Share

Chapter 3

NAKATAYO si Ensley sa harap ng dalampasigan habang nakatanaw ito sa pag akyat ng araw sa malawak na kalangitan.

Maganda ang panahon ngayon, kahit may araw na hindi pa rin ganoon kainit sa balat ang sinag ng araw.

Kagabi, nakausap niya ang dalawa niyang kuya. Sinabi nang kanyang kuya Logan na mga bandang tanghali pa ito makakauwi ngayong araw at ang kaniyang kuya Levi naman ay susunod pag katapos ng tatlong araw.

HABANG nag pupunas ng lamesa si Ensley sa kanilang restaurant nang bandang tanghali, nagulat si Ensley nang may mag lapag ng echeveria plant sa lamesa na pinupunasan niya at napahinto na lang siya sa pag punas at inangat ang kaniyang ulo para alamin kung sino ang nag lapag ng halaman sa lamesa.

Nakangiti ng malaki si Logan sa bunso nila habang nakatitig ito kay Ensley, napatawa na lang si Logan dahil sa pag laki ng mata ni Ensley sa gulat nang mapag tanto na ang kaniyang kuya Logan ang nag lapag ng echeveria plant sa lamesa.

Nang makabawi sa gulat si Ensley ay agad niya ito h******n ng yakap at ganoon din si Logan habang tumatawa pa ito. "KUYA LOGAAN!" masayang bati ng dalaga.

"Namiss namin ng mommy nyo na makita kayo nang ganyan ulit" sabi ng tatay nila Ensley at Logan. Nasa gilid nila ang kanilang magulang habang masaya na pinag mamasdan ang mag kapatid.

Niyakap ulit ni Logan ang kaniyang mga magulang dahil ang tagal din ng huli sila mag kita. Kung aalalahanin niya, noong Disyembre pa ata ang huli at ngayon ay Abril na.

Kaya naiintindihan ni Logan ang bunsong kapatid kung bakit ganoon ito umakto. Tatlong buwan din sila hindi nag kita.

Tinigil na nila ang kanilang mini gathering dahil baka nakaka istorbo na sila sa mga kumakain doon sa resto.

Sa kabilang banda naman ay may grupo na may dalawang lalaki at isang babae ang kumakain ng tanghalian sa kanilang resto habang tinitigan ang pamilya nila Ensley.

"Ow, they're siblings pala. Ang sweet ng kuya niya ha!" sabi ng babae habang tinitigan ang dalawang mag kapatid.

"Xavier? Are you not going to order?" tanong ng kaibigan niya na lalaki. Kanina pa nag aantay ang waiter na si Kennedy sa orders nang mag kakaibigan. Binalik na ni Xavier ang tingin sa kaibigan, "I'll have what you get, Gavin." sagot nito sa kaibigan.

Madami ngayon ang kumakain sa Paraiso, ang iba ay puro mag kakapamilya. "Ensley, patulong naman mag serve sa table 5" sabi ni Kennedy.

"Sige lang, Kuya. Ready na ba yung kanila?" sagot at tanong ni Ensley kay Kennedy.

"Oo, nasa counter na" sagot ng lalaki.

Nauna na si Kennedy sa pag serve nang order ng table 5, tinitigan ni Ensley ito at kinuha na ang kasamang order at sumunod na ito sa table 5.

Inilapag na ni Ensley ang kanilang order "Enjoy yo-" mag papaalam na sana siya nang mapatingin siya sa isang customer na lalaki. Nakatitig din ito sa kaniya at parang pamilyar ang mukha nito kaso hindi niya lang matandaan kung saan niya ito nakita.

"Ehem" pag ubo kunwari ng isang kaibigan na lalaki nito. Hindi napansin ni Ensley napatagal pala ang kanilang titigan, umiwas agad siya ng tingin dito.

"Enjoy your meals." sabi ni Ensley sa mga ito habang nakangiti at alis sa table na yon.

Pag pasok ni Ensley sa kusina napa buntong hininga na lang ito, napansin naman siya ni Lucas. "Bakit? Ano nangyari?" tanong ni Lucas kay Ensley.

Tinitigan muna ni Ensley si Lucas bago siya sumagot ng "Wala." habang tumawa ng peke. Tinulak na ni Ensley si Lucas patalikod para makabalik ito sa ginagawa nito.

Masyado naging busy ang resto kaya hindi na napansin ni Ensley ang oras, tapos na rin ang kaniyang shift. Lalabas na lang muna siya sa hardin ng kanilang resto sa unahan para mag pakain ng goldfish niya at mag dilig na rin. Habang inaantay si Lucas matapos sa ginagawa nito, tapos na rin ang shift nito kaso may kailangan pa siya asikasuhin.

