AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA Nang makita ko may isang motor na tumabi sa amin, “Kuya bagalan mo! Kayo po yuko lang ako na bahala! Tapos kuya kapag sinabi ko bilisan ko gawin mo agad!” Utos ko sa kanilang lahat. “Okay po!” Sagot ni manong driver. Tingin ko natatakot din ito, “Ngayon na!” Utos ko at nang bumagal binuksan ko ang pinto at sinalubong ko biglang sipa sa mukha nito humawak ako sa mismong hawakan ng pinto sa itaas nito. Pag balik ko sa loob umupo na ako sa tapakan at kinuha ko ang baril ko at pinagbabaril ang naka motor. “Ciara!” Narinig kong tawag sa akin ni Donya. “Bryant? Tamaan mo mga gulong nila!” Utos ko at pumasok na ako. “Parating na sila Clinton at Charles..” narinig kong wika ni Donya Amelia. “Hindi sila aabot, mukhang kayo po ang habol nila. Ang kailangan natin ngayon ay labanan sila kaya ko naman..” sagot ko at nag re-load ako ng bala sa 45 caliber. “Kuya palit tayo ako na mag drive..” presinta ko, nagulat pa ito. “Pero kumapit kayo ng maigi.” Dag dag
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARASA LOOB NG ISANG LINGGO KO NA PANANATILI SA MGA CLEMENZA. Gumaling na rin ang sugat ko ngayon nag pa-plano ang buong Clemenza family ng isang malaking party.But this time hindi ako ang mag luluto, dahil gusto nila iba ang gagawa nito dahil hindi naman sa mansion gaganapin ang party. Naka upo lang ako sa likod habang nag uusap sila ng organizer at catering service na mag aasikaso sa party.Hindi ko lang alam kung anong klaseng party, kumakain ako ng kornek sa likod habang hawak ko ang isang beer in can sa kamay ko.Pinayagan naman ako nila dito na uminom nito, hindi naman siya nakaka lasing kaya okay lang..“Kung hindi ka lang malakas kina Tita Amelia? Tingin mo tatagal ka dito? Lahat ng chef dito hindi tumagal dahil lahat sila nag maldita..” muling putak na naman ni Britney.Marahas kong kinamot ulo ko at nag salita. “For once! Ma’am Britney! Para kang si Satanas e bumubulong sa likod ng ulo ko? Yung isa anghel yung isa demonyo! Please? Tumigil ka?” Pa
STEVE MORGAN “Alam niyo tingin ko marunong siya sa mga sasakyan din..” wika ko at pinanood mag maneho ang bagong salta sa pamilya ng mga Clemenza. Ngumisi ako ng maisip ko na hindi ordinaryo ang babaeng yun, pero hindi ko nararamdaman kung threat ba ito sa pamilya o sa buong grupo. “Tama ka, alam niya paano imaneho si Rafa..” pag sang ayon sa akin ni Charles. “Ngayon niyo sabihin sa akin na hindi ako mag duda?” Tanong ni Clinton. Natawa naman ako bago pa ako maka pag salita sumagot na si Ninang. “At bakit? Dahil sa marunong siya gumamit ng sports car? Eh ano nakita mo ba ang sasakyan niya? Hindi ito sports car pero alam mo na magandang klase yan..” mataray na tanong ni Ninang Amelia sa anak niya. Umiling si Ninang Amelia at pumasok na, “Imbes na mag duda ka? Mag dagdag ka ng siguridad sa pamilya.” Masungit nitong paalala at pumasok na. Napa tingin naman ako kay Clinton na umiiling. “May race daw mamaya, sasali ang kilalang mafia ng bansa. Ilan lang sa kanila.” Wika ni Charles.
