Share

Chapter 128:

Thrizel’s POV

Pauwi na kami ngayon. Isang linggo rin kaming namalagi. Simula nang umuwi si Thrale, wala na akong gana. Halos magkulong na nga lang ako sa kwarto kung hindi pa ako yayayain ni Kein na lumabas. Nakakaburyo kapag hindi namin kasama si Thrale. May parte sa aking hinahanap ko ang presensya niya. Dahil ba nakasanayan ko siya?

“Sana ay makabalik kayo.” Nakangiting turan sa amin ni Mang Boy.

“Sige po, Mang Boy. Una na kami.”

Matapos ang maayos na pamamaalam. Sumakay na kaming lahat sa van. Ang katabi ko ay Silas. Nakakapagtaka dahil hindi man lang siya kumikibo. Ang atensyon niya ay nasa aso lamang. Ni isa sa amin ay wala siyang pinapansin. Gusto ko sanang tanongin kung anong problema pero ‘gaya niya, wala rin akong gana makipag-usap sa iba.

Tahimik ang buong biyahe. Ang mga maiingay ay tulog. Hindi ako nakatulog dahil sa pag-iisip. Nang malapit na kaming makauwi, nagkakaroon ng pagkasabik sa aking pagkatao. Para bang matutuwa ako kapag nakarating sa bahay. Ang unang hinatid
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status