ATHENA’S POV ***Flashback*** NAPADAING ako pagkamulat ng mata ko. Namumuting paligid ang nakita ko kaya kinabahan ako. Patay na ba ako? Napababa ako nang tingin sa aking tiyan. Malaki pa rin ang umbok niyon. Ibig sabihin, nasa loob pa ang bata! “Ahhh!” d***g ko ulit nang humilab iyon. “Gising ka na pala, Miss. Sandali at i-check ko ilang cm na.” Napapuwesto ang babaeng may stethoscope na nakasabit sa leeg. Nasa ospital ako! “Not yet dilated, doc.” Baling nito sa kasamang doctor na papasok. Nagsusuot ito ng surgical gloves. “A-ano hong ibig sabihin niyan? H-hindi pa ho ako manganganak?” “Yes, Misis. Hindi pa. Kaya I suggest na ilakad-lakad mo muna sa ospital. It seems like wala kang exercise nitong mga nagdaan. Have you?” Akmang sasagot ako nang biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa no’n si Lester na ikinakuyom ko ng ngipin. “How’s my wife, Doc?” “Balikan na lang namin siya later, Mr. Magbanua. Hindi pa siya dilated,” “Pero humihilab na ang tiyan–” “Yes but hindi pa siya ha
ATHENA’S POVNAGKAGULO ang silid ko pagdating ng magulang niya at mas lalo nang dumating ang mga Santillan. Nalaman ng mga ito ang totoong nangyari. Kaya naman pinahigpitan nila ang siguridad ng ospital.“I want you to punish those who hurt my grandchild or Athena. Kill them kung kinakailangan.” Napalunok ako nang marinig ang sinabi ng ama ng asawa sa kausap nitong security personnel na ipinadala ulit ng kumpanya.Pinabalik nila si Rocco dahil ni-request ko. Wala siyang kasalanan that day dahil si Marieth ang kasama ko nang maglakad-lakad kami.Si Marieth ang nag-suggest na mag-iwan ako ng note para kay Grae at nilagay ko nga doon na aalis lang ako para magpahangin kaya ‘wag na niya akong hanapin. Kaya nag-sync-in sa aking isipan ang mga sinabi ni Grae nang magkita kami ulit. Akala niya, iniwan ko siya dahil si Kim ang gusto ko.Nasabi ko na rin sa kanila na may iniwan akong ebidensya sa basement na magpapatunay na sa akin iyon. Ang singsing namin ni Graeson at ang suot ko noong araw
ATHENA’S POVWALANG kurap-kurap ako habang nakatunghay kay Graeson at Norissa. Pakiramdam ko, may sumusuntok sa aking dibdib. Para ring may sumasakal sa akin, dahilan para mahirapan ako sa paghinga.“S-sa baba lang ako, Ma’am,” untag sa akin ni Rocco na ikinapitlag ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa posisyon. Pero parang huminto rin ang oras dahil halata pa rin ang pagkagulat sa dalawa ng mga sandaling iyon.Binalingan ko si Rocco. Ngumiti pa ako sa kanya para itago ang nararamdaman.“Lalabas na rin pala ako,” ani ko sa mahinang tinig. Tumingin pa ako sa braso niya.“P-pwedeng kumapit?” wala sa sariling tanong ko.Tumango naman ang personal bodyguard ko kaya lumapit siya sa akin. Muntik pa akong mabuwal. Para kasi akong nasa gilid ng bangin.“Athena, wait!” sigaw ni Graeson kapagkuwan. Dinig ko rin ang pagbagsak ng laptop sa sahig pero wala akong pakialam doon.“Graeson!” tawag naman sa kanya ng ina ni Prince.Napatigil ako sa paglakad nang makitang sumilip si Prince sa pintu
ATHENA’S POVHINDI naman ako nakatulog kakaisip kung kumusta na ba si Graeson. Pero ang sabi ng Mommy niya, maayos naman ang kalagayan niya nang tawagan ko. Gusto ko naman siyang puntahan kaso delikadong makipagpatintero sa labas, sa ama ni Lester na ngayon ay nagwawala sabi ng ama ni Grae. Lahat ng kilos ng mga Magbanua ay alam nila at hinihintay nila kahit na isang attack sa amin para sa ebidensyang iniipon nila. Hindi rin kasi biro ang kapit ng matandang Magbanua sa Vice President. May kapatid din ito sa NBI at militar. Gusto nila, walang kawala ang Lester na iyon kapag nahuli.Nakauwi si Graeson sa bahay ng mga Santillan bago sumikat ang araw. Nagulat na lang ako dahil sa pagpulupot niya sa baywang ko. Humalik pa siya sa likuran ko.“Bumitaw ka. Isa,” may pagbabanta sa tinig ko.“Good night, hon. Good night, baby Lu,” bulong lang niya na ikinalingon ko sa kanya.Nakapikit na siya kaya hindi ko napagsabihan. Umalis ako sa tabi niya at lumipat sa kabila ni Lujane. Napapatingin ako