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA SA DALAWANG LINGGO KO DITO SA PAMILYA ng mga Clemenza doon ko napapansin ang mga ugali nilang pang out of the universe. Mas lalo na ang kambal na mag kapatid. “Sh*t!” Mura ko at mabilis kong iniwasan ang parating na pink bunny slippers. Tulad ngayon nag aaway sila dahil ginamit ni Ma’am Krystell ang isa sa mga paboritong dress ni Ma’am Kayzee. Nilabas ko ang slipper sa kitchen at sinara ko ang pinto, dahil ang luluto ako ng gabihan nila. “I hate you, You’re witch!” Huling narinig ko hanggang napa buntong hininga na lang ako at umiling. Habang nag aaway sila ang nakaka tandang kapatid nila ay nag ta-trabaho parin. Umiling na lang ako at inayos ko na ang plating para maka kain na sila. Natatawa na lang ako kapag naalala ko ang mga bangayan ng kambal dahil sa damit na hiniram ng hindi pinag paalam. Ngumiti ako at umiling ng matapos ako pinindot ko ang intercom para maka connect ako sa maid quarter. “Manay? Ilabas na po ito..” mahinahon kong utos. “S
STEVE MORGAN “So ibig sabihin mayaman ka din? Bakit ka nag luluto pa sa iba?” Tanong ko dito. Kinausap ako ni Clinton na alamin ko kung ano pa pwede malaman sa taong ito, kasi napansin ni Clinton ang mga kilos ni Chef Ciara mas lalo ng makita namin ang VIP card nito. Hindi basta basta nakaka kuha ng ganito mas lalo kung isa ka lang chef. Natawa naman ito at namulsa ito, “Sino nag utos sayo na mag tanong sakin?” Tanong nito at binigyan ako ng tingin na side eye. “Hindi kasi normal ang tanong mo, para kang kumukuha ka ng information mula sa bawat isasagot ko..” dagdag nito na kina laki ng mata ko. Nahalata niya? Sinimplihan ko na nga eh! “Sorry, pero hindi kasi nag titiwala si Clinton basta basta..” sagot ko dito. Nakita ko ito paano mag kibit balik at kinuha ang pinamili nito. “Hindi ko naman kailangan trabahuin ang tiwala ng iba, trabaho at pera lang nila kailangan ko wala ng iba,” nginisian ako nito at umalis na ito sa harapan ko. Pinanood ko ito na umalis na lang at lumapit k
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA “May dalawang game ngayon, ang opening sila kuya at ang kalaban nila. Sunod naman ibang grupo, familiar ka ba sa ganito Chef Ciara?” Tanong ni Kayzee sa akin. Umiling ako bilang sagot dito, pero hindi yun totoo lumalaban din ako pero hindi palagi at hindi dito. Noong nasa London ako madalas ito ang past-time ko doon. Kaya familiar pa rin ako kahit papaano, ayoko lang umamin dahil baka lalo silang mag taka. “May alam ka ba sa ganitong gawain? Sure ako na wala..” tanong ni Britney. Tiningnan ko ito ng malamig bago ako sumagot. “Huwag kang mag tanong kung ikaw din ang sasagot..” paalala ko dito at ng may dumaan sa amin na lalaki, naka tingin ito sa akin kaya ng titigan ko ito. Doon ko namukhaan ito. Miguel? Si Migs ba yun? Tiningnan ko ulit pero naka talikod na ito, hindi ko ako sigurado kung siya nga yun pero kung siya nga? Ibig sabihin maaaring nandito din ang iba? “Sh*t!” Mura ko at kinamot ko ang ulo ko. “May problema ba Chef Ciara?” Mahinahon n
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA “Hija, mag kita tayo sa party ha? Tumawag ka kapag malapit kana ipapa sunod kita sa entrance..” paalala ni Donya Amelia Lumingon ako at tumango. “Opo, alis na po ako.” Paalam ko at tumalikod na ako, habang naglalakad ako nag suot na ako ng helmet ko. Nahuli ko pang naka tingin sa akin si Sir Clinton, kanina ko pa suot ang earpiece ko dahil gusto ko kausapin si Bryant. Sumampa ako sa motor ko at inatras ko muna ito palabas ng gate bago ko buhayin ang makina nito. Nang maka labas ako kinuha ko muna ang cellphone ko sa bulsa ng leather jacket ko. Alam ko sinusundan nila ako ng tingin kaya lumingin ako at tama ako pinapanood nila ang kilos ko. Nang matawagan ko na si Bryant kinuha ko sa kabilang bulsa ko ang itim na gloves na para sa motor. Sinuot ko ito at binuhay ko na ang makina, hanggang mabilis na akong umalis saktong sagot ni Bryant sa tawag ko. “Yo napa tawag ka?” Masiglang tawag nito. “Bry, nabasa mo ba yung address na pinadala ko? Mag bantay
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA NAG PATULOY ANG MASAYANG party ng dalawang pamilya ng mga Clemenza at Madden. Na selyuhan na ang partnership kanina, kaya ngayon ay puro sila papuri ang natatanggap nila habang ako patuloy pa rin sa pagkain. Hindi ko maiwasan hindi mapa tingin sa upuan nila Kazimir, hindi ako komportable na nakikita ko sila o kasama ko sila sa isang lugar. Pakiramdam ko kinakapos ako ng hangin, huminga na lang ako ng malalim at pinanood ko ang pag suot ng engagement ring ni Sir Clinton kay Britney. Ang mukha ni Sir Clinton, hindi mo alam kung masaya ito o napipilitan lang ba ito sa mga nangyayari ngayong gabi.. Inalis ko ang atensyon ko doon at uminom ako ng champagne na kalalapag lang sa harapan ko. Nang lumingon ako, nakita ko si Gladys naka tingin ito sa akin at ngumiti, ngunit hindi ko ito ginantihan ng ngiti dahil naka tingin sa akin si Steve. Simple ko lang inalis ang paningin ko dito at nilibot ko ang mata ko sa loob ng magandang bulwagan na ito. Malawak it