Share

Kabanata 11

Gisselle

Naalis lang dito ang tingin ko nang magsibabaan mula sa van ang tila mga kasama nitong kalalakihan na matitikas ang katawan. May mga kasama ring babaeng tila asawa at mga paslit, kaya naisip ko na baka kapamilya niya itong mga ’to. Sa palagay ko rin ay mga uncle niya ang iba rito na aniya’y mga dating sundalo, kaya naman pala may tangkad at ang laki ng katawan.

Ano’ng ginagawa nila rito nang ganito ka-aga?

Tumikhim na lamang ako at itinaas ang hood sa ulo, pati ang mask ko ay inayos ko rin dahil alam kong hanggang ngayon ay namumula pa rin ang pisngi ko mula sa pagsampal sa akin ng ama ko.

Hindi ko na tinangkang tumingin pa sa kanila at binalingan na lamang ang kape ko. Naisin ko mang umakyat sa itaas ay hindi ko magawa dahil nakita na rin naman na ako ni Guevarra, at isa pa ay nakakahiyang dumaan sa banda nila na ngayon ay umo-order na.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status