Layla "Dalawa Vexana! Kapag hindi kapa nag tapat sa akin ay hihilahin ko na yang dila mo ng makapag salita kana ng diritso dyan!!" inis ng sigaw ko dito. Masyado kasi itong pa suspense e. Pinaka ayaw ko pa naman ay yung nabibitin ako kaya naman hindi ko maiwasan na hindi mainis dito. Dami pa kasi nitong alam e sa dami na niyang sinabi sa akin ano pa ba ang kailangan kong maging reaction sa mga ipag tatapat pa nito. Hayst "May anak na tayo." mabilis naman na sagot nito sa akin habang naka peace sign na ito kaagad ngayon. Dahil sa aking narinig mula dito ay bigla na lang akong napa tayo mula sa aking kina uupuan at dahil halos naka kandong na ito sa akin ay nahulog itong muli sa sahig. "Aray naman Love, galit ka ba sa akin at gustong gusto mo na sinasaktan ako." naka nguso na tanong nito sa akin habang sapo nito ang kanyang pwetan. Agad naman na sinamaan ko ito ng tingin dahil doon. My god sino ang hindi magugulat sa sinabi niyang yun. Ano daw may anak na kami nito. Yan
Layla "Please naman love oh. Makinig ka naman sa paliwanag ko. Kapag narinig o nalaman ng mga bata yang pag takwil mo sa kanila na anak mo sila ay mag tatampo talaga sa iyo ang mga yun. Kung alam mo lang na matagal na nila ikaw gustong maka sama at matagal na rin nila ako pinipilit na puntahan kana namin dito upang magka sama sama na tayo sa bahay. Kaya please lang Love. Mga anak mo talaga sila. Makinig ka naman sa akin o. Kahit ito lang kahit ngayon lang. Para sa mga anak natin o." pag susumamo pa nito sa akin. Kung kanina ay nagulat ako na sinabi nito na may anak daw kami pero ngayon ay mas lalo lang akong nagulat sa sinabi niya na mga. So hindi lang isa ang naging anak nito sa iba. Tangina naman o. Bakit kailangan na ipilit nito sa akin ang isang napaka obvious na bagay na hindi ko naman talaga anak ang mga anak nito. Bwisit kinunsensya pa ako na mag ta tampo daw sa akin ang mga bata. Tangina talaga nitong si Vexana e no. Maya lang ay naka luhod na ito sa aking harapan n
Layla Halos hindi naman ako maka paniwala sa aking narinig mula dito. Kung totoo man ang sinasabi niya ibig sabihin ay may anak na talaga kami nito? Tangina bakit hindi man lang nila sinabi sa akin kaagd!!!? Kaya naman bigla na lang akong tumayo mula sa pag kaka upo ko sa kama at nag mamadali na lumabas ng kwarto ko. Kailangan ko ngayon ng matinding paliwanag mula kila Ate Hanabi. Impossible din na hindi ito alam ng magulang ko. Palabas na sana ako ng kwarto ko ng ito na naman si Vexana at hawak na naman niya ang aking kamay at halatang pinipigilan ako nito. "Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag usap love." mabilis na tanong nito sa akin. "Sa baba at kakausapin ko sila Papa about sa bagay na ito Vexana. My god Vexana ilang taon ng naka lipas yung incident na yun ng pag kaka ospital ko so ibig sabihin ay matagal na pala na may anak ako at hindi man lang nila sinasabi sa akin!!" galit na galit na sabi ko kay Vexana. Naiiyak na naman ako. Tangina lang kasi e. Kung iisipin
Layla Panay lang naman ang hagod nito sa likod ko. Medyo humupa na rin ang aking pag iyak at ngayon nga ay magka yakap na lang kaming dalawa nito. . Maya lang ay kusa na akong kumalas ng yakap dito. Pinakawalan na rin naman ako nito pero inalalayan niya ako na maupo muli sa aking kama. Habang ito ay naupo din sa aking tabi. "Ilang taon na ang mga bata? Tsaka kambal ba ang anak natin?" sunod sunod na tanong ko dito. Nakita ko naman na napangiti dahil doon. "3 years old na sila Love at ang tatalino nila manang mana sa iyo na magaganda at gwapo. Napaka bibo pa nila. Tuwang tuwa nga si Lolo Franco sa kanila e. Lalong lalo na kay Nana na ang bibo bibo daw." Masiglang pag kwe kwento naman nito sa akin. Maya lang ay agad na nitong kinuha ang kanyang phone at pumunta ito sa may gallery banda at doon ay agad na binuksan nito ang isang album saka iyon ipinakita sa akin kung saan ay kitang kita ko ang tatlong bata na ang cute cute ng mga ito habang naka ngiti sila. Halos wala
