Thank you everyone for your comments and feedbacks!
NOTE: SPG chapter ahead, contains sexual content not intended for young and minor readers. Please be guided. ( Thalia's POV ) Hawak hawak ko ang dibdib na sobrang lakas sa pagkabog. Saka ko dahan dahang pinalandas ang daliri sa aking labi. Hinayaan ko ang halimaw na yon na basta na lang akong halikan at ako itong si gaga hindi naman pumalag lalo pa't nauna si Krista kanina na angkinin ang mga labi niyang iyon! At ayaw ko mang aminin pero sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko iyon nagustuhan. Saka ang nakakainis namimiss ko rin dahil ngayon lang iyon naulit magmula ng umuwi siya galing Amerika. Tila ba lahat ng sakit at pagkadismaya dahil sa nasaksihan ko kanina ay naglaho. Nakakagulo ng isipan! Bakit niya pa ba iyon ginawa sa 'kin gayung mukhang maayos na naman sila ng bruha. At bakit pakiramdam ko puno ng emosyon ang halik niyang iyon? Halik na ibang iba sa mga ginawad niya dati. Saka ko tiningnan ang sugatang kamay na ginamot niya at lihim na napangiti. Ayaw ko ngang
Hindi ko alam kung anong oras kami natapos. Basta nalang akong nagising nang makaramdam ng pagkagutom dahil hindi ako nakakakain ng hapunan dahil sa nangyari. Akmang babangon na sana ako nang maramdaman ang isang mabigat na bagay na nakapulupot sa aking tiyan kaya dahan dahan ko itong kinuha. Marahan kong ibinaling ang ulo sa kabila at saka pa lamang ako parang binuhusan ng mainit na tubig na siyang nagpagising ng tuluyan sa aking diwa nang mapagtanto ko kung ano ito at kanino ito galing. Braso..... Braso ang nakapulupot sa tiyan ko at galing ito sa halimaw na ngayo'y mahimbing na natutulog sa aking tabi at tanging kumot lang ang nakatakip sa aming mga katawan na kapwa hubo't hubad. Napaawang ako sabay takip sa aking bibig para hindi makagawa ng anumang ingay. Nakailang pikit pa ako para siguraduhing hindi nga ako nananaginip ngunit pagdilat ko ay mukha niya pa rin ang aking nabungaran. Hindi ako makapaniwalang magkatabi kaming natulog. Hindi ako makapaniwalang nanatili siya sa
( Maximus POV ) Nagising ako kinaumagahan na wala na ang babaeng kriminal sa aking tabi. Di ko alam kung anong meron sa kanya kung bakit maging ang pagtulog ko ay napakasarap. Kahit pa man hindi kalakihan ang kama at hindi rin ito kasinglabot ng nasa masters bedroom ko. "Uhmmmm!" Bumangon ako't nag unat ng mga kamay saka pinulot ang aking mga saplot at isinuot ito. Pagkatapos ay lumabas din ako kaagad dahil hinahanap ko ang magandang view na gustong gusto makita ng aking mga mata. Syempre walang iba kundi ang Thalia na yon. "Ma--- magandang umaga po boss." Nakayukong bati ng isa sa aking mga tauhan na sumalubong sa akin. Para itong may sasabihin ngunit mukha pa itong nag aalangan. "Goodmorning, what is it?" Mahinahong sambit ko at di ko alam kung anong meron pero namilog ang mga mata nito sa pagkagulat. Maging ang iba pang mga tauhan na nasa malapit lang at nakarinig ng sinabi ko. Fuck! Ano bang nakakabigla? At nang bigla kong napagtanto ang aking sinabi ay maging ako ay
"Tang ina, huwag mo akong titigan ng ganyan." Irritableng sambit ko kay Bradley na kanina pa mariing nakatutok ang mga mata sa akin. Halatang nang aasar lang naman. "Aba'y bakit hindi? Sinisigurado ko lang naman kung ikaw ba talaga ito. Tang ina rin! Parang ibang tao ang kasama ko ngayon." Di makapaniwalang bulalas nito sabay tungga ng baso ng coconut wine na galing sa plantasyon ng hacienda. "Ang pait, pero masarap ah!" Komento pa nito sa ininom. Kasalukuyan kasi kaming naririto ngayon sa hacienda para sa ginawang pagtitipon sa lahat ng mga trabahador kanina at nagkataong bumalik ang loko sa mansyon kaya isinama ko na. Maya pormahan pa ang babaeng kriminal na yon habang wala ako eh! There's no fucking way! Kilala ko pa naman ang lokong ito na matinik sa babae. "Gago ka talaga!" Sambit ko saka binuga ang usok na hinithit mula sa hawak na sigarilyo. "Paanong naging gago eh I'm just telling the truth dude. Buong buhay ko, ngayon lang kita nakitang nagconduct ng meeting sa mga
