NAKAHAWAK si Cielo sa kamay ng kanyang asawa habang paakyat sila sa kanilang magiging kwarto dito sa bahay na pagmamay-ari nito.
"Ipapaakyat ko na lang 'yong mga gamit natin mamaya para maayos ko na dito sa kwarto." Imporma nya sa kanyang asawa nang makapasok na sila sa master's bedroom.
Hindi rin ito kalakihan pero malawak ang espasyo nito. May isang king size bed sa gitna ng kwarto. May sariling walk-in closet, bathroom at banyo.
"Maliligo muna ako, love, I can't be late today." Paalam nito. Tumango naman sya at naglakad patungo sa kama upang maupo doon.
Sobrang lambot ng kama, tipong lumulubog ito sa tuwing uupuan. Habang hinihintay ang paglabas ng asawa mula sa banyo ay inikot nya muna ang buong kwarto. Inihanda na rin nya ang damit na susuotin ng kanyang asawa.
Nang makapag-bihis na ito ay magkasama silang bumaba sa kusina upang mag-umagahan. Al
HUMIGPIT ang kapit ni Cielo sa kanyang asawa at agad na nag-iwas ng tingin mula kay Venus.Wala na sya sa kanyang sarili hanggang sa makababa sila mula sa stage. Agad na ring nagsimula ang party at panay ang lapit sa kanila ng mga taong hindi nya mapamilyaran upang bumati.Kabi-kabila ang mga taong bumabati sa kanila kaya agad na ring na-divert ang kanyang atensyon."Nakakapag-tampo. Hindi nyo minlang ipinaalam ang kasal nyo, hindi tuloy kami nakadalo." Reklamo ng isang may edad na babaeng hindi nya kilala."I'm sorry, my bad." Sagot naman ng kanyang asawa."Your wife looks so beautiful. Bagay na bagay kayong dalawa." Papuri nito at pinasadahan sya ng tingin."Of course, ako pa ba.""Hmm, what kind of family is she from?" Hindi nya alam kung sarkastiko ba ito sa tanong o wala talaga itong alam sa pamily
NAKANGITING kumaway si Cielo sa kanyang asawa na ngayon ay pababa pa lang mula sa sasakyan nito.Agad naman ang pag-ngiti sa kanya ng lalaki nang lingunin sya nito. Nagtatalon sya na parang bata bago tinakbo ang pagitan nila."Hi, love! Kumusta work?" Masiglang tanong nya rito."Nakakapagod." Napabuntong-hininga ito. "How is my babe?" Hinapit nito ang kanyang bewang."I miss you." Sagot nya at pinag-dikit ang tungki ng kanilang mga ilong. "Hindi ako sanay na hindi kita laging nakikita.""Oh my baby is being clingy. I miss you too." Hinalikan sya nito sa noo. Napapikit naman sya dahil sobra nya talagang na-miss ang kanyang asawa."Tara na sa loob. Nagluto ako ng foods para sa dinner." Presinta nya."Really? I'm already excited so, let's go." Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at saka sila naglaka
NATAWA na lang si Cielo sa sinabi ng kanyang asawa. Ramdam naman nya ang kagustuhan nitong magkaroon na sila ng anak pero naniniwala syang hindi lahat ng bagay ay minamadali."Magoorder na lang ako ng food natin. What do you want for dinner?" Tanong nito sa kanya. Pilya nyang tiningala ang kanyang asawa at pinaglaruan ang baba nito."Ikaw." Natatawang sagot nya."Oh no, that's bad." Natawa ito sa naging sagot nya. "Not now baby, because we have a lot of things to do.""Just kidding. I'll have the same as yours for dinner." Humiwalay sya dito at iniayos na ang kanyang mga gamit na nasa mesa. Mas mabuti ng makapag-simula na sya dahil marami talaga ang kanyang gagawin.Narinig nya nang may kinausap ito sa telepono. Siguro ay nago-order na.Naupo sya sa isa pang swivel chair na naroon at nagsimula na ulit sa pag-encode.