Ang kaniyang kuya ay nasa kwarto nito para mag pahinga. Nalaman niya rin na tutulong ito rito sa kanilang resto lalo na ang kurso ng kaniyang kapatid ay culinary at nasa tatlong taon na ito sa kolehiyo sa pasukan.

Lalabas na sana siya sa kusina nang mapansin niya ang kaninang lalaki na pinagtitigan niya ay naroon pa rin sa pwesto nito at nang tiningnan niya ang lamaesa nito ay may milkshake sa gilid nito na wala pang bawas at siya na lang mag isa sa lamesa at wala na ang mga kaibigan nito.

Bago siya makalabas ay madadaan niya muna ito, hindi niya alam kung bakit nahihiya siya rito, dahil ba nakipagtitigan siya rito ng matagal kanina o dahil hindi niya mawari ang nararamdaman. Nang makatapat siya sa lamesa nito, tutuloy na sana siya palabas ng bigla ito mag salita "Ah! E-excuse me." tawag nito sa kaniya.

Hindi na niya shift kaya dapat hindi na siya makikipag-usap sa isang customer, isip ni Ensley sa sarili kahit kadalasan kinakausap niya pa rin ang mga customers dito kahit hindi na niya shift pero iba ngayon dahil iba ang nararamdaman niya at nahihiya talaga siya at kaylan pa siya nahiya, sigaw niya sa sarili.

Lumingon si Ensley kay Xavier, at napahinto na naman siya at napatitig sa mga mata nito. Ang ganda ng mga mata ng lalaki, may kulay brown itong mata at may mahaba itong pilik mata. Meron din itong freckles sa dalawang bahagi ng pisngi.

"Can I get the reciept of my order?" sabi ng lalaki. Sasabihan niya sana ito na tapos na ang kaniyang shift pero hindi siya pwedeng humindi, sa totoo lang pwede niya iutos sa iba ang pag kuha ng reciept nito kaso hindi na lang niya ginawa at nag decide na siya na lang.

"Okay, Sir. Please wait here" balik na sabi niya kay Xavier.

Pumunta si Ensley sa counter at kinuha ang resibo nang lalaki. Pag katapos niya makuha ay bumalik na ito sa table 5 kung asaan naka-upo ang lalaki.

"Here's your reciept, Sir." Bigay niya sa lalaki habang naka ngiti ito. Inaantay niya ang lalaki mag bayad pero hindi niya alam kung bakit nakatitig lang ito sa resibo.

"Sir, may problema po ba?" tanong ni Ensley sa lalaki. "Wala, but- " pabitin na sabi ni Xavier. Inaantay lang ni Ensley ang sasabihin ng lalaki at nakatitig lang siya rito. Susulitin na lang niya titigan ang lalaki, sabi niya sa sarili.

"I have a question for you" patuloy ng lalaki sa tanong niya. "Po?" gulat na tanong ni Ensley.

"I've been seeing you twice already sa dalampasigan and I wonder-" napakunot na nang noo si Ensley sa pinag sasabi ng lalaki.

"What do you mean?" straight forward na sagot ni Ensley dahil medyo naiinis na siya. Kung walang pang bayad ang lalaki dapat sinasabi na lang niya agad, hindi yung ang dami pa sinasabi. Reklamo ni Ensley sa sarili.

"I wonder what you are thinking? You're smiling but your eyes seemed sad" tuluyan na sabi ng lalaki. Nabigla si Ensley at hindi agad naka-react sa sinabi ng lalaki.

Nang makabawi sa gulat si Ensley, tinitigan niya ang lalaki kung pinag titripan lang ba siya nito.

"You're joking, right?" tanong ni Ensley sa lalaki.

"Of course not, why would I?" Patanong na sagot ng lalaki.

"You know what? Whatever! Just.. wag mo na nga bayaran yan. That's on me na." Inis na sabi ni Ensley.

"Dapat sinabi mo agad na wala kang pang bayad, anu-ano pa sinabi mo." Bulong ni Ensley sa sarili.

Ngunit narinig ito ni Xavier, hindi mapigilan tumawa ng lalaki sa naging reaction ni Ensley. Tiningnan naman siya ni Ensley ng masama at nang mapansin na umuusok na sa inis ang babae ay tumigil na rin siya. "I'm sorry, I didn't mean that way and may pang bayad ako. Kung gusto mo ako na lang manlilibre sayo" paumanhin at preskong sabi ng lalaki.

"Argh! Nakakainis ka!" Inis na sabi ni Ensley at balak na sana mag walk out ng dalaga, pero napatigil ito nang lumapit si Lucas sa kanila at nag tanong kung anong problema "Wala, walang problema. I just want to ask her to go out with me" ngiting sabi ni Xavier kay Lucas na ikina-gulat ni Ensley at Lucas.

