Share

CHAPTER 3

ELIZABETH’S POV

We happily ate dinner that night. Daddy was so happy, sobra niyang alagaan at sobrang alalay siya kay Mommy. Pinagsabihan niya pa si Mommy na ang dami niyang ginawa sa araw na iyon at baka napagod siya at ng baby. My Dad is so damn corny rin pala! Pero kidding aside, nakakatuwa silang tignan. They are the epitome of true love. You can still see the love in their eyes. I'm so blessed that I have them and that they are my parents.

After a week, my parents decided to make a leave from their work to celebrate. They planned to go to Palawan. Pero sabi ko sila na lang para ma-enjoy nila muna ang isa'-isa, though lagi naman silang happy together. Siyempre, hindi na ulit sila makakagala kapag mayroon na si baby. So I decided na magpa-iwan na lang, may mga kaibigan naman ako and Elias. 

Nandito kami sa mall ngayon at kasama ko sina Jai at Tine. I called them a while ago para mag-overnight sa bahay and we decided to go on a shopping. Medyo madami na kaming nabili at maga-alas dos na ng hapon, hindi pa kami kumakain ng lunch. 

"Saan tayo kakain? Ang sakit na ng braso ko. Dami niyo kasing binili!" Reklamo ni Jai. Wow! Binatukan siya ni Tine. Napasimangot siya habang ako naman ay natatawa. Siya nga itong mahilig mag-shopping eh. Ang binili ko lang naman is mga gamit sa school for college. Excited na ako for college! 

"Hindi mo sure iyang sinasabi mo Jai, ikaw ang may pinakamadaming nabili ngayon, well, palagi naman," sabi ni Tine na ikinatango ko naman. 

“Ouchie naman! Ang sakit niyo naman magmahal, kaibigan ko ba talaga kayo? Oh, sige! Maglakad kayo pauwi!” sigaw niya sa amin. Nagkatinginan kami ni Tine at sabay na tumawa. Hay naku, Jaimaima! 

“Joke lang, hoy! Hindi ka naman mabiro, we love you!” Panunuyo ni Tine sa kanya. Pinapanood ko lang silang dalawa na mag-asaran.

We left our things sa kotse ni Jai muna para kumain. Yes, siya lang ang may kotse at marunong mag-drive sa amin. Ayaw ko pa kasing mag-aral sa pagmamaneho, I don't know, medyo natatakot lang ako. 

Elias and his family is in a vacation right now in Canada. Three days pa lang sila doon and we always video call, like every night. Long distance relationship feels. 

Napagkasunduan naming kumain sa Seafoods Resto. We ordered food already at hindi ko alam bakit dito pa kumain eh medyo matagal ang servings dito. Pero anyways, hindi pa naman kami gutom.

"Nga pala Tine, how's your scholarship?" I asked. Yes, Tine has a scholarship since then, kasi hindi nila afford iyong tuition. Tine's just an average kumpara sa amin ni Jai na medyo nakakaangat sa buhay pero never naging issue sa amin ang status or money. We're so proud of her actually kasi siya pinakamatalino sa aming tatlo. May libre kaming tutor. 

"Ayon, I applied sa school na papasukan natin and dahil maganda raw ang past grades ko, full scholarship ang ibinigay sa akin. Buti nalang, para hindi na hassle kay Mama at para makatulong na rin kasi sobra-sobra pa iyon, actually." Natuwa naman kami, we are always offering her a help or lend some money pero minsan lang siya tumatanggap kapag sobrang walang-wala na sila. Our parents are more than willing to help her family kasi Tine is our bestfriend and her family is very humble. 

"Duh girl! Wala na silang masasabi sa iyong negative ‘no! Sobrang talino mo kaya and masipag," sabi ko sa kanya sabay ngiti. Naiintindihan naman namin siya kasi iba na ang college sa high school. Mas madami na ang kailangan kaya buti na lang talaga full scholarship siya, she deserves it. Nagkwentuhan lang kami saglit at dumating na rin naman mga orders namin. 

After naming kumain, nanood muna kami ng isang movie na Romance. Sumisinghot-singhot pa nga kami ni Jai eh. Si Tine, hindi naiyak, well. Ano pa nga ba?

Ang sakit kasi sa puso iyong panood. Not all love stories have happy ending talaga ano? Some stories ended tragics or hanging open, like bitin. The story goes like this, the male lead cheated pero mapapatanong ka kung bakit niya nagawang mag-cheat kasi okay na okay naman sila. I don't also understand, if you don't wanna lose your girl, why cheat? The boy ended begging to her fiancée. But the female lead just can't accept the fact that he cheated that's why she left him. And after how many years, they meet again pero may pamilya na iyong babae because her parents forced her to marry the guy, it sucks that she ended marrying a man she doesn't even love! She regretted the time when she chose to leave instead of giving him a chance. 

We're crying like a baby! The story portrayed very well. The title of the movie was Wasted Time. 

Nandito na kami sa bahay namin, naghahanda kami kasi we will gonna swim. The weather is nice, that's why. Kanina pa nga namin pinagu-usapan iyong movie, hindi talaga kami makamove on. Yaya already prepared our food and drinks. Since, pwede naman na kaming uminom at dito lang naman kami, may liqour na kasama. Nagpaalam naman ako kila daddy. 

