Share

Chapter 2.1

Narcissa’s Portrait

Wow. It was her first day and she didn't get anything but failure. And because of that failure, she will be going to be fired.

E, kung silaban kaya kita kasama ang bulok mong elevator?!

She didn't know what to do. But the only thing running inside her mind—is to spit her rant.

Oo, gustong gusto na niyang magsisigaw sa harap ng amo niya. Iduro sa mukha nito na bulok ang elevator nila. She was very impressed with the El Salvador, but not the elevator of this building.

Ilang sandali siyang hindi makakilos at nakikipagtitigan lang sa harap ng boss niya. Seryoso lamang ang tingin sa kaniya ng amo, komportableng komportable at animo'y hindi niya tinanggalan ng trabaho ang isang taong kailangan ng pamilya. While Summer, no one can paint her face. Hindi na mawarian kung ano ba ang hitsura niya, sinasabayan pa ng panginginig ng mga kamay niya sa galit.

"M-Mr. Salvador—" Akmang makikiusap pa sana siya pero isang tikhim ni Mr. Salvador ang nagpaurong ng kaniyang dila. Napalunok nang mariin si Summer nang ibaba na ng amo ang kamay dahilan para makita niya ang buong mukha nito.

Aside from his attractive thick eyebrows and hooded eyes, his nose was very pointed, his lips were firm and red yet wet.

And his chin has cleft but it fits very perfect for him, matched with his very sharp jaw covered slightly with his stubbles. His skin is pale that is very perfect for him and couldn't decrease his masculine features. Maganda ang pagkakaayos ng buhok at malinis, maging ang leeg niya ay kaakit-akit.

F*ck. Tao pa ba 'tong nakikita niya? He seemed that he was made, not born. Every bits and pieces of him were perfect. Mula mukha hanggang katawan walang

kapintasan. Wow, may favoritism ba si God?

"You heard it right. It's better to leave early and find another job,” Nakabalik siya sa ulirat nang magsalita si Mr. Salvador.

"P-Po?" She blinked multiple times when she asked that. She couldn't believe it! At kahit ilang beses pa nitong sabihin ay hinding-hindi siya maniniwala!

"Leave,” Malamig na tugon ng boss. Parang gusto niyang sumabog sa harapan nito at sabihan ng masasamang… words.

"Good morning, Mr. Salvador,” Napalingon silang parehas sa may pintuan nang pumasok ang isang babaeng balingkinitan. She's beautiful. Her hair was made neatly, she has pale skin but her lips were red, with her looks, they can say it that she's just in twenty's.

"Good morning, Ms. Natividad,” Mr. Salvador greets Ms. Amethyst Natividad back. "Where's my new secretary?" He asked. Napatiim ang bagang ni Summer dahil sa narinig.

F*ck! Ako ang bago niyang secretary tapos may mas bago pa?!

F*ck talaga! Mukhang isinasampal talaga sa kaniya ng amo niya na tanggal na siya bago pa siya makarating sa opisina nito. Napakagaling!

"Uhm, sorry to say, Mr. Salvador, but we ran out of applicants for your secretary,” Napayuko si Ms. Natividad nang banggitin niya ito. Si Summer na lang ang huling naglakas-loob na mag-apply sa ganoong posisyon.

Napatiim ang bagang ni Mr. Salvador at dumako ang tingin kay Summer dahilan upang ito ay mapatuwid ng tayo. His looks always giving her a chilling vibe, iyong tipo na maninigas siya sa kaba.

"Then, what would I do now?" Sarkastikong tanong ni Mr. Salvador tsaka dahan-dahang inalis ang tingin kay Summer dahilan upang mapakalma na ito. He looked back again to Ms. Natividad.

"Mr. Salvador, actually, Ms. Molina did her best to arrive here at the exact time. But unfortunately, we had a minor failure in our elevator. That's why she got late,” Ms. Natividad smiled. Nakahinga naman nang maluwang si Summer dahil may nagtanggol sa kaniya.

