ERICA Nangangawit na ang pwet ko kakaupo at kakahiga sa kama, kaninang umaga pa ako nagkulong dito sa kwarto kaya't naisipan kung lumanghap muna ng hangin mula sa labas naisipan kong sumilip sa bintana.Gusto kong e-exhale muna lahat ng mga nangyari kanina sa pagitan namin ni Troy. Masyado ng mabigat sa dibdib baka sakaling mabawasan man lang o lumuwag-luwag ang pakiramdam ko kapag nakalanghap ako ng sariwang hangin. Nanalamin muna ako at pugto pa rin ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko kanina. Hinawi ko ang kurtina ng bintana at nagitla ako sa natanaw ko mula sa rose garden. Si Troy at Fatima at anong ginagawa nila don?Nakalingkis ang mga kamay ni Fatima sa braso ni Troy at nakahilig ang ulo nito sa balikat ng asawa ko. At ito namang si Troy ay balewala lang sa kanya. Nakakainis!Padabog akong umalis sa bintana. Narito pala ang ahas kong kaibigan? Dali-dali akong bumaba at pupuntahan ko ang mga walang-hiya.Ngunit papunta pa lang ako ay nakasalubong ko si Fatima, paalis na siya. “Oh
ERICA Nang makalabas sa garahe ang kotse ni Troy ay dali-dali din akong lumabas para sundan siya, hindi na ako nagpaalam pa kay Manang. Dahil alam kong hindi niya ako papayagang lumabas o umalis. Siguradong uusisahin lang ako non. Napansin ako ni Kuya Arman na nagmamadali sa paglalakad. “Ma'am, saan ho kayo pupunta? Bakit hindi pa kayo sumabay kay Boss? Kakaalis lang niya ah?” Tanong niya sakin ng mapansing sa main gate ang direksyon ko. “Diyan lang ho ako,” sagot ko at tumakbo palabas. Dahil alam kong hindi niya ako papalabasin dahil bilin sa kanila ni Troy na kapag aalis ako kailangang itawag muna sa kanya para ipaalam. Dinaig ko pa ang preso sa bahay na ito. Sakto namang may dumaan na taxi pinara ko at sumakay. Nilingon ko si Kuya Arman, nakita kong napakamot ito sa ulo habang nakatanaw sa papalayong taxi na sinasakyan ko. Ako na lang ang bahalang magpaliwanag kay Troy kung pagalitan man siya. “Uhm, Manong pakisundan niyo po yang puting kotse na nasa unahan." Utos ko sa driver.
Kasalukuyan..ERICAPagkagaling ko sa ospital at sa mga nalaman ko kay Fatima ay parang nahigop ang lakas ko, bigla na lang akong nanghina. Kay Rix pala nagsimula ang lahat, Si Rix pala ang pinag-ugatan ng galit nila sa akin lalo na si Troy. Magkapatid pala sila, hindi ko yun alam dahil hindi ko binalak noon na alamin ang buhay ni Rix dahil wala akong Interes sa kanya.Pero bakit hindi na lang nila sinabi agad sa akin para nakapag paliwanag ako sa kanila. Hindi na sana hahantong sa ganito ang lahat. Hindi na sana ako masasaktan pa ng ganito ni Troy. Hindi sana ako nagdurusa ngayon dahil wala naman talaga akong kasalanan. Sa pagkakatanda ko ay nagligtas lang ako ng buhay ng tao sa araw ng kaarawan ni Rix.Ako ang sin
ERICA Lumipas ang araw, linggo at buwan ay naging maayos naman ang kalagayan ko kina Tito oscar. Maliban nga lang kay Paula na masyadong tamad at inaasa sa'kin lahat ng gawaing bahay ultimo paglalaba ng damit nila ay sakin inaasa. Hinahayaan ko na lang at hindi na sinabi kay Tito para iwas gulo na rin. Iniintindi ko na lamang siya since ako naman ang nakakatanda. Mabait naman ang pakikitungo sakin ni Tito Oscar kaya pinakikisamahan ko na lang si Paula. Masyadong spoiled ang batang yon ewan ko ba kung bakit. Nasanay siguro na lahat ng gusto ay binibigay ng magulang niya lalo na ni Tita Fe, yung mama niyang nagtatrabaho sa ibang bansa bilang domestic helper.Hindi rin nagparamdam sakin si Troy. Baka masaya na siya dahil ito naman ang gusto niya ang maghiwalay kami. Nalulungkot ako minsan tuwing naalala ko siya at ang q taong nasayang lang dahil sa paghihiganti niya. Kung sana naging totoo na lang lahat edi sana masaya pa kaming magkasama ngayon at baka nagkaanak na kami. Tsk! Ilusyun
