Share

Chapter 14 Judgement Day

NASA kalagitnaan ng kanyang klase si Teacher Bernadette De Mesa ng tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw lamang ng kanyang mesa. Napatingin siya sa screen at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso ng makilala kung sino ang tumatawag. Si Oliver Calderon. Kagabi ay ka-chat niya ito at halos hindi siya makatulog magdamag dahil sa excitement. Tinotoo nga nito ang pangako na tatawagan siya at heto na nga.

“Excuse me class. I have to take this call.” Nakangiting sabi. “Please continue reading the next chapter.”

Nagmamadaling lumabas ng classroom si Ma’am Badette at saka sinagot si Oliver. “Hello Sir.”

Isang baretonong tinig ang sumagot mula sa kabilang linya. “Hi naistorbo ba kita? Saka di ba sabi ko sayo kagabi, Oliver na lang ang itawag mo sa akin.”

Tila dalagitang kinilig at humagikhik muna ang teacher bago sumagot. “Ayy Oo nga pala. Sorry. Sige basta Badette na rin lang ang itawag mo sa akin.”

“Sige Badette.”

“Sweet mo naman.” Malambing na sagot.” Tinotoo mo nga ang promise mo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status