Share

Chapter 37:

Thrizelʼs POV

Abala kami ni Amira sa paggagawa ng mga activities nang biglang tumunog ang aking selpon kaya napatingin ako roon. May mensahe galing kay kuya. Binasa ko ito.

From: Kuya Thrale

I’m with Anissa, where are you?

Basa ko. Malamang nandoon siya kila ate, kailangan siya ng nililigawan niya e.

“Hoy, ayos ka lang? Natulala ka sa cellphone mo.” Agaw pansin ni Amira kaya napatingin ako sa kaniya.

Napatanga pa ako rito na iniintindi ang kaniyang sinabi. “Huh? Wala naman.” Tumugon na ako sa mensahe ni kuya.

To: Kuya Thrale

I’m here, Amira's house.

Tipid ko na reply sa kaniya. Binaba na ang selpon at ginawa na ang kaninang naudlot kong pagsusulat. Hindi katagalan bigla namang tumaginting ang aking selpon kaya napatingin ako roon.

From: Kuya Thrale

Alam kong may iba ka pang pinuntahan. Nagpapaalam ka kapag kay Amira ka lang pumupunta. Tumakas ka ba, Thrizel?

Sa tingin ko ay pikon ito pero hindi ko na pinansin. Bigla na namang siyang tumawag pero hindi ko ito sinagot. Ibabab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status