Thrale's POVIsang linggo na ang nakalipas. Ang huli kong balita ay Thrizel ay 'yong may naglagay ng sobre sa aming gate. Sa isang linggo ko siyang hinanap, hindi ako tumigil sa paghahanap sa kaniya kahit alam kong nasa maayos siyang kalagayan. Kung si Link ang kumuha sa aking kapatid, hindi ako papayag. Lalo na't naaalala ko ang sinabi sa akin ni Thrizel na sana ay si Link nalang ang kaniyang kuya. Nasaktan ako roon, iyon ang totoo.Early in the morning I left. I had no choice but to ask that person. Of all Thrizel's acquaintances, he's the only one I don't ask even if he went last week. Hambong ang lalaking 'yon, hindi pagbababa ng pride ang aking ginagawa. Magtatanong lang naman ako sa kaniya at hindi hihingi ng tulong. Hindi ko kailangan ng tulong n'on kahit alam kong may maitutulong siya. Nang makarating ako sa resto, bumaba na ako. Pumasok agad ako, hindi kalayuan, kitang-kita ko na agad si Dominic. Nakadekwatro itong umupo at nakahalukipkip, diretso ang kaniyang tingin sa akin
Gio’s POV“I need to find Thrizel now, Gio!” Nakatingin lang ako kay Thrale. Problemadong-problemado talaga siya dahil hindi niya makita si Thrizel, mahigit isang linggo na. “Uuwi si dad, ano nalang ang madadahilan ko?!”“Think posi—“Fuck that think positive! Mamayang gabi uuwi si dad, kailangan ko siya makita ngayon!” Napahilamos ito ng mukha. Hindi ko rin alam kung paano mahahanap si Thrizel. Wala akong kahit anong access sa kaniya, hindi ko rin matrack ang kaniyang cellphone number. Sinong malakas ang loob para itago ang kapatid ni Thrale?“Calm down.” Nagseryoso na ako. Humarap ako sa aking laptop. Inistalk ko ang mga social media accounts ni Thrizel. Nakailang tingin na ako roon pero wala talaga akong makuhang clue kung saan siya mahahanap. Ang tagal niya na ring hindi nagpopost sa lahat ng account niya.“Ano ba kasing ginawa mo sa kapatid mo?” Binalingan ko siya ng saglit at muling humarap sa laptop. “You know what, Thrale? Hindi ako naniniwalang wala kang ginawa dahil hindi
Thrizel's POV1 month later...Nandito ako ngayon sa VIP Room. Kinuha ko ang beer na nasa aking harapan. Tiningnan ko iyon saka pinatunog ang yelo sa baso. Huminga ako nang malalim at tinitigan ang aking kaharap. Napailing-iling ako at ngumisi. "What are you asking?" Ininom ko ang laman ng aking baso. Pagkatapos ay nilapag sa lamesa."Ano nga bang tinanong ko?" Tamad itong tumingin sa akin. Sumandal naman siya sa sofa at pinikit ang mga mata, nairita ako sa paraan ng pagkilos niya. Siya ang may kailangan, siya dapat ang nangungulit sa akin para sagutin ko ang tanong niya."You can leave now." Masungit kong sabi sa kaniya. Tumayo ako at pumunta sa closet. Naghanap ako ng damit na aking isusuot dahil may pupuntahan ako ngayon."Mas lalong sumama ang uga-""I don't care." Putol ko sa kaniyang sasabihin nang hindi siya nililingon. Tuloy pa rin ako sa pamimili. Kahit anong sabihin niya tungkol sa akin, wala akong pakialam. "Seriously, Thrizel?" Ramdam kong tumayo siya mula sa pagkakaupo n
Thrizel’s POV“Bakit hindi ka nalang umuwi sa inyo? You already move on, Thrizel.” Nakatingin lamang ako kay Brooks na nagsasalita. Kanina pa nito ako sinesermonan. “Umuwi ka na sa inyo, natulungan naman na kita. Dadami lang ang kaaway mo, hindi ko gusto makaaway si Cide. Hindi dahil sa takot ako, umiiwas lang ako sa gano’n. Intindihin mo naman ang aking sinasabi, may nadadamay.” “No, I won’t. I don’t want to. Kung kailangan kong layuan si Cide. I wil—”“Siya mismo ang lumalapit sa ‘yo.” Napahilamos ito ng mukha. Potek, bakit ba kasi lapitin ako ng gulo? Ako ba ang may problema o sila? “You rejected Cide in public. Malamang mapapahiya siya, iyon ang ikinagagalit ng lalaking ‘yon. Alam mo namang sikat—”“It’s not my fault!” Angal ko agad at biglang napatayo sa upuan. “He asked me in public. For what para magpasikat? Sana bago niya ginawa ‘yon, alam niya ang kakahinatnan. Hindi porque sinasabi ng mga tao na oo ang isasagot ko, mapapa-oo na rin ako. May sarili akong isip, may sariling s