Mr. Salvador looked again at Summer. Pinasadahan niya ng tingin ang ulo hanggang paa nito. He was still doubting on her. He doesn't know why she seemed familiar, though, wala naman siyang naaalala na may isang Molina ang nakapasok ng Isla nila.

"So?" Mr. Salvador wasn't convinced yet even Ms. Natividad told him that they had a technical failure. While Summer came back again in nervous. Why? Dahil pinag-iinitan siya ng boss at mukhang ayaw siyang tanggapin bilang secretary!

"I-I highly recommend you, sir, Ms. Molina. She was a great employee. I do believe in her; I saw her passion and she really impressed me during the interview,” Mabilis na tugon ni Ms. Natividad sa kaniya. Habang si Summer naman ay todo tawag na sa lahat ng santong puwedeng mahingan ng tulong.

"Let's see, then,” Mr. Salvador's cold reply as he opened his laptop place on his table.

Nagkatinginan ang dalawang babae ngumiti sa isa't isa. Iisa lang ang gusto nila at iyon ay hindi matanggal sa trabaho si Summer. Akmang lalabas na sana silang dalawa pero natigil sila nang magsalitang muli si Mr. Salvador.

"Ang about the technical maintenance. Pakisisante na rin sila,”

"P-Po?"

"I said. Pakisisante ang mga 'yon. Alam kong napakaraming na-late dahil sa matagal na pag-responde nila sa sira ng elevator. Binabayaran sila nang tama para magtrabaho, hindi para magpa-importante at mahuli,” Puno ng pagka-istrikto sa pananalita si Mr. Salvador. Nag-angat siyang muli ng tingin kay Summer. "Right, Ms. Molina?"

Napatikhim sa kaba si Summer nang banggitin iyon ni Mr. Salvador. Bwisit, ako ata ang pinag-iinitan!

"Y-Yes, sir. I'll not be late, next time,” She faked a smile. Inaya na siya ni Ms. Natividad palabas ng opisina upang bigyan ng instruction.

"Okay, miss Molina, ikaw na lang ang pag-asa namin na makakatagal kay Mr. Lucius,” Saad ni Ms. Natividad nang maisara na ang pintuan. Tahimik lamang silang dalawa sa pag-uusap. "Hindi naman sa pananakot, pero hanggang two weeks lang ang pinakamatagal na secretary niya, masyado kasi siyang maselan,” Dagdag pa nito. Napangiti nang palihim si Summer nang marinig iyon. Naalala niya ang sinabi ng dalawang babaeng pababa sa elevator kahapon.

"What do you mean sa maselan?" Usisa ni Summer. Huminga muna nang malalim si Ms. Natividad tsaka nagsalita.

"Unang-una, gusto niya na tulog pa siya ay nasa office na ang secretary, dapat paggising niya at nakaayos na ang lamesa niya at airconditioned na ang opisina, dapat may handa na siyang kape, gusto niya sa kape ay matamis at malamig, tsaka may pagka-conservative din si Mr. Lucius…” Tumingin si Ms. Natividad sa suot ni Summer, nakasuot ito ng skirt na above knee, ang suot naman niya ay slacks. "Ayaw niya nang nakikitaan ang babae, huwag kang mag-alala, on-process na ang uniform mo, nagkaroon lang ng shortage dahil napakaraming pinalitan na empleyado,” Wika nito at tanging tango lang ang itinugon ni Summer.

"And also, ang gagawin mo lang bukod sa pagprepare ng office ni Mr. Lucius, i-o-organize mo ang lahat ng appointments, meeting, palagi mo rin siyang sasamahan kahit saan kapag oras ng trabaho mo. Ayaw niya rin ng hindi magandang handwriting at mahinang listening skills. Kaya dapat kapag may meeting, conference, or something, dapat nailista mo lahat ng mahahalagang detalye, ha,” Dagdag pa nito. "So, for now, ipaghanda mo na ng kape si Mr. Lucius. If you need to give him extra service, gawin mo para lang hindi ka niya tanggalin,” Bilin pa nito tsaka na siya iniwan.

Natulala si Summer sa sinabi ni Ms. Natividad about extra service. What a holy cow? Anong tinutukoy n'yang extra service?

