Share

CHAPTER 2

Akala niya magiging maayos na ang lahat matapos ang pa uusap at lambingan ng ina niya kagabi,pinakiusapan niya ito na tulongan siyang kausapin ang ama niya na huwag ng ituloy ang kasunduan sa kasosyo nito sa negosyo,pero nagulat na lang siya ng pagbaba niya kinaumagahan sobrang busy ang mga katulong nila sa pag aayos ng buong bahay at pati na rin ang kusina nila ay sobrang dami ng mga sangkap na sa tingin niya lulutuin ng mga ito sa sampo hanggang bente katao...

"Nana Tessy ano pong meron?tanong niya sa mayordoma nila,ito ang kaniyang naging pangalawang ina sa bahay,ito ang palaging nag aalaga sa kaniya sa tuwing umaalis ang mommy at daddy niya para sa kanilang mga negosyo,mahal na mahal niya ito dahil ito lamang ang nakakakilala sa kaniya ng lubos na kahit ang ina niya ay minsan hindi naiintndihan ang mga hinaing niya sa buhay...

Cassandra gising ka na pala anak,sabi nito..

"Opo nana,good morning nga pala,sabay lapit dito at halik sa ulohan nito..

"Magandang umaga din sayo anak,umupo ka na doon at ihahain ko ang breakfast mo..

"Huwag na Nana ako na lang ang kukuha at dito na ako kakain para makapag kwentohan tayo..

"Oh siya sige ikaw ang bahala,pasensya kana anak kailangan kasi na maihanda na ito lahat para mamaya hindi tayo magahol sa oras..pahayag nito..Nakakunot noo ko itong tiningnan at nag iwas agad ito ng tingin sa akin..

"Anong meron Nana?tanong niya.. Napabuntong hininga ito at malungkot na tumingin sa kaniya.

"Magdi dinner dito mamaya ang pamilya ng mapapangasawa mo,kaya maghanda kana para sa pagkikita niyo mamayang gabi,..napatda siya sa narinig at nanigas ang kaniyang katawan,..wala talagang pagbabago sa desisyon ng kaniyang mga magulang,para siyang sasabog sa sama ng loob,anong akala nila sa akin isang bagay na pwede lang ipamigay kung kailan nila gusto..

"Iha alam kong hindi mo to gusto pero bakit hindi mo muna kilalanin ang mapapangasawa mo,mabuting tao si Craig kaya gusto siya ng ama mo para sayo,mahinang sabi ni nana,napataas kilay akong tumingin sa kaniya..

"So kilala mo siya nana?tanong niya na ikinatango naman nito..

"Oo iha,ilang beses na siyang pumunta dito pero palagi kang wala kaya hindi mo siya nakita,mabait na bata at magalang,alam kong isa siyang mabuting tao kaya hindi na ako nagtanong pa sa mga magulang mo kung bakit siya kasi nakikita ko naman kung bakit nila nagustohan si Craig para sayo..

"So sa bahay na ito ako na lang ang hindi pa siya kilala?Ako na pakakasalan niya?

"Kaya nga nag set ang mga magulang mo ng dinner mamaya para mabigyan kayo ng pagkakataon na makilala ang isat isa,Cassandra alam mong hindi kita pinakikialaman sa mga desisyon mo dahil kilala kitang matalino at palaban,hindi ka basta basta na isang babae lamang,pero anak sana ngayon pag isipan mong mabuti ang binabalak mo..

Napangiwi siya sa sinabi ni nana,kilalang-kilala niya talaga ako,alam niya na may binabalak siyang gawin ngayon pero syempre hindi siya aamin sa kaniya,ngayon pang alam niya na kakampi din siya ng lalaking iyon,mahal niya si nana at sobrang laki ng respeto niya dito pero this time ay iba,sariling desisyon niya muna ang susundin niya,this is for my own good,for my freedom na pilit na ipinagkait ng ama ko sa akin...