Thrizel’s POV“Thrizel! Thrizel! Why are you ignoring me? What’s problem?” Sunod-sunod na tanong sa akin ni Aevie ngunit hindi ko sinasagot. Patuloy lamang ako sa paglalakad. Wala pa kami sa hideout ni Brooks, bumaba agad ako sa klase. Pinahinto ko ang sasakyan sa kaniya kaya iyan siya ngayon, panay habol sa akin. Ako naman ay hindi siya pinapansin. Sinahihan kong tumigil dahil kaya ko namang umuwi mag-isa. Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa aking pulsuhan kaya huminto ako.“Hey, I’m so sorry kung hindi kita pinaalis. Mukha namang kilala mo ang mga kaibigan ko. Kaano-ano mo ba sila? Konektado ka ba?” Tinitigan ko ito sa mga mata. Hindi katagalan, tumalikod muli ako at naglakad nang mabilis. Hahawakan sana ako nito muli nang magsalita ako. “Kaya hindi kita pinapansin dahil alam kong itatanong mo kung anong nangyari sa botique gown. God, Aevie, ramdam mo namang umiiwas ako sa gusto mong malaman. Ang gusto ko, hayaan ang pangyayaring ‘yon. Kung ikaw may pakialam at nagtataka, ak
Thrizel's POVNandidito ako sa dati naming hideout. Kung tatanongin, sumama ako kila Nafe, Isla at Faru. Hindi ko alam ang pakay nila kung bakit gusto nila akong makausap. Sigurado naman wala silang gagawin sa akin, kahit bihasa ang tatlong 'to. Kaya kong idepensa ang aking sarili. Kita kong binato ni Nafe ang isang darts, tumama iyon sa puntos na walo. Pansin kong napailing-iling siya.Ako naman ay nakaupo sa sofa, bukod sa nakikiramdam. Umiinom din ako ng tubig. Yes, mas magandang tubig nalang. Lasunin pa ako nitong mga 'to. Sa mata ng mga tao, mahahalatang mababait sila pero sa ganitong lugar, doon mo nakikita ang totoo nilang ugali. Kung sutil ako, mas malala sila. Kung hindi ko nakasama ang mga 'to, isa rin sigurado ako sa mga natatakot."Why is cide so mad at you?" Panimula ni Isla. Nakatingin ito sa akin ng seryoso. Pakiramdam kong inaalam niya lahat ng bawat kilos ko."I rejected him, you didn't know?" "Hindi naman na ako nakikibalita tungkol sa 'yo simula nang magkaaway tayo
Thrizel’s POVBumuntong hininga akong umupo sa sofa. “Hindi ko alam doon. Napapraning na siya. Nakakahiya ang ginawa niyang pagkapit sa akin. Ano nalang iisipin ng mga tao?” Kinuha ko ang tubig na binigay sa akin ni Brooks.Nagpamulsa siyang humarap sa akin. “So kanina pa kayo nakita ni Thrale? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Dahil doon, napatitig ako rito. “Bakit ko pa sasabihin sa ‘yo?” Umirap ako sa hangin. “Alam kong concern ka sa aki—”“Alam mo naman pala, bakit ka pa nagtatanong?” Kinuha niya ang paper bag. Hinigas sa loob ng kaniyang kwarto. “Concerned nga ako, nag-aalala. Paano nalang kung may gawing masama ‘yang kuya mo sa ‘yo? Base sa kwento mo dati. Wala na akong tiwala kay Thrale. So any complaint, Miss Thrizel?” Ang mga mata niya ay titig na titig. Hindi ako nakatagal, agad akong napaiwas. Bakit parang naiilang ako? Para din akong pinagpapawisan, hindi maintindihan ang sarili.“A-Ah, thanks.” Binaling ko sa iba ang aking atensyon. Si Blue na nananahimik at si Brooks na s
Thrizel’s POVKaninong kamay ang hahawakan ko?Hindi ko alam kung saan ang aking pipiliin dahil nagtataka ako sa kilos nilang lima. Pinag-usapan ba nila ‘to? Pinagtitripan ba nila ako? Pero bakit seryoso naman ang kanilang mga mukha? Naguluhan din ako dahil imblis na si Ate Anissa ang yayain ni Thrale sumayaw, bakit ako? Anong pinapahiwatig na naman nito?Napatingin ako kay Blue, pati siya ay gulat sa nakita. Kung gulat siya, hindi nga ito pinag-usapan. Kung pinag-usapan ‘to, sigurado akong kasali si Blue o kaya mang-aasar siya pero hindi, nagtataka rin siya sa nangyayari ngayon. Nananatili akong nakatayo, nakatingin sa kanilang mga kamay. Ilang minuto na silang ganiyan, hindi ba sila nangangalay? “Hindi ba kayo magbababa ng kamay? Ipaubaya niyo na sa akin ‘to.” Naiinis na sabi ni Ryke sa kaniyang mga kaibigan. Tiningnan lang siya nitong mga ‘to, ayaw nilang magpatalo.“This time, ako naman ang mananalo.” Seryoso ring sabi ni Elkhurt. Sigurado siyang kamay niya ang kukunin ko. “Can