MARY LYNELLE'S POVPagkatapos ng mainit na umaga pakiramdam ko umakyat ako ng bundok ng Sierra Madre sa sobrang ngalay at pagod ng katawan. Nahihilo pa ako pinagsawalang bahala ko na lamang ito. Hindi naman nakakapagtaka magmula kagabi at ngayon pag gising ay humirit ng almusal si Henry na akala mo mabubusog siya sa ginawa namin. ‘Na gusto mo naman gurl,’ anang isip ko.Nagtataka ako sa sarili nitong mga nakaraang araw gusto ko na lagi kami nag iisa ni Henry. Madalas na inaakit ko ito. Napatapik ako sa noo pag sumasagi sa isipan ang mga pinaggagawa ko. Hindi ko maiwasan ang mahiya. Masyado ako mainit ngayon."Morning kids." Lapit ko sa kanila pagkatapos mag ayos. Nakaupo na sila sa harap ng lamesa at busy ang kanilang Ama sa niluluto nito.Hin*likan ko muna sila, bago lumapit sa lagayan ng kape at nag timpla. Tinanong ko si Henry kung gusto niya katatapos lang ang sagot nito.Dala ang kape ay umupo ako katapat ng mga bata. May nakahain ng pancakes sa kanilang plato at may nakalagay
WARNING: Mature Content read at your own riskMARY LYNELLE'S POVNakatulog kaagad ang mga bata pagkarating ng bahay. Pinagbihis ko lang ang mga ito at kaagad nagsi hilata sa kanya kanyang kama. Hum*lik ako sa kanila pagkatapos lagyan ng kanya kanyang kumot ay iniwan na ang mga ito sa kanilang kwarto.Pagkapasok sa kwarto ay nakita ko si Henry na seryoso na nakatingin sa kanyang cellphone na magkasalubong ang dalawang kilay. Napaubo ako kunwari para kunin ang kanyang seryosong mukha.Tumingin ito sa gawi ko at ngumiti. "Tulog na?" maiksi niyang tanong. Tumango ako sa kanya."Uhm magshower lang ako," paalam ko sa kanya. Ngumiti ito ng nakakaloko,"Sabay na tayo, naiinitan ako," wika nito.Hindi ako sumagot sa kanyang sinabi at naglakad na patungo sa Cr akmang papasok na ako ng magulat sa bigla nitong pagbuhat sa'kin, hindi ko ito napaghandaan kaya hindi ko maiwasan ang mapatili.Hinampas ko ito sa kanyang balikat. Kunwari ko itong Inirapan. "Pwede naman maligo magisa need talaga sabay?"
MARY LYNELLE'S POVIsang linggo na kami dito sa Maynila. Ang bilis ng araw feeling ko kahapon lang kami nakabalik dito. Ngayon ang kasal ng kaibigan ni Henry. Simple lang ang kasal nito at biglaan. Nakakapagtaka na sa yaman nilang pareho ay pinili ng mga ito ang hindi bongga na kasal.Masyado ang mga ito nagmamadali. Sabagay wala naman sa tagal at bilis ng isang relasyon basta mahal nila ang isa't isa 'yon ang mahalaga.Nagmadali ako sa pagbibihis ng maisip na kanina pa nag aantay sa baba ang mag aama ko. Light make-up ang naisip ko ilagay bagay naman siguro ito sa damit ko na kulay Peach. Isang pasadahan sa salamin na nasa harapan ko at nang ma husto sa nakita sa ayos ko ay kinuha ko na ang purse na terno sa damit na nakapatong sa kama.Nilingon nila ako sa pagbaba ko sa hagdan. Nakaupo silang tatlo sa sofa na magkakatabi at nakaharap sa telebisyon na abala sa pinanood na cartoons na palabas. "Let's go," Nakangiti kong sabi sa kanila na nakatayo sa hindi kalayuan sa sofa.Naglakbay
MARY LYNELLELumapit kami ni Henry sa mga kaibigan niya pagkatapos ng kasal. Pagkatapos ng picture taking kasama ng kinasal ay nagpaalam silang magbabarkada. Nilapitan ko ang kinauupuan ng magulang niya at andoon ang mga bata."Mama, sabay na po tayo papunta doon." Wika ko sa Mama niya. "Hindi na Hija, darating na ang driver, doon na kami sasakay.. Akala ko nga dito ang reception yun pala ay sa Ancestral Home ng mga Martinez at tradisyon ng pamilya lahat ng ikakasal ay dito ang tuloy.” Parte ito ng Tagaytay. Ang dalawang bata ay isinama na ng mga ito. "Pagod na?" tanong niya sakin pag kasakay ng kotse."Ayos lang." Matipid kong sagot sa kanya. Tulog lang ang ginawa ko sa biyahe.Nasa reception na kami ngayon at kasama namin sa isang mahabang mesa ang kanyang tropa. Hindi halata na biglaan ang kasal ng dalawa. Makikita magmula sa seremonyas ng kasal hanggang dito sa reception ay maganda ang pagkakaayos at halata na ito ay pinag kagastusan.Makikita mo din sa mukha ng lalaki na masay