Napalingon agad si Ensley sa lalaki. "Paki-ulit nga yung sinabi mo? Parang nabingi ako" pag sisigurado ni Ensley. Si Lucas naman ay nagtataka sa dalawa, "I'm asking you out" nakatingin ito sa mga mata nag dalaga habang nag sasalita. "No" singit ni Lucas sa dalawa. "Wait? Is he your boyfriend?" Tanong ni Xavier kay Ensley. "No, we're just friends" sagot ng dalaga "pero hindi ayon yung point dito, you don't even know my name and you're asking me out already?" Takang tanong ni Ensley.

"I'm just asking for friendly date, it seems like you need someone to talk to. So, here I am volunteering myself." Mahabang paliwang ni Xavier kay Ensley. "I'm sorry but I can't accept your offer and don't worry, I'm okay." Maayos na sagot ni Ensley dahil ayaw na rin niya sumagot pa. "And if you excuse us, salamat." Paalam ni Ensley.

Hinila na rin ni Ensley si Lucas palabas ng kanilang resto. "What's that?" Usisa ni Lucas. "Nothing, wag mo na isipin yon" sagot ni Ensley. Napahinto ang dalaga at humarap sa binata.

"Pero wala na akong gana gumala kaso ayoko naman bumalik sa loob, siguradong andon pa rin yung lalaki." Reklamo ni Ensley sa kaibigan. "Gusto mo ng ice cream?" Pag-iiba ni Lucas ng topic at ngumiti ito sa kaibigan. "Ayan yung gusto ko sayo, basta libre mo ha!" Pag lalambing ni Ensley kay Lucas. "Ano pa nga ba" patawang sagot ni Lucas.

Hindi na pinasama ni Ensley si Lucas sa dalampasigan para kasi sa kaniya lang ito, kumbaga alone time niya at especial ito sa kaniya. Madilim na ngayon at kanina pa bumaba ang araw ngunit kinakabahan pa rin siya bumalik sa kanila.

Paano kung andoon pa rin ang lalaki. Gwapo sana ito kaso parang may saltik naman.

Mga ilang minuto ay naisipan na niya bumalik na sa kanilang resto. Pag pasok niya sa loob ng Paraiso, laking gulat niya ng andoon pa rin ang lalaki sa loob at nasa counter ito habang kinakausap ang kaniyang ina. KINAKAUSAP NITO ANG KANIYANG INA. Dali-dali lumapit si Ensley sa mga ito, "ehem" umubo siya nang kunwari. Lumingon naman si Xavier sa kaniya habang may ngiti sa labi.

"Umalis ka na kanina kaya sa Mommy mo na lang ako nag paalam at pumayag siya." Masayang sabi nito sa kaniya. "WHAT? MA?" Gulat na tanong ni Ensley. "Ayoko and hindi nga natin kilala yan, paano kung murderer pala siya? Paano na ang anak niyo?" Pag mamaktol at pag papaawa ng anak sa kaniyang ina. "Aray naman, andito lang ako Ens" kunwari na saktan ang damdamin ni Xavier sa sinabi ni Ensley.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko? Nevermind, alam ko na kung paano but still no." Sagot niya rito "Anak, gusto niya lang makipag-kaibigan sayo. Madalas ka raw niya makita sa dalampasigan na mag-isa kaya gusto ka niya samahan tuwing napunta ka sa dalampasigan" mahabang paliwanag sa kaniya ng kaniyang nanay. "Ma, alam niyo naman po na ayoko may kasama kapag napunta ako sa dalampasigan" paalala ni Ensley sa ina.

"Nakalimutan ko yan, anak pero kahit na para hindi ako nag-aalala sayo" sabi ni Mila sa anak. Tinitigan ni Ensley ang kaniyang ina, seryoso nga ito at nag-aalala sa kaniya kaya wala na siya magawa dahil ayaw niya na di-disappoint ang kaniyang magulang kaya kahit ayaw niya ay pumayag na siya.

"Okay po" pag suko ni Ensley sa ina. Tinitigan niya si Xavier. "Ensley Ignacio" pakilala niya sa sarili at inabot ang kamay sa binata "Xavier Anderson" pabalik na pakilala ng binata habang nakangiti ito rito at inabot ang kamay ng dalaga.

Biglang may ibang naramdaman ang dalaga nang hawakan ni Xavier ang kamay niya, kaya dali-dali niya ito tinanggal at bumaling sa ina "Ma, uwi na po ako" paalam ni Ensley sa inay. Aalis na sana siya nang maalala niya si Xavier. "Ah! Bukas na lang ng umaga sa dalampasigan, kung gusto mo pa rin. Mauna na ako" pag papaalala niya sa binata at nag paalam na siya "Of course, good night Ens" sagot ng binata sa kaniya habang hindi mawala-wala ang ngiti nito sa kaniya. Tinitigan lang ito ni Ensley at ngumiti ng pilit.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status