Share

Chapter 2

Katatapos lang nilang kumain nang maramdaman ni Chestine ang paghilab ng kanyang tiyan. Ang akala niya ay napadami lang siya nang kain pero ilang minuto pa ang lumipas nang sunud-sunod na ang malalang paghilab. Napansin kaagad ni Johan ang hindi mapakaling si Chestine habang panay himas sa tiyan nito.

"Hey, are you okay love? Anong masakit?" nagaalalang tanong ni Johan sa kanyang asawa.

Imbis na sagutin ni Chestine ang tanong ng kanyang asawa ay mariin na lang siyang napapikit dahil sa sakit na nararamdaman.

"Johan! Manganganak na ata si Chestine!" natatarantang sabi ni Celeste kay Johan.

Wala nang sinayang na oras si Johan at kaagad niyang bihuhat ang kanyang asawa para isakay sa sasakyan. Maingat niyang iniupo si Chestine sa passenger seat at muling bumaling kay Celeste.

"Mama, ako na ang bahala kay Chestine. Makikisuyo na lang ako ng mga gamit ng mag-ina ko, paki-sunod na lang sa hospital," utos ni Johan sa biyenan at nagmamadaling sumakay sa driver's seat sabay binuhay ang makina at mabilis na pinasibat.

Habang nasa biyahe ay pinagmamasdan ni Johan sa front mirror si Chestine at halatang nahihirapan talaga itong mag-labor. Napaawa siya sa naging itsura ng asawa niya ngayon.

"You can do this love, ilang sandali na lang lalabas na si baby Jonas kaya tiis lang huh? I'm here, so don't worry." Pilit pinalalakas ni Johan ang loob ng kanyang asawa.

"Next week pa dapat Johan, napaaga ata," sagot ni Chestine sa namamaos niyang boses.

"Na-excite siguro siya nang marinig niya ang boses ng grandma niya kanina. Kaya ngayon niya na naisipan lumabas," biro ni Johan.

"Si Mama, baka hindi niya alam kung saang hospital ako manganganak. Baka maligaw 'yon," nababahalang sabi ni Chestine.

"Last week ko pa sinabi sa kanya kung saan ka manganganak kaya alam niya na sa Ester Medical Hospital kita dadalin," imporma ni Johan sa asawa.

"Bakit kasi hindi mo pa siya isinabay satin? Para hindi niya na kailangan mag-commute mag-isa," angil ni Chestine.

"The hospital is not too far, pati 'yung ibang gamit niyo ni baby hindi pa ayos kaya naman nakisuyo ako kay Mama. Baka pag nag-tagal tayo sa bahay, doon ka pa abutin," paliwanag ni Johan.

Hindi na muling nagsalita pa si Chestine at mayamaya lang ay huminto na sila sa tapat ng malaking private hospital. Kaagad na bumaba si Johan at umikot sa passenger seat para muling alalayan si Chestine sa pagbaba ng sasakyan.

Sinalubong sila ng doctor at mga nurses ng hospital at mabilis silang inassist. Inihiga nila si Chestine sa stroller bed sabay ipinasok sa delivery room. Akmang susunod din sana si Johan sa loob ngunit pinigilan siya ng isang doctor.

"Sir, kayo po ba ang asawa ni Mrs?" tanong ng doctor kay Johan.

"Yes, ako nga," sagot ni Johan sabay may iniabot na chart ang doctor sa kanya na kinakailangan niyang pirmahan.

"Paki-fill up-an na lang nito at paki- pirmahan na rin para sa consent niyo" sabi ng doctor.

Kaagad na kinuha ni Jonas ang chart mula sa doctor at mabilis na ni-fill up-an at pinirmahan ito.

"Hindi po ba ako p'wede sa loob doc?" tanong ni Johan.

"Bawal po, policy talaga ng hospital na patient and mga staff lang ng hospital ang p'wede sa loob," pagkasabi ng doctor ay kinuha niya na ang chart mula kay Johan at nagmadali nang pumasok sa loob ng deliver room.

Naiwan si Johan mag-isa sa labas habang nagpalakad-lakad. Mayamaya lang ay narinig niya na ang boses ng kanyang biyenan na si Celeste habang bitbit ang dalawang bag na naglalaman ng mga gamit ng mag-ina niya.

"Ma!" tawag ni Johan kay Celeste sabay kinuha niya ang dalawang bag na bitbit nito.

"Ano Johan, kamusta na ang anak at apo ko?" nagaalalang tanong ni Celeste kay Johan na may.

"Kapapasok lang po ni Chestine sa loob," sagot ni Johan sa kanyang biyenan sabay inaya niya itong maupo sa mga bakanteng upuan.

"Sana safe delivery ang mag-ina! Ang akala ko pa naman ay next week pa ang due date niya," sabi ni Celeste.

"Hindi ko rin po alam kung bakit napaaga, baka siguro naiinip na si Jonas sa loob," pabirong sabi ni Johan.

"Ay naku! Baka nga!" Pagsangayon ni Celeste.

"Johan??" tawag ng isang pang-babaeng boses sa pangalan ni Johan kaya sabay silang napalingon sa pinanggalingan nito.

Nanlaki bigla ang mga mata ni Johan nang mapagsino niya ang babaeng tumawag sa pangalan niya at sabay pa silang napatayo ni Celeste. Nagulat si Johan nang bigla siyang yakapin ng babae. Dumako ang tingin niya sa gawi ni Celeste na may nagtatanong na tingin.

"Hey! Hey! Franzelle!" pagtataboy ni Johan sa babaeng kung makayakap animo'y isang linta.

Mabuti na lang at bumitaw rin ang babae mula sa pagkakayakap niya kay Johan.

"Anong ginagawa mo rito sa hospital?" tanong ng babae kay Johan. Hindi man lang alintana ang presensya ng matandang si Celeste.

"Nasa delivery room ang asawa ko," tipid na sagot ni Johan sa babae.

"Oh! May asawa ka na pala at may baby ka na rin... " dismayadong sabi ng babae kay Johan.

"Oo, hija at ako ang biyenan ni Johan. Anak at apo ko ang nasa delivery room ngayon kaya kung p'wede lang dumistansya ka," sabat ni Celeste na may pagbabanta.

Kaagad na bumitaw ang babae mula sa pagkakapulupot ng braso niya kay Johan.

"Ah-eh, pasensya na po kayo. Ako nga po pala si Franzelle kaibigan ni Johan from college," pakilala ni Franzelle sa kanyang sarili.

"In-inform lang kita dahil baka lang lumagpas ka sa linya hija," malamang sabi ni Celeste.

"Ma, pasensya na kayo. Ang alam kasi niya ay wala pa akong asawa kaya ganu'n na lang ang ikinilos niya kanina nang makita niya 'ko," sabi ni Johan kay Celeste.

"Maigi na 'yong nagkakaintindihan tayo," seryosong sabi ni Celeste kay Johan at Franzelle.

"Sige po, aalis na po ako. See you around na lang Johan," paalam ni Franzelle sa kanila.

Palihim niya pang kinindatan si Johan bago siya tuluyang umalis ngunit hindi naman nakaligtas sa paningin ni Celeste ang ginawang ka-pilyahan ng babae.

"Johan... " tawag ni Celeste sa pangalan ni Johan gamit ang malalim niyang boses.

"Bakit po, Ma?" nagaalalang binalingan ni Johan si Celeste nang mahimigan niya ang kakaibang sa boses nito.

"Umamin ka sa 'kin, sino ang babaeng 'yon?" tanong ni Celeste kay Johan sabay ngumiti lamang ito at napakamot sa ulo bago siya sumagot.

"She's my ex-girlfriend po," sagot ni Johan.

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Celeste nang mapansin niyang nakangiti pa si Johan imbis na kabahan.

"Bakit parang tuwang-tuwa ka pa? Johan, ikaw umayos ka—" hindi na naituloy ni Celeste ang sasabihin niya nang magsalita ulit si Johan.

"A woman like her is just a part of my past, kung iniisip niyong niloloko ko ang anak niyo nagkakamali kayo. I love your daughter very much," seryosong sabi ni Johan.

Nakahinga naman ng maluwag si Celeste sa narinig niyang sinabi ni Johan. Ang akala niya ay babae ni Johan si Franzelle.

"Kaya pala natatakot si Chestine mapaligiran ka ng mga babae. Ganito pala ang eksenang nakikita niya." Naiiling na sabi ni Celeste.

"Mama, baka isipin niyo babaero ako. Wala na akong balak na maghanap pa ng iba sapat na sa 'kin ang anak niyo," paninigurado ni Johan.

"Alam ko namang tunay ang pagmamahal mo kay Chestine lalo na ngayong may supling na kayo. Sana lang ay h'wag kang magbabago at ipagpatuloy mo lang kung anong magandang nasimulan niyo," seryosong paghahayag ni Celeste at akmang magsasalita pa sana si Johan nang biglang bumukas ang pinto ng delivery room.

"Mr. Selvestre," tawag ng doctor kay Johan.

Mabilis na tumayo si Johan at Celeste para salubungin ang doctor na kalalabas lang mula sa loob. Nakangiti rin silang sinalubong ng Dr.

"Doc, kamusta ang mag-ina ko? Safe ba ang naging delivery? Nasaan sila?" Sunod-sunod na tanong ni Johan.

"Safe po ang naging delivery ng mag-ina niyo kaya wala kayong dapat na ikabahala. Healthy ang inyong baby. Congratulations!" masayang anunsyo ng doctor sa kanila.

Mabilis lang ang naging delivery ni Chestine at hindi ito nahirapan kaya naman nakahinga na ng maluwag si Johan at Celeste at kapwa nagkayakapan dahil sa labis na tuwa at muli nilang binalingan ang doctor.

"Maraming salamat po doc," pasalamat ni Celeste at nginitian lamang siya ng doctor.

"Ililipat na si Mrs. Selvestre sa isang private room at doon niyo pa lang po siya p'wedeng puntahan," sabi ng doctor.

"Ang anak ko doc? Nasaan na? P'wede na po ba namin siyang makita?" magkakasunod na tanong ni Johan.

"Nasa babies section siya at oo p'wede niyo na po siyang makita," magiliw na sagot ng doctor.

Hindi na nagsayang pa ng oras sina Johan at agad na pinuntahan ang kanyang anak kung saan ito naroroon. Gustong maiyak ni Johan nang tuluyan na nilang makita si Jonas na masiglang kumakawag-kawag mula sa salaming nakaharang.

"Congratulations! Isa ka nang ganap na ama. Kaya mas lalo mo pang pagbutihin," galak na bati ni Celestine kay Johan sabay tapik sa balikat nito.

Masaya sila habang pinagmamasdan ang munting anghel na masiglang lumilikot sa maliit nitong kinahihigaan.

"Ipinapangako ko anak, ibibigay ko sa 'yo ang buong pagmamahal ko na nararapat sa 'yo at sa Mommy mo," madamdaming sabi ni Johan sa sarili habang nakatanaw sa munti niyang anghel.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status