"Kinailangang isagawa natin ang plano na wala si Maximus. Itong ibibigay ko sayo ay mamahaling gamot pampatulog. Ihalo mo lang ito sa lulutuin mong pagkain para sa mga tauhan niya. Huwag kang mag alala, hindi naman nakakamatay yan kaya tiyak magigising pa ang mga iyon kinabukasan." Paliwanag sa akin ni Krista ukol sa gagawin naming hakbang. Kinuha ko ang gamot na ibinigay niya at itinago ito ng maayos sa bulsa ng suot kong bestida. Kasulukuyan akong nasa kwarto niya ngayon para pag usapan at pagplanuhang maigi ang aming gagawin na hakbang. Kunyariang naghatid ako ng pagkain sa kanya para walang magduda sa mga tauhan ng halimaw. "Siguraduhin mong lahat sila ay mapapakain mo para wala kang magiging problema. May kinausap na rin akong kakilala na siyang mag aabang sayo sa labas ng gate para may masakyan ka. Nasa kanya na rin ang perang gagamitin mo panimula. Basta siguraduhin mo lang na susunod ka sa usapan natin." Dagdag pa niya na siyang ikinatango ko ng maraming beses. "Oo na
( Maximus POV ) Bumabiyahe na ako patungong Baguio pero parang kay bigat ng dibdib ko. Na para bang gusto kong bumalik sa mansyon na di ko maipaliwanag. Parang may humihila sa akin papabalik doon. "Kung hindi mo ako pupuntahan, I'll swear, hinding hindi mo kailanman makikita ang anak natin. Hindi ako nagbibiro Max, ilalayo ko siya sayo. Mabubuhay siyang walang ama!" Ang mensahe na ito ni Krista ang nagtulak sa akin na magpatuloy. Ofcourse, hindi ko hahayaang mangyari ang gusto niya. Naranasan kong lumaki na walang ama sa aking tabi at ayaw ko iyong iparanas sa magiging anak ko. Ano nga bang inaalala ko? My wicked is safe at naghihintay lang iyon sa mansyon. Pag uwi ko, siya naman ang aasikasuhin ko. Bahala na kung saan hahantong ang kahibangan kong ito but this time, I'll follow my heart. Buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ito. Ngayon lang ako parang buong buo kaya I will let my heart to experience this overflowing happiness when I'm with her. I never experienced l
( Thalia's POV ) Naging mapagmatyag ako sa mga sumunod na oras. Umalis na ang halimaw na Maximus kaya sinimulan ko na agad ang pagluluto lalo pa't dapit hapon na. Ang bilin ni Krista ay gawin ko raw ang plano sa gabi, iyong siguradong madilim na. Sisiguraduhin niya naman daw na hindi makakauwi si Maximus sa mga oras na iyon kaya huwag akong magmadali para maisakatuparan ng maayos ang lahat. "Uuhmmmm ang bango ah! Naku! Tiyak mapapalaban na naman kami sa kainan nito Ms. Thalia." Puri ng isang tauhan ng halimaw na pumasok sa kusina para uminom ng tubig. Ngumiti lang ako ng marahan. "Salamat po kuya." Tipid na sagot ko at di na nakipag usap pa sa kanya dahil iniiwasan ko ring magkamali ng sasabihin. Buti nalang at hindi na rin ito nagtagal. Dinamihan ko ang pagluluto ngayon ng ulam para malagyan ito lahat ng gamot. Para makasigurado akong marami talaga silang makain gaya ng bilin ni Krista. Mamahalin naman daw ang gamot na ito kaya eepekto rin ito ng mabilisan. Kaya naman ng ma
( Maximus POV ) "Can we just stay here for tonight? Kahit ngayong gabi lang Max. Ayaw kong bumiyahe dahil nakakapagod. Isa pa I'm pregnant, masama sa buntis ang mahabang biyahe." Pakiusap ni Krista matapos namin makapag usap ng masinsinan. The heck! Alam naman pala niyang masama sa buntis ang bumiyahe ng malayo pero siya pa itong nagpa Baguio! "If you're not comfortable sleeping beside me, you can get your own room then." Suhestiyon pa nito kaya marahan nalang akong tumango. "Fine Krista! Basta babiyahe tayo ng maaga. I have a lot of works to do." Mariing turan ko kahit ang totoo'y kating kati na akong umuwi para makita na si Thalia. "Okay Max, I'm going to sleep now and don't disturb me dahil bawal sa buntis ang maistorbo ng tulog. Goodnight." Inaantok na sagot naman nito kaya lumabas na rin ako ng kwarto niya. Dahil pumayag ito sa set up namin na sa bata lang ako magkakaroon ng responsibilidad ay pagbibigyan ko na muna siya ngayon. I'm just glad na hindi na ito nagmatig