"Bat ang tagal mo Jai? Baba na tayo!" sabi ko sa kanya. Hindi daw po kasi siya makapili ng susuotin na bikini. Ang dami niyang binili kanina! Bagay naman lahat actually, Jai is petite at maputi pa. Mahaba buhok hanggang waist. Maraming nagkakagusto dito kasi athletic siya, she plays volleyball. Pero ewan, never siyang nag-entertain. Wala pa raw sa vocabulary niya ang mag-boyfriend pero kung maka-sana all sa amin, wagas! Napapailing na lang kami ni Tine. 

"Bahala kayo diyan! Bababa na ako, gusto ko nang mag-swimming. Huwag na kasi kayong babagal- bagal, lahat naman tayo sexy!" Tumayo si Tine at lumabas sa room ko habang tumatawa. I laughed, it's true! Walang chubby or mataba sa aming tatlo. On the second thought, nag-agree ako kay Tine. 

"Mauna na rin ako. Just wear the yellow one Jai!" sabi ko at lumabas na rin. 

Naabutan ko si Tine na lumalangoy nga. Kumuha ako ng smirn off, ang cheap pero this one is our favorite. I offered her a drink, umupo ako sa gilid ng pool. Lumapit naman siya at uminom. 

"Nga pala, nakita ko si Eric kanina may kasamang ibang babae, tsk. Buti na lang naunahan ko," sabi niya. Napailing at napatawa ako. Believe it or not itong nerd na ito ay mas malandi pa sa aming dalawa ni Jai. At hindi namin alam paano niya nama-manage ang pag-aaral sa panglalandi. Sorry for the word pero totoo naman daw. Well, ako, isa lang naman lalaki ko. Si Tine kasi papalit-palit. As in, play girl. Talk of the town ito. 

"Well, I am a better player!" See? She is indeed a player.

"You witch! Sino na naman ba lalaki mo ngayon?" Opo, hindi po siya nawawalan ng lalaki. She always has a man to replace right away.

"Si ano, I forgot his name! Basta taga kabilang school, ipapakilala ko siya sa inyo kapag nagkita kami." Ang talino pero nakakalimot ng names ng mga boys. Ibang klase talaga.

"Anong mayroon?" Rinig kong tanong ni Jai at tumabi sa akin. 

"Talking about boys na naman ba?" I mouthed 'Yap' at tinuro si Tine. 

"Walang bago." Iiling-iling siya sabay tawa. 

"What? I am just enjoying and playing." Buhay niya naman iyan basta masaya siya and as long as walang heartbreaks na nangyayare sa ginagawa niya. Matanda na siya. At saka kaya hindi siya naiyak sa panood kanina, after her Dad left them, naka-mindset na sa kanya na boys are boys, mahina sa tukso at iiwan ka rin kapag nakahanap ng mas better sa iyo. Hindi rin naman namin siya masisisi na ganoon na isip niya ngayon. She witnessed all the suffering of her Mom when their Dad left them.

Elias called a while ago, tapos nagpaalam naman ako na may gagawin kami ngayon and he understands naman. 

I'm wearing a black two piece. Marami ring nagkakagusto sa akin pero syempre back off na kasi may Elias na ako. 

Sabi sa amin i-enjoy na raw namin habang hindi pa kami college. Kasi hindi na namin ito magagawa sa college. Like, ganoon ba kahirap sa college? Nakaka-pressure tuloy. Lalo at engineering ang kukunin ko. Hindi naman ako matalino, siguro masipag lang. I was thinking kung Engineering or Architecture kukunin ko kasi mahilig ako mag-drawing pero I don't know; I just can't see myself being an architect. Mas nafo-foresee ko na magiging Engineer ako someday. 

Mage-enroll na kami by next week kasi kaka-release lang ng result ng entrance exam at we passed naman. 

"What are you thinking Shaine Elizabeth? Look at Jai, she's already drunk! Nakakailang bote pa lang tayo." And yeah, itinigil na namin ang paglangoy at mas piniling mag inuman na lang. Tipsy na nga rin ako. 

"Woy! Hindi pa ako lasing! Excuse me!" I laughed. Jai's really funny! She took her phone nang nakita niya itong umilaw. 

"Hello?" she answered it. Oo nga hindi pa siya lasing, note the sarcasm!

"Yes, Mommy? Drunk? No, Mommy! We're just having fun po." Lagot! Baka ma-grounded ka dyan Jai! Just kidding, hindi naman sila ganoon kay Jai kapag kami kasama pero kapag iba, ibang usapan na rin. Binaba niya na niya ang hawak na cellphone kahit may nagsasalita pa yata sa kabilang linya at puro tango lang sinasagot niya akala mo naman nakikita. That’s so cute! 

These girls just made my whole life even happier. We accepted each other’s flaws and imperfections and we clicked! And they are forever my treasure. They are for keeps. Deserved to be kept like a treasure. Fine, I think lasing na rin ako. Ang corny na eh! I laughed at my thoughts.

I can’t stop being thankful. I have a happy family, a best friends and a loving boyfriend. I almost have a perfect life. 

Almost. 

But not until life intersects and destroyed everything I have. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status