"I'm not thinking of doing anything againts my dad nana,buntong hininga niyang sagot sa kaniya. Tinaasan ako nito ng kilay para iparating sa akin na hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko,kibit balikat naman akong tumingin sa kaniya...Inubos niya na ang pagkain at nagpaalam na babalik sa kwarto,kailangan niyang makataas ng maaga bago pa dumating ang mga bisita..

Kinuha niya ang lahat ng mga importanting bagay na kakailanganin niya sa pagtakas,kumuha din siya ng cash sa volt sa kaniyang kwarto,hindi siya pwedeng gumamit ng mga cards dahil masusundan siya ng kaniyang ama alam niya ang connection nito,singlawak ng yaman na meron sila mas malawak pa nga don kung tutuusin dahil sa ibat ibang negosyo na meron sila maliban sa pinakamalaki nilang business which is the shipping line..

Siya ang tagapagmana ng lahat ng iyon dahil nag iisa siyang anak kaya siguro gusto ng ama niya na makapag asawa siya ng lalaking nasa business world din umiikot ang buong buhay para makasiguro na magiging maayos ang negosyo nila kung may hahawak dito na mapagkatiwalaan at bihasa sa larangan ng negosyo...

Curios man sa hitsura ng lalaking ipinagkasundo sa kaniya pero kailangan niyang makatakas bago pa man ito dumating kasama ang pamilya,..ng maiayos na ang lahat ng importanting gamit na dadalhin,lumabas muna siya saglit at nagtungo sa maids quarter,siniguro niya na walang tao doon bago pumasok..Busy ang lahat kaya walang nakapansin sa kaniya,hinalungkat niya ang cabinet ng kanilang mga katulong at naghanap ng uniform na kasya sa kaniya...

Pagkatapos makuha ang pakay pa simply siyang bumalik sa kwarto niya at nagbihis,meron siyang t-shirt at short sa loob ng uniform dahil pag makalabas na siya mamaya huhubarin niya lang ito at ewan sa kung saan..Inayos niya ang kaniyang suot at naglagay pa ng bandana sa ulo,meron silang isang katulong na mahilig magbandana na parang nagsisilbi sa isang royalty family,hindi naman nirerequired ito ng kaniyang mommy pero gusto nitong parang fashionista sa damit katulong kaya marami itong abobot na nilalagay sa kaniyang unifom .

Napangiti siya sa ayos niya, sunod niyang hinalungkat ang kaniyang make up ,yes she is a well talented make up artist,kaya niyang gayahin ang hitsura ng isang tao sa pamamagitan ng make up lamang,napangiti siya dahil sa naiisip,kinuha niya na ang kaniyang gagamitin at nagsimula nang mag make up sa sarili,ginaya niya ang mukha ng isa sa mga katulong nila..

Masaya niyang pinagmasdan sa salamin ang kaniyang mukha.., "Perfect,..ang galing mo talaga Aireen".lihim na puri niya sa sarili...Napangiti siya at inayos na ang kaniyang sarili para lumabas na ng kwarto..Kinuha na ang itim na trash bag na nakita niya kanina sa gilid ng kitchen at ipinasok ang bag na pinaglalagyan niya ng mga gamit niya..Isinuot niya na ang sapatos na kulay puti na madalas suotin ng mga katulong nila,isang sulyap muna ang ginawa niya sa salamin bago dahan dahan na binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto at sinilip sa labas kung may tao bago lumabas bitbit ang trash bag na dala dala niya...

Malalaki ang hakbang na bumaba siya ng hagdan at nagtungo sa bangdang likod para doon dumaan,kunyari magtatapon siya ng basura sa bangdang likod,may maliit sila na gate doon kung saan palaging ginagamit ng mga katulong pag magtapon ng basura,nasa labas ang malaking trash bin kung saan nila itinatapon ang mga basura galing sa bahay nila at kinokolekta naman ito ng mga basurero araw araw..