GRAESON’S POV“WHAT’S that?” tanong ko sa bagong sekretarya ko na si Estefany.“Iniwan lang daw po sa baba, Sir. Wala pong nakasulat kung kanino galing.”Napatitig ako sa envelope. Kinakabahan ako sa totoo lang. Ito na kaya ang annulment na sinasabi ng asawa?Damn! Mag-iisang buwan na akong walang balita sa kanila at hindi ko alam kung saan nagpunta. Walang sinabi sa akin sila Mommy. Sila lang naman ang kasama ni Athena.Hinigit ko ang envelope at kaagad na binuksan iyon pagkalabas ni Estefany.“Fvck!” Annulment paper nga! Tumayo ako at kinuha ang coat saka mabilis na lumabas ng opisina. Lumapit ako kay Estefany.“Call me if there is an urgent matter. Okay? Urgent lang. If not, do not call me.” Kailangan ko talagang ipaintindi dito dahil lahat na lang pinapasa kaagad sa akin ang mga tawag kahit na hindi urgent o mahalaga.Mabilis ang mga hakbang ko papuntang elevator. Napakunot ako ng noo nang mapansing parehas na gamit ang executive elevator. Napataas ako ng kilay nang iluwa no’n si
GRAESON’S POV NANG makatulog ang asawa nang mahimbing, binuksan ko ang ilaw para lang pagmasdan siya partikular na ang mukha niya. Kasi kanina, habang kumakain kami, natitigan ko siya. There is something wrong with her– lalo na sa balat niya. So pale. Dati, ang unang makikita sa mukha ni Athena ay ang kissable lips. Normal na nga daw iyon sa kanya. Kaya nakakapagtaka rin na maputla. Nawala kasi ang lipstick niya nang punasan niya ng tissue bago kumain. Bahagyang gumalaw ang asawa kaya napalayo ako sa kanya. Pero napatingin ako sa braso niyang para bang nilalamig siya. Tumatayo ang balahibo niya. Kaya naman tumayo ako para hinaan ang aircon. Inayos ko rin ang kumot niyang nalaglag na. Hindi ako makatulog kaya naman lumabas ako ng silid namin. Namalayan ko na lang ang sarili ko sa may likuran. Mas mahangin doon dahil sa mga puno. Hindi pa man ako nagtatagal doon nang may tumabi sa akin. “Can’t sleep?” “D-Dad,” “How is she?” “Who? Athena or Baby Lu po?” “Athena,” “Tulog na po.
ATHENA’S POV “AKO na po,” ani ko nang makitang may bitbit ng mga bulaklak na ilalagay sa mesa. Naghahanda ngayon ang lahat para sa salu-salo na magaganap ngayong tanghali. Meron din para sa dinner. Bilang selebrasyon kasi ng wedding anniversary ng mag-asawang Grazie at Thunder at kasabay ng ikalawang buwan ng bunsong anak namin ni Graeson. “No. Maupo ka na lang doon, hija. Kami na ang bahala, okay? Magpahinga ka.” Bahagya akong ngumiti sa Ginang. “N-nakakahiya po. Wala akong maitutulong.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Nandyan naman ang asawa mo, nauutusan ko. Saka may mga kasambahay naman kaya ‘wag mong iniisip iyon. Okay?” Akmang iiwan niya ako nang may naalala. “Nakaalis na raw sila kumare, mamaya niyan nandito na sila.” “Thank you po.” Ngumiti pa ako sa Ginang. Magulang ko ang tinutukoy ng Ginang. “Welcome, hija. O siya, maupo ka na lang dyan, bantayan mo ang prinsesa natin.” Tumingin pa siya kay Baby Lu at binati ito. Bored naman ako sa loob kaya lumabas na rin ako kasama
CHAPTER 60ATHENA’S POVShocked at wala sa sariling kamalayan ako matapos na makita ang dugo sa sahig, ang mga dugong umagos mula sa tama ng asawa. At hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong state pero napapitlag ako nang makarinig na sunod-sunod na yabag na nagmumula sa labas. Sobrang ingay at mukhang nagmamadali ang mga ito.“G-Graeson” nauutal kong tawag sa asawa nang muling mapako ang tingin dito. Nanginginig na pala ako noon. Nang mapagtantong hindi na kumikilos ang asawa ay rumagasa ang kaba ko.Bago pa man ako makaluhod para tingnan ang asawa ay biglang l bumukas ang pintuan at iniluwa no’n ang humihingal na si Theron kasunod si King.“What happened here? Bakit may mga bubog na nahulog sa—” Hindi na natuloy ni King ang sasabihin nang makita si Graeson na nasa sahig at wala nang malay.“Fvck! Graeson!” sigaw ni King “Tawagan mo si Tatay, Theron. Now!” baling nito kay Theron na tulala habang nakatingin sa kakambal niya“Theron! Damn it!” sigaw ni King.Napapitlag si Thero