Happy reading! Thanks much! Good night!
ATHENA’S POVPILIT na inignora ko ang nararamdaman kong galit ng mga sandaling iyon. Lumapit ako kay Graeson na noo'y huminto din nang makita ako."H-hon, anong ginagawa mo dito?" nauutal na tanong ni Grae sa akin nang makalapit ako."Actually, sinadya kitang puntahan dahil sa Mommy mo. Gusto ka niyang umuwi ngayon din dahil nami-miss ka na niya— ng pamilya mo. Kaya sana umuwi ka naman sa kanila kahit na saglit." Akmang tatalikod ako nang may nakalimutan akong sabihin. "Kasama nila ngayon si Ayden, pero susunduin ko na."Tumalikod na ako kaagad. Ni hindi ko nagawang ngumiti kay Prince nang kawayan niya ako.Hindi ko hahayaang makita ni Ayden ang babaeng kasama ng ama niya. Wala akong choice kung hindi ang ilayo na sa kanya ang anak namin. "Pupunta kami ni Graeson sa bahay nila kasama si Prince. Hindi ka ba naimbitahan?" Natigilan ako sa sinabi ni Chamae. Nilingon ko siya. Nilagyan ko rin nang matamis na ngiti."Inimbitahan ako ni Ma'am Grazie. Maaga niya nga kami pinasundo, e, wala
GRAESON’S POV “I WANT YOU out of my life now!” sigaw ko kay Chamae nang dahilhin siya sa likod na bahaging iyon ng ospital. “As if kaya mo akong mawala sa landas mo, Graeson.” Ngumiti pa si Chamae noon kaya nanggigil ako. “Wala sa usapan natin ang saktan si Athena o kahit sa pamilya ko. Kaya lumagpas ka na. Kaya makakaalis ka na sa buhay ko habang may awa pa akong natitira sa 'yo!” may diing sabi ko sa kanya. "Pero oras na may mangyari kay Athena, pasensyahan na lang tayo, Chamae." “Sige, aalis ako, Grae. Pero hindi mo na makikita ang audio na sinasabi sa ‘yo ni Lester. Ako mismo ang maglalabas niyon sa publiko kahit na ang video na ginamit ni Athena nang gabing iyon sa sapa.” “Fvck you!” sigaw ko sa kanya sabay kuyom ng dalawa kong kamao. Hindi naman si Chamae ang nakatalik ko noon sa bahay na iyon malapit sa barangay hall kung hindi si Athena. Natuklasan ko nang magsarili akong imbestiga. Ang problema ko nga lang, may hawak na bagay si Lester. Iyon ay ang audio noong unang ga
ATHENA’S POV“TAMA na ang pagpapahirap sa sarili mo, Athena. Kung ganito man lang lagi. Mas mabuti pang–”“Tama na po, ‘Tay. Please?” Pigil ko kay Tatay. Nakakahiya sa mga Santillan.“I-I’m sorry po.” Tumingin sa akin si Grae. “I–inaamin kong marami akong naging kasalanan kay Athena. P-pero hindi ko naman po iyon ginusto at mas lalong hindi ko po sinasadya. May mga bagay lang po talaga na hindi namin napag-usapan kaya po umabot sa puntong ito.” Sa ama ko naman siya nakatingin. “S-sinubukan ko pong magpaliwanag sa kanya pero hindi pa po handa si Athena. Alam kong huli na, pero kung bibigyan lang po ako ng pagkakataon ng anak niyo na kausapin siya– na pag-usapan ang lahat, maipapaliwanag ko po ang lahat,”“G-Grae…” Sumingit na rin ang Ginang dahil sa tensyon sa loob ng aking silid. Parang gusto kong lumubog na lang sa kinauupuan kong hospital bed. Nasa loob ng silid ko ang magulang ni Grae, maging ang mga kapatid at asawa ng mga ito. Ako ang nahihiya dahil sa nasimulan ni Tatay. Mas g
ATHENA’S POV “IBIG sabihin, ngayon lang niya nai-report sa ‘yo ang mga nangyari sa hearing noon?” tanong niya kay Graeson. Kakalabas lang ni Attorney Lorenzo noon. Hindi na ako nakinig sa usapan ng mga ito dahil kay Prince at Ayden na naliligo sa may pool. Tapos sabay ding natapos ang mga bata magbihis nang matapos sila sa pag-uusap kaya wala na akong naabutan. “Yeah, hon. Lahat-lahat. Ang bilin ko kasi sa kanya, ipapatawag ko na lang siya kapag handa na ako. Eh, ngayon lang ako tumawag, kaya ngayon lang siya nagpakita sa akin.” “Oh. Ang tagal, a.” Ngumiti si Graeson sa akin pero sumeryoso din kapagkuwan. “Anyway, bakit hindi mo sinabi sa akin ang ginawa sa ‘yo ni Lester sa ‘yo sa banyo?” Madilim na ang mukha niya ng mga sandaling iyon. “G-Grae…” “Why?” “Dahil ngayon ko lang din naalala. Hindi lang mukha mo ang nakalimutan ko kung hindi ang pangyayaring iyon. Ang alam lang ng mga kapatid ko nahimatay lang ako.” “Patong-patong na talaga ang kasalanan niya sa akin! Kaya dapat ma
