Share

Chapter 59

Napakunot-noo si Keane, nang may nakita siyang dalawang kotse na nakaparada sa labas ng kanyang bahay. Bumusina pa siya upang pagbuksan siya ng gate ng kanyang katulong. Agad naman niyang nakita ito na binuksan ang gate, saka niya pinasok sa garahe ang kanyang kotse.

"Manang, alam mo ba kung sino ang mga pumarada ng kotse diyan sa tapat natin?" kuno't noo'ng tanong ni Keane dito.

Nakita niya kung paano ito naging balisa at hindi makapagsalita.

"I'm asking you," muling sabi niya dito.

"Sa totoo lang po, n-nasa loob sila at hinihintay ka," tanging tugon ng kanyang katulong.

Natigilan naman siya sa sinabi nito.

"What! Nagpapasok ka ng ibang tao? Nag iisip ka ba?!" singhal niya dito at agad na pumasok sa loob ng bahay upang makita kung sino ang tinutukoy nito. Ngunit, agad rin siyang napahinto ng makilala ang mga ito.

Napatingin sa kanya ang isang lalaking nakaupo sa single couch, habang may hawak na tabacoo sa kamay nito. Nagbuga ito ng usok at ngumiti sa kanya.

"Hello my dear," b
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status