Share

Chapter 14.1

CHAPTER FOURTEEN:

Claim (Part I)

Kagabi ay natanggap agad ni Summer ang mensahe kay Lucius na may pupuntahan daw sila ngayong umaga, kanselado ang lahat ng meetings dahil business partner ang sadya ng kanilang boss. Kaya alas-otso pa lang ng umaga ay pababa na agad si Summer sa building para puntahan ang boss sa lobby kung saan ito nag-aantay, maigi naman at naabutan niya ito at agad na bumati. Parehas silang nakasuot ng tipikal na damit pang-opisina.

"Good morning, Mr. Salvador," bati niya at akmang hihingin sana ang dalahin nitong paper bag upang ipagbuhat ang boss pero hindi siya pinansin nito. Tinanguan lang siya at inayang lumabas ng building.

Sa labas ay nakaparada ang Mercedes Benz ni Lucius, sinenyasan niya si Summer na pumasok na kaya sumunod naman ito. Umupo si Summer sa driver's seat. Nang makapasok na rin si Lucius ay ipinag-ayos niya ng seatbelt ang kaniyang secretary.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status