ERICABaka kung anong balak nila sakin, baka akala nila mayaman ako. Naku naman! Wala nga natitira sa'kin eh lahat napupunta kina Tito Oscar at Paula. Sinabi sakin ni Elmo na e-report ko daw sa mga pulis ang mga sumusunod sa akin baka pinagbabalakan nila ako ng masama. Ang sabi ko na lang ay wag na since wala naman silang ginagawang masama sa'kin. Baka mga supporters lang sila. Hayss! Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa susunod kong hamon ang pag-aarte. Sinong Boss kaya ang sinasabi sakin ni Direk mukhang ang laki ng Interes niya sa libro ko at gagawin pa niyang pelikula. Dapat akong magpasalamat sa kanya kapag nagkita kami. Hulog siya ng langit sakin sana magkita kami soon para maipaabot ko sa kanya ang pasasalamat ko. Napabilis ang paglipat ko sa hotel hindi ko alam kung bakit? Gusto daw ng boss nila na mapaaga ang paggawa ng film making para mas mabilis matapos ang proyektong ito. Hindi ako makapaniwala na isang magandang suite ang ibibigay nila sakin parang napakaimportante ko
ERICAPabalik na kami ni Elmo sa hotel nanggaling kami sa bahay ni Tito Oscar dahil may kinuha akong mga importanteng gamit. Nagpresinta siyang samahan ako. Habang naglalakad kami papasok sa entrance ng hotel ay bigla na lang pumara sa harap namin ang humaharorot na kotse ni Troy, and yes kilala ko ang kotse niya dahil 'yon pa rin ang ginagamit niya.Ano na naman kaya ang problema nito? Ang lawak ng parking lot sa labas, ha! Dito pa talaga niya ipinarada ang kotse sa mismong entrance! Tsk! Papansin!Napatigil kami sa paglalakad ng bumaba siya. Biglang nagslow motion ang paningin ko ng matunghayan siya. Nakasuot siya ng sunglasses at naka-corporate attire. May meeting ba siya? Napaka Professional niyang tingnan sa attire niya. Ang gwapo niya, Sinaway ko ang sarili sa naiisip.Pagbaba niya ay sa gawi ko kaagad siya tumingin. Dahan-dahan niyang tinangal ang suot na sunglass at tinitigan ako. Yung tingin na halos nanunuot sa kaloob-looban ko. Para akong hinuhubaran sa paningin niya. Tumik
ERICA Naalimpungatan ako nang maramdaman ang sinag ng araw sa balat ko na tumagos mula sa bintana. Minulat ko ang aking mga mata ngunit bahagya akong nasilaw. Ang taas na ng sikat ng araw, anong oras na ba? Naalala kong may meeting kami ngayon. Inabot ko ang cellphone sa ilalim ng lampshade at tiningnan ang oras. Namilog ang mga mata ko ng makita ang oras 8: 45 AM na, tapos ang meeting namin ay magsisimula ng 9AM. Dali-dali akong bumalikwas ng bangon ngunit napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi sa pagitan ko. Oh no! I’m sore! Damn! Tuwing gagalaw ako ay sumasakit ang mga muscles sa balakang ko. Sumisikdo ang hapdi sa pagkababae ko. My God Troy kasalanan mo to! Pero kailangan kong magmadali dahil late na ako. Hindi na ako naligo. Nagsipilyo na lang ako at naghilamos ng mukha. Mabilisan din ang pagbihis ko dahil gahol na ako sa oras. Nanalamin ako at tiningnan ang sarili naroon pa rin ang mga markang naiwan ni Troy kagabi at mas lalo pang namula sa bandang leeg ko. Kinuha ko yung
ERICA Mukhang natatauhan si Fatima sa huling sinabi ni Troy dahil lumuluwag ang paghawak niya sa buhok ko! Nang tuluyan niyang pakawalan ay wala akong sinayang na oras at tumakbo kay Troy, niyakap ko siya ng mahigpit. At doon ibinuhos ang lahat ng luha ko. “Ssshhh, baby it's okay! You’re safe now!” Pag-aalo niya sa’kin habang hinahagod ang likod ko. “Fatima, ‘wag mong gawin yan!” Nagulat ako sa sigaw ni Troy kaya kumawala ako ng yakap at nilingon si Fatima. Humawak ito sa barandilya at tumingin sa baba na parang gustong tumalon! Subalit may isang tao pa ang sumigaw na nag patigil at nagpalingon sa aming tatlo! “Huwag mong gawin yan! Nandito na ako!” “Rix?!” Naiiyak na sambit ni Fatima. Dali-dali itong tumakbo at paluhod na niyakap si Rix dahil naka-wheelchair pa ito. Pati ako ay tumutulo pa rin ang luha. Takot at saya ang naramdaman ko sa mga nangyari ngayon. Takot para sa buhay ko at saya dahil gumising na si Rix. Dinala ako ni Troy sa bakanteng ward para matingnan kung may galo