Blow or bed?

Pagtapos kunin ni Summer ng frappe ang kaniyang boss ay dinala na niya ito paakyat sa opisina nito. Mula sa isang café sa labas ng building ay dala-dala niya ang isang cup ng frappe at isang platito ng French toast na aalmusalin nito.

Mabibigat na ang kaniyang mga hakbang dahil sa pagod, hindi pa rin kasi ayos ang elevator kaya hagdan ang ginamit niya mula sa ground floor hanggang makarating sa opisina ng amo. Bwisit, talaga 'yang Mr. Salvador na 'yan. Imbis na ayos na ang elevator ay humanap pa sila tuloy ng bagong empleyado dahil nagsisante siya. Bwisit!

Huminga siya nang malalim nang marating na niya ang pintuan. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili mula sa pagod bago humarap dito dahil mukha siyang nag-marathon sa hingal.

Akamang papasok na sana siya sa loob ngunit biglang bumukas ang pintuan dahilan upang matabig ang dala niyang tray at tumapon ang frappe sa kaniyang dibdib. F*ck!

Napahinto sa puwesto si Lucius nang makita siya na ngayon ay basa na ang harapan ng kapeng dala-dala. Dahil puti ang blouse na suot ni Summer ay nabalot na ng kulay ng kape ang kaniyang kasuotan, bumabakat din ang kaniyang harapan.

Lucius swallowed hard when he saw Summer's front soaked in coffee. Her breasts were visible to his eyes that brought him heat. His jaw clenched as he looked to Summer's face who was now nervous on seing him. Summer knew that she was wrong. Kumatok dapat muna siya bago lumakad papalapit!

"S-Sorry, sir, I'll get you another—"

"No, just come in,” Malamig na pagputol ni Lucius.

"B-But—"

"You didn't hear what I said?"

Wala nang nagawa pa si Summer kundi pumasok na lang sa loob. Hindi naman naglalamira ang kape dahil na-absorb na 'yon lahat ng damit n'ya!

"Grab this. Wipe off yourself,” Saad ni Lucius saka inabot ang panyo kay Summer. Agad naman niyang pinunasan ang sarili.

"Uhm, sir, bababa lang po ako saglit sa room ko para kumuha ng masusuot,” Nahihiyang paalam ni Summer.

"Bababa ka nang gan'yan ang hitsura mo?" Tanong ni Lucius. Napatingin uli si Summer sa sarili habang pinupunasan ang dibdib. Bakat na bakat ang kaniya. "I'll call a staff later. Papadalhan kita ng uniform,” Dagdag pa nito at tanging tango ang naitugon ni Summer sa kaniya.

Bago pa makapasok si Summer sa loob ng office ay sinenyasan siya ni Lucius na maupo saglit sa isang bench, kinuha na rin nito mula sa kaniya ang tray kaya nakaupo na siya nang maayos. Sandaling lumabas si Lucius at siya lang ang mag-isang naiwan sa napakalaking opisina nito.

Hindi pa nagtatagal ay muli nang pumasok si Lucius, mukhang itinapon lang nito ang dala niya kanina. Hindi mapigilan ni Summer na mapalunok nang mariin at mapayukom ang kamao sa kaba. Unang araw pa lang niya pero nakakadalawa na siya ng kapalpakan.

Pero may pumasok na pilyong ideya sa isip niya. Siguro kaya hindi siya sinesante nito dahil doon kasi nabakatan siya ng dibdib? Hindi niya alam kung bakit natawa na lang siya nang pumasok ang ideyang iyon sa kaniya.

Shocks! Ito na ba ang sinasabi ni Ms. Natividad na extra service?

Habang tumatawa siya ay hindi niya napansing nakatingin pala sa kaniya ang boss. Kaya tumikhim ito na ikinagitla niya.

"S-Sir! N-Nand'yan pala kayo, hehe,” Nahihiyang saad ni Summer sabay tayo.

"Go to my room,” Seryosong sambit ni Lucius. Agad iyong ikinagulat ni Summer. Pinapapunta niya ako sa kwarto niya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status