LUMAPIT ang dalawang bisita na kasama ni Logan sa mga magulang ni Ensley. "Ma!" Tawag ni Logan sa ina. Tumingin si Mila sa kasama nito. "You must be—" saad ng ina."Parker Wu, Mrs. Ignacio. Thanks for inviting me and if you don't mind po, sinama ko yung kaibigan ko." Magalang na saad ni Parker sa ina ni Ensley at naki-pag shake hands pa ito rito. "He needs company tonight." Habol pa ni Parker at pinalo ang balikat ng kaibigan at tumawa pa. "I'm sorry for crashing your dinner party, Mrs. Ignacio. My name is Dior Moore." Magalang na saad din nito at naki-pag shake hands din."No worries, I think Ensley knows you too. So, it's okay." Saad ni Mila sa mga ito. Tinawag naman niya si Ensley at lumapit naman ito sa kanila. Habang nag lalakad si Ensley palapit sa mga ito ay ramdam niya ang titig ni Dior sa kaniya. "Ma!" Ngumiti naman si Ensley sa dalawa."Ensley, Happy birthday! Kung nalaman ko lang nang mas maaga ay sana nabilhan kita ng regalo." Saad ni Parker kay Ensley at nakipag beso
HINDI na ni Ensley nakausap ang kaniyang ina, pagod na raw ito at nag papahinga na. Sigurado siya bukas na hindi ito makakalimot na kailangan nila mag-usap. Dapat na rin niya ihanda ang sarili, sa mga itatanong ng mga ito.Lalo na nakita ng mga kuya niya kung paano siya hawakan ni Dior.'Parang sira talaga ang lalaking iyon!' Sigaw niya sa sarili.Pagkatapos niya umalis sa yakap ni Dior ay naging tahimik na ito. Ang huling sinabi na lang nito ay nung mag tanong ito kung sino si Lucas."He's my best friend." Saad ni Ensley dito."Guy Best friend ha?" Sarkastik na sabi nito sa dalaga."Oo, may problema ba doon?" Naiinis na tanong ni Ensley sa binata. "Wala!" Inis din na sagot ni Dior dito.Lumabas naman sa loob ng bathroom si Chloe at umakyat na sa kama ni Ensley. Medyo malaki at malawak naman ang kwarto at kama ni Ensley, kaya ayos lang na rito matulog sina Chloe at Nora."Kumusta?" Tanong ni Ensley kay Nora na ka-kapasok lang sa loob ng kwarto at sumalampak na rin sa higaan. "Tinano
INAAYOS ni Ensley ang sarili bago lumabas ng rest room.May ilan na estudyante ang pumasok sa rest room at tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Hindi na niya ito pinansin at tiningnan na lang ang kaniyang sarili. Magulo ang buhok, may bakat ng kuko at konting dugo ang mag kabilaan na braso nito at namumula rin ang kaniyang pisngi sa sampal. May mga luhang pilit na pinipigilan din ang makikita sa mga mata nito.Masakit din ang kaniyang tuhod dahil sa malakas na pwersa na pag tulak sa kaniya kanina.Naka-suot kasi siya ngayon ng dress, regalo ng kaniyang ina. "Are you okay?" Saad ng isang babae sa gilid niya. Humarap naman si Ensley dito at ngumiti. "I'm okay." "Are you sure? Gusto mo ihatid kita sa Clinic?" Saad pa nito."Ay! No need na. Galos lang ito, malayo sa bituka." Sagot naman ni Ensley dito at tumawa pa ng pilit.Pinasadaan ulit siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "I don't think so, sa ayaw o sa gusto mo. You need to go to Clinic." Pilit pa nito dahil hindi talaga
GUMISING si Ensley na wala na sa tabi niya si Dior. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari kagabi, pakiramdam niya ay panaginip lang ang lahat nang iyon. "From now on, I don't want to see you crying and hurting anymore. I want you to be happy." Pagkatapos sabihin ni Dior ang mga katagang iyon ay hindi na siya hinayaan nito mag salita pa at sinabihan siya na matulog na. Alanganin na humiga ulit si Ensely sa kama at pinagmasdan si Dior na pumunta sa bathroom. Nag kunwari natutulog na si Ensley nang marinig na niya mamatay ang gripo sa loob ng bathroom at makalipas ang ilang segundo ay narinig na rin niya'ng bumukas ang pintuan. Madiin na pumikit si Ensley habang nakatalikod sa binata. Naramdaman na lang niya ito na humiga ulit at niyakap siya patalikod. Bumangon na ito at nag simula na kumilos para sa panibagong araw. Naabutan ni Ensley ang lamesa na may nakatakip na pagkain nakahain dito. Nakita niya rin na may sticky note rito sa ibabaw nito. 'Eat up, sleepyhead. We have morn
