Chapter 24
Bumalik ako sa loob ng hospital, mabigat ang dibdib ko. Nandoon pa rin Mamshie sa room ni Hailey.
Lumapit ako sa kanya saka bahagyang tinapik-tapik ang balikat niya. Alam ko kung gaano kabigat ito para sa kanya. Ni hindi pa sila nagkakakilala ni Hailey tapos makikita pa niya sa ganitong sitwasiyon.
"Tinakot ako niyang kapatid mo, akala ko..."
Nangingilid na naman ang luha niya.
"Hailey, akala ko, ako lang ang pilya sa ating dalawa, pero maloko ka rin pala kasi tinakot mo kami. Huwag mo ng uulitin ‘yon. ah?" kausap ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
Idinikit ko iyon sa pisngi ko, pati ako nangilid rin ang luha.
"L-Laban ka lang. Nandito pa rin kami, hinihintay ka. Iyong baby mo parang ang bilis lumaki. Sigurado ko paglaki niya matangkad siya tapos super gwapo, hinihintay ka na rin niya. Sana makarga mo na siya at makasama."
Balot man kami ng lungkot wala kaming choice kundi magpakatatag at magdasal ng taim
Chapter 25 "Are you really sure it’s gonna work? " usisa ni Carter habang nagtatakal ako ng bigas at inilalagay ko sa isang may kalakihang grapon.Nakapatong pa ang isang siko ni Carter sa balikat ko, pero balewala lang sa akin since kumportable na nga kami sa isa’t-isa. " I could buy a new one,-""Ssshh! Oo, gagana ulit ‘yang phone mo. Wag ka na bumili, sayang." confident na sagot ko saka ko ibinaon ang cellphone niya doon sa bigas. Kakatapos lang naming magswimming. At dahil itinulak niya ko doon, nakasama pati phone niya nang sagipin niya ko. "Natry mo na?" usisa niya at umupo nasa high stool.&n
Chapter 26Saglit akong napatunganga sa kanya. Parang hindi si playful Carter itong kaharap ko, parang isang taong seryoso talaga sa buhay. Alam niyo iyong nakakaintimidate na boss? "S-Sige subukan ko ngayon." "Pakita mo sa akin draft mo para malaman ko kung may potential ka nga ba talaga. I’ll be waiting." Bigla akong napressure. "Hinging typewriting. Doon ako susulat." Napangiti siya at hinawakan ang braso ko, hinila niya ako patayo. "Saan tayo punta?"&n
Chapter 27Callie's POVHindi ko mapigilang mapangiti pero may halong kaba. After 5 consecutive days nakasulat din ako ng nobela, pero hindi pa tapos. Nakalimang chapter din ako, nakakasulat ako kapag tulog si Harlie, kapag nagbabantay kay Hailey. Basta pag may pagkakataon.At ngayon nga ipinapabasa ko kay Carter ang initial chapters na ipinaprint pa niya sa'kin. Napapansin kong natatawa siya at madalas na napapangiti kaya feeling ko maganda ang ginawa ko."So? Ano na?" hopeful na tanong ko at umupo sa tabi niya sa sofa sa sala.Karga ko pa si Harlie na alive na alive pag ganitong hapon. Parang kiti-kiti, kawag nang kawag."Hoy Carpenter! Ano na?" untag ko dahil hindi siya sumagot."Pangit." plain na sagot niya kaya nalaglag ang balikat ko."Pangit? Eh, bakit ka nangingiti at natatawa kung pangit? Aminin mo na, nagandahan ka.""Hindi porke natawa ko, nagandahan ako. My dear Callie, always remember, things are not always
Chapter 28Napalingon ako nang marinig ang boses ni Carter na tinatawag ako. May bitbit pa siyang dalawang magazine sa isang kamay habang sa kabila buhat niya si Harlie. Seryoso ang mukha niya. "Gutom na ko, bayaran na natin sa cashier iyang kinuha mo." aniya nang makalapit. Hindi man lang tapunan ng tingin si Jacob. "Sir Carter?" tawag ni Jacob dito kaya medyo gulat ako na kilala niya si Carter. "Have we met?" pormal na tanong ni Carter dito. "Si Jacob Samaniego po. Isa po sa contract author niyo. Last week lang po ako pumirma ng contract sa office ninyo." "I see." tumatangong ani Carter.&nbs
