Hi, baka naman po pwedeng palambing? Pa-add naman po sa library at pabasa po ng isa ko pang story (The Billionaire's False Secretary), plith? Thank you in advance! ♥️
AlexenaHindi ko mapigilan ang ma-frustrate at mainis.Alam ko naman na galit sa akin si Mikey pero bakit tila ba pati si tadhana ay nakikisali at nakikialam na para bang kamping-kampi at pinagtutulungan ako ng mga ito? Ba't gano'n? Ang unfair! Galit rin ba ito sa akin? Bakit kasi kung alin pa 'yong iniiwasan ko, 'yon pa rin 'yong pilit na nakakatagpo ko? Palagi na lang na hindi ako nai-inform kaya nagugulat na lang ako at nagmumukhang tanga. Tuliro pa rin ako dahil sa nangyari at sa kaalaman na narito rin ito, hindi ko naman masisi si Cloud dahil hindi naman ako pinilit nito, kusa akong sumama dahil akala ko ay makakalayo akong pansamantala at makakahinga kahit bahagya. Hindi namin pareho inaasahan ang nangyari.Nagpaliwanag ito sa akin na ang alam nga raw talaga nito ay hindi pupunta ang kaibigan nito. Matagal na raw kasing nagyayaya at plano ang mini reunion na ito kasama ng mga dating kaibigan ng mga ito during highschool days, sa tagal nang pagyayayaan ay ngayon lang daw natulo
AlexenaKatulad ko, dahil siguro sa pagkagulat ay hindi nakaimik si Eros. Ngunit nang makabawi na ako ay ibinaba ko ang hawak ko. "Hoy, ano ka ba?" sita ko kay Cloud bago hinila ang laylayan ng damit nito."Masyado kang mabait kay Lexy. May motibo ka ba kaya ka ganyan, pare?" patuloy na tanong nito at hindi ako pinansin.Nanlaki ang mata ko.Wtf? "Hoy. Kung anu-ano ang sinasabi mo," singit ko ulit, ako kasi ang nahihiya sa mga pinagsasasabi nito na wala namang batayan."Selos ka na niyan?" tanong naman ni Eros.Wtf ulit? Bakit may selosan na sa usapan na hindi naman dapat at alam ko namang wala?"Hindi naman. Pero payong kaibigan lang, panatilihin mo ang tamang distansiya sa pagitan ninyo ni Lexy.""Wala naman akong ginagawang masama, ah," tugon naman ni Eros."Wala nga. Pero masyado kang mabait."Nakita ko ang pagkamot ni Eros sa batok nito. "Masyadong mabait? Baliktad na ba ang mundo at tila ba masama na ang pagiging mabait ngayon?"Tumawa nang magaan si Cloud. "Hindi naman sa gan
AlexenaDahil sadyang hindi ko inaasahan ang taong nasa harap ko ngayon na ilang dipa lang ang layo sa akin ay hindi ako agad nakakilos sa kinatatayuan ko.What is he doing here?Napakurap ako nang makitang nag-umpisa na itong lumakad palapit sa akin. Lumunok ako at parang gusto ko na lang tumakbo nang napatingin ako sa mata nito na may bahid ng galit.Ano na naman ang nagawa ko na ikinagagalit nito? "What do you think you're doing back there, huh?!" gigil na tanong nito bago ako hinawakan nang mahigpit sa braso noong tuluyan na itong nakalapit sa akin.Hindi ko napigilan ang mapangiwi dahil sa sakit na nararamdaman ko sa pagkakahawak nito sa akin. "Let me g-go," sa halip ay sagot ko at pilit na tinatanggal ang kamay nito.Tumawa ito nang pagak. "Let you go? Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin 'yan. Hindi ba at umalis ka nga ulit para iwanan ako? Nag-resign ka na wala akong kaalam-alam. Diyan ka naman magaling, 'di ba?" mapang-uyam na tanong nito.Pinigilan ko ang pagtulo ng luha
AlexenaKatulad nang inaasahan ko na ay nahirapan akong gumising dahil sa puyat, sino ba naman kasi ang makakatulog nang matino kung alam mong nasa iisang kuwarto lang kayo ng taong pinakaiiwasan mo? Worse, nasa kabilang kama lang ito at super aware ako sa presensiya nito kahit na ang totoo ay hindi naman ako nito inaano. Isa pang dahilan kaya hindi naging maayos ang tulog ko ay naaalala ko ang pag-uusap namin na hindi ko na lang din binanggit pa kay Cloud at baka yayain na ako nitong umalis.Wala pa sana akong balak na gumising dahil pakiramdam ko ay kulang pa rin ang tulog ko pero sapilitang ginising na ako ni Cloud dahil mataas na raw ang sikat ng araw at nagugutom na raw ito.Nag-ayos lang ako ng sarili bago kami lumabas dahil si Cloud ay maayos na noong mamulatan ko ito at hinihintay na lang talaga akong kusang magising pero noong hindi na ito nakatiis ay tinapik-tapik na ako nito.Wala ng tao sa kusina nang makarating kami roon kaya kaming dalawa na lang ang kumain, obviously ay