NAPATULALA si Cielo dahil sa sinabi ng bata. Para bang tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo at nawala sya sa kanyang sarili. Miski ang malakas nitong pag-iyak ay hindi sya naibalik sa reyalidad."Cielo, what happened? Are you okay?" Ang boses ni Ross maging ang marahan nitong pagyugyog sa kanyang mga balikat ang nakapagpa-balik sa kanya sa kanyang ulirat. Nilingon nya ang kanyang asawa na ngayon ay nag-aalalang nagpalit-palit ng tingin sa kanya at sa anak. "Serriah, stop crying." Saway nito sa anak.Napayuko naman sya at ilang beses na umiling-iling."Serriah, what happened? Did she do something wrong to you?" Tanong ni Venus sa anak na para bang inaakusahan sya."Venus! Watch your mouth!" Mariing saway rito ni Ross."Why? Bakit mo sya ipinagtatanggol? Serriah is crying earlier but not like this, until she came." Galit na sabi ng babae. Wala naman s
NAPATIGIL si Ross nang marinig ang sinabi ni Cielo. Time flies that fast? Isang buwan na simula nang ikinasal sila?"We're already one month?" Ulit nya sa sinabi nito."Yes. Ang bilis, 'no?" Sagot naman nito at kumawala sa pagkakayakap sa kanya."I can't believe it." Hindi makapaniwalang anas nya. Time flies really fast."I know your head hurts that's why I cooked sinigang na hipon." Presinta nito. Napangiti naman sya dahil parang kahapon lang ay hindi sila nag-uusap pero hindi pa rin sya nito natiis. "Bakit ka nakangiti?" Pansin nito sa kanya. Umiling-iling naman sya. "Bakit nga? May dumi ba ako sa mukha?" Hinawakan nito ang magkabilang pisngi na ikinatawa naman nya."Wala. I'm just happy.""Bakit naman?" Kunot-noo nitong tanong."Kasi, parang kahapon lang hindi mo ako kinakausap pero ngayon ipinagluto
MAS LALONG namilog ang mga mata ni Cielo dahil sa narinig na sinabi ng babae. Gusto nya sanang sumabat sa usapan ng mga ito pero mas pinili nyang manahimik.Narinig nya ang pagbuntong-hininga ng kanyang asawa."We'll, talk. Mauna ka na sa taas, Cielo." Bumaling ito sa kanya bago hinila palabas ang mag-ina. Hindi na sya nagkaroon pa ng pagkakataon upang makapag-react dahil unti-unti ng sumara ang elevator.Napabuntong-hininga naman sya upang ikalma ang kanyang sarili. Nakaramdam sya ng inis kay Venus dahil sumusobra naman ang kakapalan ng mukha nito. Nabanggit na rin sa kanya noon ni Ross na kapag handa na silang pareho ay saka nila ipakikilala si Serriah sa lahat. At mukhang hindi 'yon ang gustong mangyari ni Venus.Nang bumukas ang elevator ay awtomatiko syang lumabas. Bagsaka ang mga balikat syang naglakad patungo sa kanyang working area.Matamlay
PAGMULAT ni Cielo ng kanyang mga mata ay ang malapad na likod ni Ross ang nabungadan nya.Nangunot ang noo nya nang makita itong abala sa pagc-cellphone at halos ilapit na sa sariling mukha ang screen ng cellphone.Ilang minuto rin nyang itong pinagmasdan at minsan ay titigil ito at mapapatulala bago muling ibabalik ang paningin sa cellphone."Anong ginagawa mo?" Agaw nya sa atensyon nito. Mabilis naman sya nitong nilingon at itinago ang cellphone sa likod. Nangunot naman ang kanyang noo."W-wala. May tiningnan lang.""Ano?" Kuryosong tanong nya at lumapit dito. Agad naman itong tumayo mula sa kama at lumayo sa kanya."Tapos na akong magluto. Gusto mo na ba'ng kumain?" Halata na naiilang ito. Nagtataka man ay tumango na lang sya. Inilagay nito sa bedside table ang bitbit na cellphone at lumabas ng kwarto. 
ILANG BESES na kinurot ni Cielo ang kanyang sarili upang siguradohing hindi sya nananaginip. Pero lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa sya nagigising sa masamang panaginip na ito.Muli nyang pinagmasdan ang kanyang sariling repleksyon sa salamin. Bago nya umiiyak na hinaplos ang kanyang tyan. So, there's no baby inside her, what a great timing. Ngayon pa talaga na nasa gitna sila ng isang unos.Ipinikit nya ang kanyang mga mata at hinayaan ang kanyang sariling isip na makarating kung saan-saan.Hanggang sa hindi na nya napigilan ang panlalambot ng kanyang mga tuhod at kusa na syang natumba sa malamig na sahig.Yakap-yakap nya ang kanyang sarili habang iniisip kung ano ang dahilan ng mga nararanasan nya. Pangunahin na ang hindi nya pagkakaroon ng buwanang dalaw.Ilang minuto pa syang patuloy na umiyak bago nya nai-kalma ang kanyang sarili. Tumayo s