Napansin ni Ethan na umiiyak si Bella. Tila nabahala ito ng makita siyang natatakot. Inapakan nito ang preno at huminto. “Ayaw mo bang sumama sa akin?” nag-aalalang sabi nito.“Ethan, hindi kita kilala. Tigilan mo na ako. Malalagay ka din sa panganib. Hindi mo kilala si Lola Miranda. Baka ipakulong
“Grabe ka naman. Wala na nga pinagseselosan mo pa. Ikaw na ang mahal ko.”Dinig niya ang usapan ng dalawa ngunit para lamang itong background noises. Nakatulala sila sa larawan sa cellphone. Buhok lang ang ipinagkaiba nila ni Hanna. Kamukha niya talaga ito! Posible bang labis na magkamukha ang dalaw
Hindi makakapayag si Lola Rosa na makulong si Ethan kaya naman haharapin niya ang nasa likod ng pagdakip sa apo.May nakatalikod na dalawang babaeng kausap ang mga pulis. Agad siyang lumapit upang hanapin si Ethan.“Sgt. Antonio, nasaan ang apo ko? Huwag mong ipapasok sa selda si Ethan! Kilala ko an
“Huwag po kayong mag-alala. Gagawin ko po lahat upang hindi makalapit si Ethan.”“Hindi ako makakapayag na mawala ang kayamanan ng mga Montemayor. Kapag namatay si Bella ay mapupunta sa charities ang yaman ng pamilyang pinilit kong maging miyembro. Kaya nga todo ang alaga ko sa nag-iisang taga-pagma
Natumba sila Ethan at Bella sa damuhan. Nainam na lamang at walang ingay na nilikha ang pagbagsak nila sa lupa. Nakadagan siya kay Ethan. Nagtama ang kanilang mga mata. Nahulog siya sa mahika at nahalina sa taglay na karisma ng binata.“Ms. Bella,” tawag ni Luis. Hindi sila halos humihinga ni Ethan.
“Sir, wala pa po dahil hindi pa umuuwi ang pamilya ni Hanna mula sa probinsya. May dinalaw daw na may sakit na kamag-anak.”Tumango siya. “Ang mga ospital? May nakita bang CCTV footages ng oras at araw ng aksidente? Nagsisisi ako kung bakit hindi ko pinaimbestigahang mabuti ang nangyari. Sinabi ni C
Isinugod sa ospital si Bella at dinala naman si Lyn sa presinto. Nag-aabang sa labas ng emergency room si Lola Miranda. Masama ang bagsak ng ulo ni Bella sa semento. Ipinakulong niya si Lyn dahil sa ginawang tangkang pagpatay sa apo. Kailangan niya ito ng buhay. Dalawang buwan na lamang ay kaarawan
Sumilip ang isang lalaki at nakitang gising na siya. Labis ang tuwa nito ng makitang nagkamalay na siya. Agad itong tinawag ang nurse at duktor.“Sino ka?” aniya.“Ha? Hindi mo ako kilala?” kunot ang noong tanong ni Luis.“Dok, ano po ang nangyari? Bakit hindi ako makilala ni Bella?”“Posibleng dahi