Share

Kabanata 12

Weston Vega

"Sino tinatawagan mo?" Isandro asked.

Napatingin ako sa phone at ipinakita 'yon sa kanya. "Si Indie," I replied. Naglakad na kami papunta sa waiting shed na nasa labas lang din ng station at doon naupo.

Nagtaka naman siya. "Baliw ka ba? Sasagot ba 'yon? Dapat tinext mo na lang."

"Hindi rin nagre-reply."

Natawa na lang si Isandro. "Kawawa ka naman po," pang-aasar niya.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin at pinatay na lang 'yong tawag. Hanggang 8PM pa dapat kami kaso maaga kaming pinauwi ni Tito dahil may mga magshishift na rin naman na. Nagtext na nga ako kanina na ako 'yong nagtetext sa kanya para hindi siya matakot pero wala pa rin. Mukha naman kasing hindi siya humahawak ng phone niya palagi.

"So, uuwi ka na sa asawa mo?" tanong niya pa.

I grinned. "Are you making fun of me for having a wife?" Kasi kanina ko pa napapansin na nang-aasar siya.

Nawala ang mapang-asar na reaksyon ni Isandro at napalitan iyon nang maayos na ngiti. Mas lumapit pa siya sa akin at humawa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status