Mavi Pov
Matapos ang huling pag-uusap namin ni Alpha Abner ay hindi na siya muling nagparamdam pa sa akin kaya naman nabawasan ang pag-aalala ko sa aking dibdib. Siguro ay napagtanto niya na kahit anong gawin niya ay hindi ko siya magagawang mahalin kaya huminto na siya sa panunuyo sa akin.Matapos naman ang unang pagkikita nina Alpha Magnus at Moses ay hindi na sila muling nagkita pang muli. Ngunit muntik na silang magkita ulit sa mall kung hindi ko lamang maagap na nahila palayo ang anak ko mula sa kinaroroonan ni Alpha Magnus.Hindi ko alam kung ano ang dahilan at hanggang ngayon ay nandito pa siya sa probinsiya ngunit lihim kong hinihiling na sana ay bumalik na siya sa siyudad para hindi na ako mag-alala pa na baka muling magtagpo ang landas nila ni Moses."Hey! Ang layo yata ng iniisip mo, my friend? Kanina pa ako nagsasalita rito ay tila hindi mo ako naririnig. May problema ka ba?" tanong sa akin ni Lotlot matapos ipitik sa harapan ng mukha ko ang kanyang dalawang daliri.Nasa loob kami ngayon ng isang coffee shop dahil tinawagan ako ni Lotlot at inimbitahang magkape. Nasa probinsiya siya ngayon dahil um-attend siya ng seminar ngunit pabalik na rin siya sa siyudad kaya naman tinawagan niya ako para makipagkita bago siya umuwi.Paminsan-minsan ay bumibisita sa bahay namin si Lotlot kaya kilala siya ni Moses. At kapag bumibisita siya ay palagi niya akong tinatanong kung gusto ko na bang ibalik sa dati ang mukha ko. Masaya na ako sa mukha ko ngayon kaya wala na akong balak na ibalik pa ang dating mukha ni Mavi."Moses and I met Alpha Magnus," biglang sabi ko kay Lotlot na agad nanlaki ang mga mata nang marinig ang sinabi ko."What? Bakit kayo nagkita?Inamin mo ba sa kanya na ikaw ang babaeng naka-one-night stand niya noon? Sinabi mo ba sa kanya na anak niya si Moses?" hindi magkandatutong tanong ni Lotlot sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang matawa sa reaksiyon niya."Breath, my friend," natatawang sagot ko sa kanya. "Una, hindi sinasadya ang pagkikita namin, okay? Pangalawa at pangatlong tanong ang sagot ko ay parehong hindi. Bakit ko naman sasabihin sa kanya na ako ang babaeng naka-one-night stand niya? At lalong hindi ko sasabihin sa kanya na anak niya si Moses. Paano na lamang kapag kinuha niya ang anak ko? Ano ang gagawin ko ngayon?"Sa batas namin ay dapat na mapunta kay Alpha Magnus ang custudy ng bata dahil isa siyang alpha. At kapag kinuha niya si Moses ay hindi ko siya magagawang tanggihan dahil lalabag ako sa batas at maaari akong parusahan. Posibleng hindi ko na makita pang muli ang anak ko. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayokong malaman ni Alpha Magnus ang tungkol sa amin ni Moses."Mabuti naman kung ganoon," nakahinga ng maluwag na wika ni Lotlot. "By the way, kumusta naman ang manliligaw mong mayabang na alpha?" ani Lotlot na ang tinutukoy ay si Alpha Abner."Three weeks na niya akong hindi ginagambala ngayon at sana ay magtuloy-tuloy na. Ngunit nang huling mag-usap kami ay binantaan niya ako na papatayin niya ang sinumang lalaki na magugustuhan ko o di kaya ay magkakaroon ng interes sa akin. Nababaliw na talaga siya," naiiling na pagkukuwento ko sa kaibigan ko."Sa kanya ka dapat mas mag-ingat, Mavi. Sa tingin ko ay hindi ka lang mahal ng lalaking iyon kundi obsessed siya sa'yo. At sana nga ay hindi ka na niya guluhin pa. Pero hula ko ay hindi ka niya tatantanan. Baka busy lamang siya ngayon kaya hindi na siya nakakapunta sa bahay mo."Humugot ako ng malalim na buntong-hininga matapos kong marinig ang mga sinabi ni Lotlot. Sa tingin ko ay tama ang mga sinabi niya. Kaya dapat na iwasan ko ang taong iyon kapag muli siyang magpunta sa bahay ko."Huwag na nga nating pag-usapan ang mga taong iyon na nakakasira lamang ng mood ko. Ang mabuti pa ay masayang topic na lang ang pag-usapan natin," pag-iiba ko ng usapan. Agad na sumang-ayon si Lotlot sa akin. Ang mga sumunod naming topic ay masaya na kaya hindi namin namalayan ang paglipas ng oras."It's time for me to go, my friend. Kapag may time ka ay bumisita naman kayo ni Moses sa bahay ko," ani Lotlot nang sabay kaming tumayo para lumabas na ng coffeeshop."Don't worry, Lotlot. Last day na ng pasok ni Moses ngayon kaya puwede na kaming magbakasyon. So expect us in the