tita at tanging tango lamang ang naisagot ko.

"Pinagkakaguluhan talaga yang beauty mo bakla. Buti nalang talaga andito ang napakagwapong si Brandon. Lagi ka nalang nililigtas ng knight in shining armour mo." Tili ni Gail na kilig na kilig pa.

"Pssst Gail!" Saway ni Tita MA nang mapansin ang paglungkot ng mukha ko.

"Sorry nakalimutan ko tita. Pasensiya na bakla. Peace na tayo." Pag-aalo sa akin ni Gail na may kasama pang pagyakap.

Batid siguro nila na apektado pa rin ako kay Brandon kaya't pinutol na rin nila ang pag-uusyoso. Pagkatapos ay bumalik na rin kami sa kanya-kanyang trabaho.

Nang tingnan ko ang VIP table ay wala naman doon si Brandon. Nagpalinga-linga ako sa paligid nagbabakasakaling makita ko siya ngunit bigo ako. Marahil umuwi na mukhang nabadtrip sa akin.

Mabigat man ang loob ko ay kinailangan kong magfocus ul

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status