Layla Kung kanina ay umiiyak ako kami nito dahil sa sakit ng nararamdaman namin. Ngayon naman ay umiiyak kami dahil sa tuwa. Parang roller coaster lang ang nangyari ngayon sa aming dalawa. Pero ang pinaka highlights nito ay okay na kaming dalawa at ngayon nga ay fiance ko na talaga si Vexana. Akala ko nung nagka hiwalay kami nito ay tuluyan ng na tuldukan ang story naming dalawa. Na tuluyan ng nag sara ang libro para sa amin at hanggang doon na lang kami nito. Hindi pala. Kasi yun pa lang ang simula ng lahat. Nag ka hiwalay man kami ay babalik at babalik pa rin kami sa bisig ng isat isa. Pero ngayon ay mas matibay na kasi pinanday na kami ng oanahon. Pina tatag na kami ng mga nangyari ng naka lipas na taon. Lumuluha man kami ngayon pero may mga ngiti na sa labi ng bawat isa sa amin. "Love tignan ko ulit picture ng mga bata. Grabi ha akalain mo yun na naka triplets kaagad tayo." sabi ko naman kay Vexana kaya naman mabilis na inabot nito sa akin yung kanyang phone. "Birthday mo
Layla Maya lang ay ipinag patuloy ko na ang pag tingin ng mga picture ng anak namin. Habang ikinu kwento naman sa akin ni Vexana kung saan kuha ang mga larawan na yun. "Love yan nga pala si Lylia ang cute cute diba. Kamukhang kamukha mo. Kaya nga kinuha ko ang pangalan niya sa name mo e." masayang kwento nito sa akin. Napa ngiti naman ako dahil doon. "Syempre anak natin yan. Natural na cute yan at pag laki nyan ay maganda din na katulad natin." sagot ko naman dito. "Yan naman si Harley, ang nag iisa nating prinsepe. Ang dami may crush dyan na mga girls love. May mga nag bibigay pa nga ng gift sa kanya e. Pero snob sya sa mga lumalapit s kanya." "At ito naman si Nana, ang favorite ng kanyang Lolo Franco. Always yan na hinihiram ni Lolo at dinadala sa farm. Mag ka sundo yang dalawang yan love. Sila Harley at Lylia kasi ay walang hilig na pumunta sa farm kaya madalas ay si Nana lang ang sumasama sa Lolo. Kaya yan no choice kung hindi siya ang maging favorite." natatawa nama
Layla Matapos ang pag uusap namin ni Vexana at maka kuha na rin ako ng sapat lang na gamit ko ay nag pasya na kaming bumaba. Sakto naman na nandoon din ang magulang ko at si Ate Hanabi. Mukhang hinihintay din lang kami ng mga ito na matapos mag usap. "Ano okay na ba kayong dalawa?" tanong kaagad sa amin ni Papa ng makita kami ng mga ito. "Opo Tito na explain ko na po sa kanya ang lahat at ngayon nga po ay sa bahay na muna siya matutulog. Gusto na niyang makita at makasama ang mga bata e." sagot naman dito ni Vexana kay Papa. Naka simangot naman na tinignan ko sila ng masama. Masama pa rin ang loob ko kasi naman ako lang ang walang ka alam alam ng nangyari. Ako na ina ng mga bata ay hindi alam na may anak na pala ako. Samantalang ang mga ito na alam nila ay nakaya na ilihim sa akin ng ilang taon. "Hindi porket okay na kami ni Vexana ay okay na rin tayo. May kailangan din kayong ipaliwanag sa akin." inis na sabi ko sa kanila. Nakita ko naman ang biglang pag iwas ng ting
Layla "Ma naman e kung makapag salita ka akala mo naman ay kasal ko na. Kaka proposed palang po sa akin ni Vexana kanina. Sa kasal ko na sabihin mo ang mga yan Ma. Sige ka wala ka ng speech na sa sabihin pa sa akin sa mismong kasal ko. Matatalo ka ni Papa kung ganun." pa biro na sabi ko kay Mama. Masyado kasing seryoso ito e. Alam ko na kapag hindi ko pa pinutol ang pag sa sabi niya sa akin ng ganyan ay magiging emotional na ito kaya naman biniro ko na lang ito ng ganun. . "Hay naku Layla, para ka pa rin talaga bata e. Seryoso ako sa sinasabi ko at makinig ka. Hindi sa lahat ng panahon at oras ay narito kami para sa iyo." hindi pa rin tumitigil na pangaral pa nito sa akin. Hayst bakit ba ang hirap mag palaki ng matanda. Gusto ko sana na sabihin sa kanya yun kaya lang ay huwag na at baka kahit na nandito itong si Vexana ay makatikim ako dito. Nakakahiya naman sa aking future wife pag nakita nito ang . bagay na yun. "Opo Ma, alam ko naman po ang bagay na yun. Nag joke lang naman p