Chapter 29 Napapitlag ako nang tumunog ang phone ko. Dali-dali kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Irene pala."O baks?" bungad ko."Busy ka?"Mga tanungan na ganito, mukhang may problema ‘to."Punta ka na lang dito sa bahay ni Carter, dito mo na lang ingalngal kung ano man problema mo, okay?"Hinintay ko si Renato, sakto nakaluto na ko kaya may kasabay akong maghapunan. Nang dumating siya ay wala man lang kasigla-sigla sa katawan."Para kang zombie. Ano ba talagang problema mo?" puna ko.Bigla itong ngumalngal na parang baka sa tanong ko. Sinasabi ko na nga ba, eh!"Si Erwin kasi nag-away kami. Sinangla niya iyong motor, eh, ni hindi ko pa nga fully paid iyon! Hayop na ‘yon!" gigil na sikmat niya."Ano? Eh, bakit niya sinangla?" parang nagkainstant highblood na react ko."Marami raw siyang utang, naospital daw nanay niya.
Chapter 30"This is supposed to be a surprise but it turned out, kami pa ang nasurprise." napapailing na sabi ni Lola matapos titigan si Harlie. "And why would we believe them? Baka modus lang ‘yan. Akyat-bahay." nakairap na pasaring ni Carla. Kurutin ko tahong nito, eh. "Akyat-bahay? Kung akyat-bahay kami, eh, di sana hindi na namin kayo hinarap? Sana kumaripas na kami ng takbo. Duh." Common sense naman. Gusto ko sanang idagdag kaso baka mayari ako kay Carter kapag inaway ko ‘tong childhood SWEETHEART niya. "Hindi ba? Mukha ka rin naman kasing akyat-bahay. Look at your clothes. So cheap." panglalait niya sa suot kong shorts na bulaklakin at T-shirt na may drawing na winnie
Chapter 31 "We’re home," ani Carter matapos akong alalayang bumaba ng kotse niya. Nginitian ko na lang siya kahit medyo kinakabahan ako, iba na kasi ngayon. Kasama na namin Lola niya. Mukha pa namang masungit. Ayoko namang tanungin si Carter kung hanggang kailan mananatili ang Lola niya doon. Diyahe. Bahay naman niya ito, kaya kahit sino’ng gusto niyang patirahin, karapatan niya. Kaya quiet lang ako. "La, nandito na sila." ngiting-ngiting ani Carter nang madatnan namin ang glamorosa niyang Lola na nag-i-spray ng mga halaman sa may garden. Napatingin siya sa amin at itinigil ang ginagawa. Ngumiti siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Baka pwede naman kaming maging close?
Chapter 32Tumayo na ako at nagligpit na ng mga pinagkainan."Madam ako na diyan," saway ng isang kasambahay."Okay lang, sanay-"Napatigil ako nang may narinig na doorbell."Ako na." sabi ko at nagtungo sa labas.Binuksan ko ang gate at nakita ang panauhing medyo may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Mukhang mayaman. Nangingintab ang itim na sasakyan niyang BMW. May nakatayo pang isang lalaki sa likuran niya na may bitbit na kung ano. Driver niya siguro."Sino po sila?" magalang na tanong ko."Nandiyan ba si Carter?" parang atubiling tanong pa niya."May kailangan po ba kayo sa kanya? Ano nga pong pangalan niyo?" sa halip ay tanong ko.Ayoko ngang magdisclose ng kahit anong info, baka mamaya mafia or ano pa ito."I’m Alfred Doctolero. I’m his father."Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Tatay ni Carter? Ay wow nagsusulputan na mga family members ni Carter ngayong nalalapit na ang