next few days," masayang sagot ko sa kanya"Sinabi mo iyan, ha. Aasahan ko iyan," nakangiting sagot naman ni Lotlot. Pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ng coffeeshop. "Bye!" nakangiting paalam sa akin ng kaibigan ko nang makasakay na ito sa kotse nito. Kumaway naman ako sa kanya bilang pamamaalam.Nang makaalis na si Lotlot ay saka pa lamang ako sumakay sa kotse para umuwi na sa bahay. Baka nasa bahay na ngayon sina Moses at Jenny. Si Jenny ay ang kapitbahay naming dalaga na siyang pinapakiusapan kong sumundo sa anak ko kapag busy ako o may biglaan akong lakad na gaya ngayon.Malayo pa lamang ako ay natatanaw ko na si Jenny aa labas ng bahay ko at tila maghihintay sa akin. At nang makalapit na sa bahay ang kotse ko ay saka ko pa lamang nakita na umiiyak pala si Jenny. Hindi pa ako nakakababa sa kotse ko ay patakbong lumapit na sa akin si Jenny."Si Moses po. Sapilitan siyang kinuha ni Alpha Abner pagbaba namin sa taxi," umiiyak na pagsusumbong ni Jenny sa akin.Pakiramdam ko ay biglang sinuntok ang aking dibdib nang marinig ko ang masamang balita ni Jenny. Ito na nga ba ang ikinatatakot ko. Ang idamay ni Alpha Abner ang anak ko dahil sa galit niya sa akin at para mapilitan akong pakasalan siya."Wala bang iniwang mensahe para sa akin ang hayop na iyon, Jenny?" tanong ko sa kanya. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili dahil hindi ako makakapag-isip kung paiiralin ko ang pagkataranta."Ang sabi niya ay puntahan mo raw siya sa siyudad kung gusto mo raw makita pang buhay si Moses. At kapag nagpunta ka raw sa bahay niya ay magsuot ka na lang ng daw ng wedding dress dahil iyon na rin daw ang araw ng inyong kasal," umiiyak pa rin na wika ni Jenny, pagkatapos ay iniabot sa akin ang isang nakatuping papel na may nakasulat na address ng bahay ni Alpha Abner sa siyudad.Tila wala sa sariling naglakad ako papasok sa bahay at naupo sa couch. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kapag hindi ako pumayag na magpakasal kay Alpha Abner ay walang duda na sasaktan niya ang anak ko. Ngunit kapag pumayag naman akong magpakasal sa kanya ay para na ring ikinulong ko ang aking sarili sa isang matibay na kulungan.Sa nalilitong isipan ay biglang pumasok sa aking isip si Alpha Magnus. At matapos kung pag-isipan ang aking binabalak gawin ay isang desisyon ang nabuo sa aking isip.Mavi PovParang may mga paa ng kabayo na naghahabulan sa loob ng aking dibdib habang nakaupo ako sa waiting area sa labas ng opisina ni Alpha Magnus. Sa kompanya niya ako dumiretso para sigurado na makakausap ko siya.Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Alpha Magnus kapag sinabi ko sa kanya ang totoo. Magagalit ba siya sa akin dahil itinago ko ang kanyang anak? O kung paniniwalaan ba niya kapag sinabi kong ako ang babaeng naka-one-night stand niya sa bar six years ago at nagbunga ang isang beses na may nangyari sa amin.Hindi ako mapakali habang hinihintay ang paglabas niya. Tiyak na alam na niyang may taong gusto siyang makausap dahil pumasok na ang secretary niya para ipagbigay-alam ang tungkol sa akin.Habang wala hindi pa lumalabas si Alpha Magnus sa loob ng opisina niya ay tinitimbang kong mabuti kung ito ba talaga ang dapat kong gawin? At kung kakayanin ko ba na mawalay sa aking anak. Ngunit isipin ko pa lamang na hindi ko makakatabi sa pagtulog ang anak ko ay nagsi
Mavi PovPakiramdam ko ay may kamay na humahaplos sa mukha ko ngunit hindi ko magawang imulat ang aking mga mata para alamin king sino ang lapastangang gumagawa niyon. Masyadong mabigat ang mga mata ko at hinihila ng kadiliman ang aking kamalayan. Hindi ko ito kayang paglabanan kaya hinayaan ko na lamang na tangayin niyon ang aking kamalayan."Mom!"Naalimputangan ako nang marinig ko ang malakas na boses na iyon ng anak ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko si Moses sa bukana ng pintuan at patakbong lumapit sa akin habang nakangiti."Moses!" hindi makapaniwalang sambit ko. Mahigpit kong niyakap ang anak ko at hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. "I'm sorry, Moses. I'm sorry dahil hindi kita iningatan."Kumalas sa pagkakayakap ko si Moses at umangat ang kanyang kamay para pahirin ang mga butil ng luha na naglalandas sa pisngi ko."You don't have to say sorry, