Mahabang kulitan at kwentuhan sa bahay nina Camila ang naganap bago sila umuwi. Si Liberty ay nagpaalam na rin sa kanila matapos ang ilang oras na pakikipaglaro sa mga anak niya.“Camila, ano nga pala ang sasabihin mo kanina sa akin?” naalala niyang itanong bago sila pumasok sa loob ng kanilang apartment. Sumama ito para tulungan siya sa makukulit at bibo niyang mga anak.“Samahan mo ako. May fashion show na gaganapin sa hotel ni hubby at may free tickets sila for two. Hindi naman siya available, kaya ikaw na lang,” kibit-balikat nitong tugon.“Paano ang mga anak ko? At anong araw iyon?”Masaya ang mukhang humarap ito sa kaniya. “Wala kang pasok niyan at nagpa-reserve na ako ng two rooms doon para maisama natin ang mga anak natin. Mag-start sila ng ten in the evening. So, probably, tulog na ang triplets noon. Basta ako ang bahala,” wika nito.Napailing siya sa ginawi nito. “Siya, sige na. Makatatanggi pa ba ako kung may tickets at room ka na para diyan.” Inirapan niya ito.Isang malak
Magara ang disenyo ng stage na bumungad sa kanila ng kaniyang kaibigang si Camila. Mahaba ang runway nito na para lang sa mga star-studded fashion shows. Maliwanag din ang buong paligid dahil sa mga ilaw at nagkikislapang kamera. Sadyang pinaghandaan ng hotel ang event na iyon. Kahit si Camila na mag-a-attend lang ay pinaghandaan din ang lahat. Nakasuot ito ng hapit na hapit sa beywang na cream na long gown, at hakab sa dibdib. Seksi itong tingnan at mukhang wala pang anak. Bagay na bagay nga rito ang maging isang modelo na pinapangarap nito. Suot naman niya ang isang casual dress na black and white na mid-calf split design. Lutang ang naghuhumiyaw niyang cleavage at mahabang hita. Sa kamay niya ay may ternong maliit na handcarry black pourse, saka hinayaan na nakalugay ang lagpas balikat niyang maitim at tuwid na buhok.“Katie, bakit nag ganda mo!” bulalas na wika ni Camila sa kaniya.“Sus! Magaling ka lang pumili ng damit ko. Saan ba ang upuan natin?” Pasimpleng siniko niya ang k
Hawak ang baril at walang sawang pinaputok iyon sa target nang may tumapik sa balikat ni Zach.“LTG Silva! You have a phone call!” anang isa niyang tauhan.“Who is that? I’m in the middle of this! Tell that to whoever he is that I’m busy here!” marahas niyang sagot dito.“Pero nakailang tawag na po siya mula kaninang umaga,” magalang na sagot nito.“F*ck!” Mabilis niyang inilagay sa beywang ang baril at hinablot ang telepono sa kaharap.“Who is this? I’m busy right now.”“Kuya, lagi ka namang busy. Ano, buong buhay mo sa kampo na lang iikot? Hindi ba at nag-promise ka sa akin mag-a-attend ka sa fashion show ko? This is my final walk— the end of my career.”Biglang nawala ang inis niya nang mabosesan ang kapatid na si Zaira. Aalis na nga pala ito sa pagiging modelo dahil ito na ang hahawak sa company nila at magpapatuloy ng obligasyon niya. At ito ang kondisyon ni Zaira bago umalis sa fashion world, pati na ang i-date ang kaibigan nito.Matagal nang may gusto sa kaniya ang kaibigan nit
Habang itinuturo ng receptionist ang daan patungo sa fashion event, biglang may lumabas na nagmamadaling lalaki— na muntik ng mabangga si Zach.“I’m sorry!” Itinaas nito ang kamay dala ang isang bag at mabilis na nilampasan siya.Napailing siya at hindi na lang ito pinansin. Nang nasa tapat na sila ng elevator ni Olivia, narinig pa niya ang pangalan na tinawag ng lalaki.“Katie!”Napakunot-noo siya na nilingon ang lalaki. Nakita niya na may kausap itong babae pero natatakpan ang kabuan nito ng pader. Hanggang pumasok sila sa elevator at sumara iyon ay hindi na niya nakita pa ang itsura ng babae. Bigla kasing pumasok sa isip niya ang nag-iisang taong kilala niyang nagmamay-ari ng pangalan na iyon.“LTG Zachary Silva?” tanong ng babaeng coordinator ng fashion show nang pumasok sila sa fashion hall. Malawak itong nakangiti at niyakap siya. “Welcome! I’m happy to have you here!” Ngumiti siya nang pakawalan nito. “Thanks for inviting me,” aniya.“Well, thanks to Zaira!” Tumawa ito. Itinu
Pagkagaling sa park ay dumeretso sa isang sikat na shopping mall ang mag-iina ni Katie kasama si Camila at mga anak nito. Kung nag-enjoy ang mga ito sa park, mas nag-enjoy ang mga ito sa loob ng mall dahil sa dami ng mga palaruan doon sa taas na bahagi ang shopping area. Tantiya niya mga apat na palapag iyon.“Camila, Can I go up? Gusto ko silang bilhan ng mga bagong damit at sapatos kaso nasa second floor pa iyon. Malikot ang mga iyan kapag isinama ko.”“Sige na, dito lang kami. Mukhang nag-e-enjoy pa naman sila. Hindi mo rin naman maawat ang mga iyan,” nakangiting wika nito. “Hindi nga napapagod.” Iiling-iling pa ito habang nakatingin sa kaniyang mga anak na pabalik-balik sa slides.Natawa na lang siya sa sinabi ng kaibigan at lumapit sa mga anak para magpaalam.“Behave with Tita Camila at sa mga ate, okay? I’ll be back later.”“Sure, mommy!” sabay-sabay na wika ng mga ito.Hinalikan niya sa noo ang mga ito bago umalis.Pagdating niya sa second floor, nakita niya agad ang kids secti
“Liberty, can you make a coffee for me?” ani Katie sa kaniyang assistant.Nasa clinic siya noon at wala pang pasyente. Sinadya talaga niyang mauna roon para maging occupied siya at mawala sa isip ang mga bagay na gumugulo sa kaniya. Balak niya rin namang umuwi nang maaga, dahil pakiramdam niya unti-unting sumisikip ang mundo niya, at tanging ang mga anak lamang ang makapagpapagaan sa kaniyang dinadala.“Your coffee, Dra. Katie.” Ipinatong ni Liberty ang kape sa ibabaw ng kaniyang lamesa.“Thank you,” nakangiting sabi niya sabay higop sa kape. “By the way, Liberty, if you have any appointment outside today— you may go. We will close the clinic early.”Napakunot ang noo nito sa tinuran niya. Sana’y ito na kpag ganoong araw ay inaabot sila ng gabi.“Really, Dra? Why?”“I have an appointment, too,” pagsisinungaling niya.Tumango na lang ito at hindi na nagtanong pa. Inabala na nito ang sarili sa pag-aayos ng mga records.Maya-maya pa, sunod-sunod na naman pasyente at hindi na niya namalay
Matagal bago nakakilos si Zach sa kaniyang kinatatayuan. Huli na noong magawa niyang ihakbang ang mga paa palabas sa restaurant na iyon pasunod kay Katie. Nakasakay na ito sa isang kotse habang dina-drive ng isang lalaki.Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa bulsa. He called the intel of the army that based in Las Vegas. He described what he needed to know.“I need that information tonight. Do you understand?” ma-awtoridad na wika niya sa kausap, saka pinatay ang telepono.“Baby! Hey!” tawag ni Olivia mula sa entrance ng restaurant. Dahil sa nangyari, nakalimutan na niyang kasama niya nga pala ito.Lumapit ito sa kaniya. “Why did you leave me like that? I thought you were just in the bathroom,” anito saka ipinulupot ang kamay sa kaniyang braso.Pumiksi siya at inalalayan ito sa siko. “Wait here. I’ll call you a cab,” malamig niyang wika.Nangunot ang noo nito. “What’s wrong?”“Nothing.” Sinabayan niya iyon ng pag-iling.“Then, there’s nothing wrong if we head out together.” Ikinawi
Palinga-linga si Katie na naglalakad pagbaba sa parking lot, pakiramdam niya may laging nakasunod sa kaniya. Simula nang magkaharap sila ni Zach, parang bumabalik ang pagiging militar niya. Bigla ay naging alerto siya sa mga nangyayari sa paligid.“Katie! Itigil mo na ang pag-iisip mong ganyan!” sita niya sa sarili.Ngunit hindi pa rin niya mapigilan tingnan bawat taong nakakasalubong niya. Kakaiba kasi ang kutob na nadarama niya. Alam niyang ipahahanap siya ni Zach— imposible ang hindi. Pero nahiling niya na sana huwag na lang. Na sana, mas manaig ang galit dito para hindi na siya magambala pa. Saka, may isang linggo na rin ang nakalilipas mula noong magkita sila, pero wala namang nangyayari. Baka umuwi na ito ng Pilipinas. Sana nga. . .Napabuntonghininga na lang siya.“Good morning, Dra. Katie,” bati ni Liberty sa kaniya.“Good morning, Liberty. How many patients do we have today?” Ibinaba niya ang bag sa lamesa niya at isinuot ang doctors’ coat.“Almost twenty patients, Dra.”Nap