Share

Chapter 35

Nang hapon ay inaya ni Seb si Allyana na maglibot sa isla. Nais niyang ipakita dito ang magagandang lugar sa isla, na isa sa dahilan kung bakit niya ito nabili. Pumayag naman si Allyana at nae-excite sa kanilang gagawin. Nagdala na rin sila ng pagkain, dahil baka abutin sila ng gabi sa paglilibot at gutumin. Si Seb na ang nagdala ng mga kailangan nila at isang packbag naman ang dala ni Allyana. Kung saan naroon ang gagamitin nilang pamalit, dahil nais ni Seb na maligo sa magandang falls sa isla.

Kahit na ngayon lang nakasama ni Allyana si Seb ay pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala, kaya hindi siya naiilang na kasama ito.

"Wow, ang ganda!" namamanghang sambit ni Allyana, nang makita ang mga bulaklak ng sunflower na halos kapantay na niya at may ilan pang mataas. Hindi akalain ni Allyana, na may ganoong bulaklak sa isla. Nawiwili siyang nakatingin sa mga ito.

"Paano nagkaroon ng ganito dito?" nakangiting tanong niya kay Seb.

"Mula sa ibang bansa ang mga seeds niyan at nais
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status