Share

Chapter 57

EXECUTION

Halos malamukos na niya ang papel dahil sa galit na kanyang nararamdaman. Sinong walang hiyang nilalang ang naglakas loob na paglaruan sila ng asawa niya? Kinuha niya ang mga singsing ni Corazon at itinago iyon. Bago siya lumabas ng silid ay dinampot niya ang iniwang cellphone ni Corazon. Nagkataon namang nag-aabang sa bukana ng pinto si Manang Salome. Balisa ang itsura nito at mukhang may nais sabihin sa kanya.

"Sino ang nagdala nito sa mansion Manang?" Tanong niya sa nagngangalit na mga ngipin at ipinakita ang annulment paper na hindi naman siya ang nagfile.

"H-hindi ko po alam Señorito. Pe-pero pumunta si Ma'am Lara dito kani-kanina lang at nagpumilit na pumasok sa silid ninyo ni Señorita. Nag-usap po sila pagkatapos...pagkatapos umalis na po si Señorita. Kahit anong tawag ko sa kanya hindi po siya nakinig at nagtuloy-tuloy lang." Paglalahad ng ginang.

Kumuyom ang kanyang kamao. Damn it! What the hell is this again Lara? Nasapo niya ang kanyang noo at agad na bumaba ng ha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status