GUMISING si Ensley nang mas maaga kaysa sa kadalasan niya'ng gising sa tuwing may pasok siya. Balak niya kasi ngayon'ng araw ay dalhan sina Dior ng breakfast. Maaga kasi ito pumapasok sa University para mag practice dahil nalalapit na naman ang sunod na laban nito sa soccer.Ang orihinal na plano ay siya mismo ang gagawa nang pagkain ng mga ito ngunit dahil nga hindi pa siya ganoon kahusay sa larangan ng pag luluto ay pupunta na lang siya sa malapit na diner para doon bumili ng pu-pwede ibigay sa mga ito. Nalaman niya rin kasi na may malapit na diner sa kanilang Unibersidad. Pumasok siya sa loob ng 3r's diner at may ngiti sa labi na binati siya ng mga employee roon. Pagkatapos niya ibalik ang bati ng mga ito ay dumiretso siya sa counter para makapag order na rito."Good morning! How can I help you?" Masiglang bati ng cashier sa kaniya. Tinitigan niya ito at pagkatapos ay binaling ang tingin sa menu nasa board sa itaas. Binabasa niya ang mga pwede niya ibigay kala Dior. Kumunot din a
SABADO ng gabi. Pumasok si Ensley sa loob ng restaurant. Medyo malayo ito sa kanilang University at sa subdivision. Lumingon lingon ang dalaga sa paligid para hanapin ang tao na kikitain niya. Nag paalam siya sa kaniyang kuya Levi na manunuod ng movie kasama si Chloe pero ang totoo ay sa isang restaurant talaga siya pupunta at makikipag kita kay,"Ens!" Tawag sa kaniya, malapit sa bintana ng restaurant. Lumapit naman si Ensley dito. "Kanina ka pa, Xav?" Tanong niya sa binata at umupo na sa harapan na upuan nito. "Hindi naman. Gusto mo na mag order?" Sagot naman nito at tanong.Tumango na lang si Ensley at tumawag na si Xavier ng waiter. Nakatitig lang ang dalaga rito habang nag oorder ng pag kain nila, kanina tapos na niya sabihin dito kung ano ang gusto niya'ng kainin.Pagkaalis ng waiter ay kay Ensley ulit bumalik ang tingin ni Xavier. Ang totoo ay si Ensely talaga ang una nagyaya rito dahil gusto na niya magkaroon na sila ng closure sa isa't isa at gusto na niya ibigay kay Dior
HAPON. Bitbit sa kamay ang subway sandwich at coke in can. Pumunta sina Ensley at Chloe sa soccer field nang kanilang University.Napansin niya na may training din ang soccer team sa field at sa gilid naman ay andon ang mga cheerleaders na nag papractice ng kanilang routines. "Have you heard Sir Green, Ens? Gusto niya tayo'ng bigyan ng project while we are having our Christmas break!" Tumawa naman si Ensely sa reklamo ng kaibigan. "Gusto ko lang naman ng matiwasay na holiday!" Reklamo pa nito. "Masanay ka na, ganoon naman palagi. We'll help each other na lang.""Mali pa rin!" Pag duduro pa nito sa kaniya."Pinapatanong pala ni Nora kung gusto mo sumama sa Costa?" Tanong niya rito.Umupo na sila sa ibaba'ng bahagi ng bleachers."Are you kidding me? Of course, sasama ako! Kahit ayaw mo, sasama pa rin ako." "Good to know, bakit pala tayo nandito?""May training ang soccer team." "So?"Tinitigan naman siya ni Chloe na parang hindi makapaniwala sa sinasabi niya. "Papanuorin ko si Lo
KINABUKASAN. Pag kagising niya kanina'ng umaga ay nagulat na lang siya nang makita niya ang kaniya'ng maleta at dalawa'ng kahon sa kwarto.Akala niya bukas pa kukunin ng kuya niya ang mga gamit niya pero hindi niya akalain na agaran iyon. Hindi niya rin maiwasan na mag alala. Sigurado nag kita ang kapatid niya at si Dior. Sigurado rin siya nag usap ang mga ito. Gusto niya malaman kung ano ang pinag usapan nang mga ito pero natatakot siya tanungin ang kuya niya.Lumapit siya sa kaniya'ng locker at kinuha rito ang ilang libro. Katulad nga nang inaasahan niya, hindi siya pinansin ni Chloe. Lumipat din ito nang upuan na malayo sa kaniya. Tinanong din siya nang kaklase niya kung bakit hindi sila mag katabi nito, kinibit balikat na niya ito."Nabalitaan niyo ba yung nangyari kahapon sa soccer field?" Bigla siya napalingon sa itaas na row nang marinig niya ang pinag uusapan nang mga ito at binalik ulit ang tingin sa unahan nang tumingin ito sa kaniya."I didn't know na may girlfriend si Dio