Nakarating siya sa gate na tahimik at hindi napapansin ng mga kasama nila sa bahay,paglabas niya nakita niya ang guard nila sa labas na may inaayos,dahan dahan siyang naglakad para hindi mapansin at pa simpleng tumayo sa likod ng mayabong na halaman sa gilid,hinintay niya muna na pumasok ito bago dahan dahan na lumabas at mabilis na tumakbo palayo sa kanilang bahay,hapong hapo siya ng nakarating sa kanto na medyo malayo na sa kanila,pagdating doon nagtago muna siya sa gilid ng pader ng kung sino mang bahay yon at hinubad ang kaniyang damit at saklop at itinapon sa malapit na basuharan..

Nang masigurong walang nakasunod sa kaniya dali dali siyang lumabas sa pinagtatagoan at mabilis ang lakad patungo sa kabilang kanto kung saan may mga dumadaang sasakyan,doon na siya mag aabang ng taxi,mabuti na lang malaya niyang naispuslit ang kaniyang kaunting gamit at pera kahit papaano may gagamitin siya pansamantala,mamaya niya na lang muna iisipin kung saan siya magtatago,lalayo muna siya sa bahay nila dahil panigurado pag natuklasan ng ama niya na wala siya sa bahay ipahaloghog nito ang buong siyudad sa mga taohan nito....

Nagpahatid muna siya sa isang maliit na hotel malayo sa bahay nila,dito muna siya mag stay habang nag iisip ng susunod na gagawin,hindi siya pwedeng mahuli ng ama, kailangan niyang makalayo sa mga ito,hindi siya papayag na basta-basta na lang magpakasal sa lalaking ni pangalan hindi niya alam...

Matapos makapag check in ay umakyat na siya sa room niya,pagpasok sa loob diretso siyang nahiga sa kama, nakaramdam siya ng pagka hapo sa kaniyang ginawa parang pagod na pagod ang katawan niya ngayon,habang nakahiga nag iisip siya kung saan siya pupunta hanggang sa mapangiti siya ng maalala ang pinsan na alam niyang hindi siya tatanggihan kung hihingi siya ng tulong dito,dali dali siyang bumangon at kinuha ang ang kaniyang cellphone para tawagan ang kaniyang pinsan...

"Hello", sagot ng pinsan niyang bugbutin..

"Drake,its Cassy,malambing na sagot niya, kailangan niyang lambingin ito para sa plano niya..

"What do you want?supladong tanong nito sa kaniya..

"Can I see you?

"Why?

"Because I want to,giit niya dito..

"Oh c'mon Cassandra,I know you,you wont come and see me just because you want to...Napangisi siya sa sinabi nito, talagang kilalang-kilala siya ng kaniyang pinsan,hindi man sila sabay na lumaki at walang nakakaalam na pinsan siya nito dahil sa katayoan nito sa buhay at ayaw ng mommy ni Drake na kapatid ng kaniyang ina na madamay sila sa kung ano mang klaseng pamumuhay meron ang mga ito,..isang mafia ang napangasawa ng Tita Danica niya isang nakakatakot na mafia,marami silang kaaway kaya nag decision ang mga magulang nila na hindi ipaalam na may connection sila sa isat-isa,sila lamang ang nakakaalam nito, pero kahit ganon hindi hadlang para sa kanila ni Drake ang maging close sa isat-isa...Simula bata patago silang nagkakasama,ang bonding nilang mag pinsan ay hindi ordinaryong laro na madalas nilalaro ng mga bata...

Bata pa lamang si Drake nahasa na ito makikipaglaban,bihasa na ito sa pag gamit ng baril,patalim at ibat-ibang uri ng patalim,at dahil nag iisa siya nitong pinsan tinuturuan din siya nito kung pano makikipaglaban...

She is not just an ordinary woman,a damsel,a princess who knows nothing, she is extra ordinary...

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Romeshell Conanan
Takas girl Cassy...haha
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
naku Cassandra nagawa mo talagang tumakas. Ayaw mo talagang makilala man lang muna si Craig.. thank you Author..
goodnovel comment avatar
Kao Rebola Enieloisa
Hindi ako mg sasawa n balikan ang story niu papa totoby...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status