MARY LYNELLE'S POVPatapos na ang celebration ng kasal tsaka naman may dumating na bisita na ayaw ko na sana na makita. Napalabi ako ng sakto sa pag lingon ay nahagip ito ng aking tingin na papasok ito sa venue."Hello cuz, late naba ako sa celebration?" Wika nito na feeling close sa lahat.Humalik ito sa bride. Pinsan nga pala ito ni Marycole kaya asahan mo na pupunta talaga ito. Lumapit ito sa kinaroroonan naming mesa. Nakipag kilala ito sa mga lalaki maliban kay Wyatt na kilala niya ito at minsan nagpupunta din ito sa bahay ng pinsan niyang si Marycole noong mga bata pa ito.Lumapit ito sa akin na akala mo friend ko ito. "Hi, it's been a long time since I last saw you. Kumusta na! Sana yung nangyari noon ay kalimutan na natin." Wika nito na matamis ang ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi.Dahil ayaw ko na din naman ng away nakipag usap ako dito ng maayos. "Guys, if you don't mind, can I sit there?" Wika nito at nakatingin sa bakanteng upuan. Ito sana ang nakalaan sa dalawa ko
JUDE HENRYNang masiguro na tulog na si Lynelle ay marahan ako na bumangon at ingat na ingat sa pag alis ng braso nito na nakayakap sa sa 'kin. Napangiti ako ng pagmasdan ko ito sa mukha kahit na ito ay tulog gandang ganda pa rin ako dito. Humilig ako at marahan ko itong hin*likan sa noo at maingat na bumaba sa kama.Binuksan kung muli ang aking laptop at tinuloy ang ginagawa kanina. May dumating sa akin na text ng e-check ko ang cp ko. Galing ito sa kaibigan ko na isang private detective. Nabanggit niya kung may natanggap na ako at mayroon siyang email. Siya ang labis na pinagkakatiwalaan ko sa mga ganitong gawain.Masyado itong mailap at malinis ang gingawa nitong pag se-send nang mensahe kay Lynelle. Bigla ko naalala nang managinip ito, hindi ako naniniwala na wala lamang sa kanya. Lalo at nakita ko ito bago matulog na hawak nito ang cellphone. Lihim ko ito kinuha sa kanya at binasa ang mga massage sa kanya. Nagalit ang aking mga bagang ng mabasa ko ang dalawang mensahe na iyon. H
MARY LYNELLEKasama ko si Henry na magsundo sa magulang ko. Labis ang tuwa sa puso ko at na miss ko na ang mga ito. Saglit lamang ang inantay namin at dumating na ang mga ito. "Nay!" kaway ko at tinawag sila. Matamis na nakangiti ang mga ito pagkakita sa 'min. Mabilis ang lakad nila sa aming kinaroroonan."Na-miss kita anak!" wika nito at niyakap ako. Humawak ito sa 'kin impis na tiyan. "Kumusta naman kayo d'yan, mga apo?" Wika nito. Nakangiti ito na tumingin kay Henry at nangumusta din. Ganoon din ang mga kapatid at Tatay ko.Walang tigil ang kwentuhan ng nasa loob na kami sa sasakyan. Hindi naman nakapagtataka at si Nanay ay may pagka madaldal ito minsan. Dahil oras na ng tanghalian napagpasyahan na kumain kami sa malapit na restaurant bago umuwi. Sa dami ng order na pagkain nabusog kaming lahat kaya naman sandali kami na nagpahinga."Love, restroom lang ako." Paalam ko kay Henry. Bumaling naman ang tingin nito sa 'kin na masayang nakikipag kwentuhan sa Tatay at kapatid ko."Samah
WARNING: RATED SPG, READ AT YOUR OWN RISKJUDE HENRYNakakatuwa niyang pagmasdan sa pagitan nang aming asaran. Lalo na pag umiirap ito sa 'kin kahit siguro ano ang expression ng mukha niya ay gandang ganda ako dito. "Love" Wika ko sa kanya na umirap lang sakin ito. "At bakit!?" Mataray nitong sagot. Napakamot ako sa kilay ko."Akyat na tayo, mag love time tayo ngayon." Biro ko dito.Namilog ang mata nito ng ma-realize kung ano ang tinutukoy ko. Napanguso ito. "Maaga pa Henry" Wika nito. Alam ko na inaasar lamang ako nito."Ayaw mo?" Wika ko sa kanya. "Namiss ko na, diet ako kagabi." Natatawa kong sabi sa kanya at basta na lang ito kinarga.Dahil sa gulat napa halakhak ito. Pinalo ako nito sa balikat. "Henry, ibaba mo ako nakakahiya pag makita nila tayo." Wika nito na hindi makatingin sa'kin. Alam ko nahihiya ito sa mga tao na makakakita sa 'min na buhat ko siya. Mahina ako na tumawa."Hmm..wag nang umangal at malikot hindi naman 'yon nakakahiya. Baka ma-ingit pa sila kasi ang sweet n