AlexenaSinubukan kong magsukat at nakitang sakto naman sa akin ang mga binili ni Cloud.Hindi ko mapigilan ang mapapalatak. Kay galing kasi nito, napaghahalataan na sanay na sanay itong tumingin ng size ng katawan at mga gamit pambabae, ah?Napailing-iling tuloy ako.Hmm... si Mikey kaya? Ganito rin?Naipilig ko ang ulo ko nang mapagtanto ang naiisip ko.Dmn.Pilit na iwinaksi ko na lamang ang isiping iyon at pagkatapos ay tiningnan ko ang repleksiyon ko sa harap ng salamin.Mula sa mukha ay bumaba ang tingin ko, hanggang sa napunta ang mata ko sa bandang puson, wala sa loob na napahaplos ako sa peklat na naroon.Wala na ang sugat. Naghilom na. Wala na rin ang pisikal na sakit. Peklat na lang ang natira. Peklat na panghabang-buhay at hindi basta-basta mabubura. Peklat na sa tuwing makikita o mahahawakan ko ay may alaala ng nakaraan ang nagdudulot ng lungkot at sakit sa akin. Naghilom nga sa panlabas, ngunit sa loob ay hindi pa rin. Tila ba sugat na may langib ngunit sa loob ay sari
AlexenaAutomatic na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.Ano raw? Sa halip na ipaliwanag ang narinig ko ay pasimple nitong inginuso ang direksiyon ni Mikey na seryosong nakatingin sa amin, katabi pa rin nito si Lucy na mukhang may sinasabi rito.Napalunok ako dahil sa titig ng lalaki kaya iniiwas ko na rin ang tingin dito at hinablot ko na lang bigla ang lotion kay Cloud.Natawa ang kaibigan kong may saltik sa utak. "Nako. Takot ka rin, 'no?" Tiningnan ko ito nang masama. "H-Hindi, 'no. Ba't naman ako matatakot? Ayoko lang na magpalagay sa iyo at baka kasi tsansingan mo ako." Napasipol ito. "Wow, ha? E, 'di ngiyaw! Nagmamagandang-loob lang ako, eh."Nagmamagandang-loob, my ass.Inirapan ko ito.Narinig ko naman ang naaaliw nitong pagtawa.Siyang-siya ang loko."Teka, may dala ka bang pangpusod?" tanong nito kapagkwan.Tumingin ulit ako rito. "Heto, bakit? Anong itatali mo?" nagtatakang tanong ko sabay pakita sa panali ng buhok na nasa palapulsuhan ko pa dahil nakalimutan ko pa
AlexenaLuh? Ano na namang pauso 'yon? Daming alam, eh."La la la la. Ayaw raw magpalagay sa akin ng lotion kasi baka tsansingan ko, pero may lumapit lang na isa pang guwapo pumayag na." Nanlaki ang mata ko. Alam kong ako ang pinaparinggan nito. "Ayan. Hindi siya makasagot ngayon, kasi nga kinikilig pa rin siya," patuloy na parinig pa rin nito.Inis na hinampas ko ito sa hita. "Grabe ka!"Kunwa ay gulat pa itong tumingin sa akin at ikinurap-kurap ang mata na parang kay inosente. "Ay! Ikaw ba 'yon? Bakit nagre-react ka?" maang-maangan pang tanong nito.Umirap ako at ngumuso. "Hindi ko naman kasi ginusto 'yon."Tiningnan ako nito nang hindi naniniwala. "Ows?"Kinurot ko naman ito sa braso. "Malay ko ba kasing lalapit 'yong kaibigan mo? Tss. Kung anu-ano ang sinasabi at ang lakas na pagbantaan ako."Hinawakan nito ang kamay kong nakakurot pa rin sa braso nito, nakangiwi ito dahil madiin ang ginawa ko. "Grabe. Kailangang manakit?" sa halip ay tanong nito."Ikaw kasi, eh," paninisi ko.
AlexenaHindi na natuloy pa ang pagtuturo ni Cloud sa akin na lumangoy dahil ilang ulit nang kapag bibitawan na ako nito ay natatakot na ako at aatakihin bigla ng pagpa-panic, kundi magkakakawag ay napapakapit ako rito. Hindi kami makausad-usad at mukhang napansin nito na walang nangyayari kaya ito na rin ang sumuko na ikinahinga ko nang maluwag. Napagpasyahan nito na huwag na lamang akong pilitin dahil hindi ko talaga kaya dahil sa takot ko. Ang ending tuloy ay nakalunoy na lamang kaming pareho habang nakaupo at nakalubog ang mga paa at binti hanggang sa lagpas beywang na tubig malapit sa dalampasigan, nakaharap ito sa akin habang nilalaro ng kamay ang tubig, hindi namin alintana ang mataas na sikat ng araw, basta ang nararamdaman ko ay relax ako at mukhang gano'n din naman ang kasama ko."Nag-e-enjoy ka naman ba? Okay ka na?" biglang tanong nito.Mula sa mga alon sa malayo na pinagmamasdan ko ay lumingon ako rito at ngumiti. "Oo naman, nabawasan ang pagka-stress ko kanina. Sino ba