ATHENA'S POVNAPANGITI ako nang makita si Grae na himbing na himbing na sa pagtulog. Dapat babalik pa siya sa library niya, kaso... napagod na sa mainit na tagpo namin.Wala siyang saplot sa ilalim ng kumot namin. Kaya naman kita nang bahagya ang baba niya na umbok. Mukhang buhay pa kahit na tulog na siya.Inilapit ko ang sarili ko sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.Ilang buwan na akong nakakatulog nang maayos. At mula iyon nang magsama kami ni Grae sa iisang bubong. Sabagay, alam ko ang kilos at galawan niya. Maging sa akin, alam niya rin. Kaya hindi ako nag-iisip."I love you so much, Grae," ani ko at ngumiti. "Good night." Pagkuwa'y pumikit na ako.Ramdam ko ang pagod paggising ko kinaumagahan. Hindi nga ako nagising agad sa unang alarm ng aking telepono. Dapat mag-e-exercise ako. Routine ko na ang maglibot sa subdibisyon kasama ang kasambahay o 'di kaya ang driver. Minsan, sumasama din ang mga bata."Morning, hon." Nakangiti si Graeson nang pumasok sa aming silid. "Hindi ka n
ATHENA’S POV“‘Y-yong totoo, Grae. M-may iba ka pa bang anak maliban kay Ayden? S-sino ba ang babaeng iyon sa buhay mo?”“God! She’s just a friend, hon.” Natigilan siya saglit. “P-pero may nangyari sa amin before. Pero hindi ibig sabihin no’n ay anak ko na ang batang ‘yon. Alam mo namang magkasama tayo sa inyo, before. Kaya napaka imposible. Alangan namang may kambal si Ayden dahil ang sabi mo nga, isa lang ang nakita niyo sa ultrasound at isa lang din ang iniluwal mo.”“O-oo,” ani ko. May punto si Graeson. Pero bakit kaya kamukha ni Ayden?“‘Wag mo na ngang pinag-iisip ‘yon. Kung gusto mo, magpapadala ako sa US ng imbestigador para imbestigahan ang nakita natin.”Tumango ako sa kanya. “S-sige. Hindi rin naman ako mapakali kasi. Sa twing tinitingnan ko ang litrato, si Ayden ang nakikita ko. Kaya gusto kong mapanatag, Grae.”“Sige, hon.” Kinabig ako ni Grae at hinalikan sa ulo. Ang daming isipin ko sa nakita sa totoo lang. Kung anak ba ‘yon ni Grae o may kakambal nga si Ayden. Pero
GRAESON’S POV NAKANGITING sinundan ko nang tingin ang Mommy ko na umalis sa tabi ko. Lalapitan niya ang kapatid niya at mga pinsan ko na kararating lang. Buti, hindi pa nagsisimula ang kasal namin. Saka hindi pa tapos magbihis si Athena. Napaayos ako nang tayo nang makita ko si Ate Ayeisha na papalapit sa upuang laan sa pamilya nila. Kumaway pa siya sa akin bago tumabi sa asawa niya. Tapos na niya sigurong bihisan si Athena. Kaya paniguradong magsisimula na ang kasal namin. Beach wedding at private ito kaya kami lang na mag-anak at ilang kaibigan at kakilala na mapagkakatiwalaan ang inanyayahan namin. Mahirap na baka makapasok ang Lester na iyon. Hindi man siya nagpaparamdam sa amin matagal na pero kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka mawala sa akin si Athena. Sa huling pag-uusap naming dalawa, ni Lester, gusto niyang kunin sa akin si Athena. Buti na lang, naging wanted din siya kaya hindi siya nagtagumpay. Kita ko ang pagmamadali ni Mommy nang marinig ang sinabi ng wedding
GRAESON’S POV“GET OUT of my room, now!” sigaw ko kay Norissa nang makitang nakahiga siya doon. At sino ang nagsabi sa kanya na pwede siyang mahiga sa silid ko? Si Athena lang ang pwedeng mahiga at pumasok sa silid ko.“Galit ka na naman,” aniya sa akin nang bumangon siya.“Malamang! Pumasok ka sa silid ko nang walang pahintulot. Kaya anong gusto mong maging reaksyon ko? Matutuwa? You’re not even my wife, kaya nagagalit ako.”“Hanggang ngayon ba umaasa kang babalikan ka ng asawa mo? Mamaya niyan, e, patay na siya.”Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya kaya nilapitan ko siya at hinawakan siya sa braso nang pagkahigpit.“What did you say?” Hindi na maipinta ang mukha ko ng mga sandaling iyon. Ang dami niyang sasabihin tapos sasabihin niyang patay na? No! Hindi pwede! Hindi lang si Athena, pati ang anak namin iyon kaya nagagalit ako.“G-Graeson… ang sinasabi ko lang naman dapat sa ‘yo, nagmo-move on.”“Bakit ako magmo-move on, huh? Buhay pa ang asawa ko kaya ‘wag na ‘wag mo siyang pag