Share

Chapter 19

Naabutan ni Katie ang mga kasama na nakaupo na sa mahabang table. Sampu silang myembro nang operasyon na iyon kasama si Zach, Mavy, Leigh, at anim pang lahat ay walang itulak-kabigin sa kanilang kaguwapuhan na mga sundalo. Sina Sgt. Tolentino, Sgt. Moreno, Sgt. Ramos, Sgt. Salazar, Sgt. Cruz, Sgt. Escobar at siya. Akala nga niya papalitan na siya ni Zach. Mabuti at hindi siya nito inalis.

Napangiti ang mga ito nang pumasok siya at sumaludo. Mas mataas pa rin kasi ang katungkulan ng mga ito sa kanila ni Leigh. Ang apat sa mga ito ay may asawa na malikay kina Sgt. Tolentino at Sgt. Escobar. Parehong single ang dalawa sa pagkakaalam niya.

“Pvt. De Guzman, baka dapat kami na ang unang sumaludo sa iyo. Tama ba mga kasama?” wika ni Sgt. Salazar na pinaka-bully sa grupo.

Nagtawanan ang mga ito habang nakangiti lang si Leigh. Hindi tuloy mapigilang mag-init ng magkabilang niyang pisngi. Hindi pala nakaligtas sa mga ito ang ibinibigay na atensyon sa kaniya ng makulit nilang superior.

Napati
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Julie F.Abenes
mas maganda kung may label Katie
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status