Share

Chapter Forty Eight 

MAAARI ngang mabilis ang pangyayari sa relasyon nila ni GB pero pakiramdam niya'y napakatagal na panahon na silang nagmamahalan ng kanyang bespren. Tulad nga ng sinabi rin ni GB, itinatago lang nila iyon sa isa't isa dahil nangangamba silang mabago ang kanilang relasyon. 

At nangyari naman. 

Iyon nga ang dahilan kaya sobra-sobra ang kaligayahang nararamdaman niya ngayon. Dahil alam na niyang may katugon ang kanilang mga damdamin. Kaya't tiyak niyang ang pagsasama nila ay panghabambuhay na. Mula naman kasi noon hanggang ngayon, kahit hindi pa niya inaamin sa sarili na pag-ibig nga ang kanyang nararamdaman, si GB lang talaga ang gusto niyang makasama. 

"Hoy, babae, nakakasama ka ng loob."

"Chesca," mangha niyang sabi. Nanlaki pa ang kanyang mga mata nang mak

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status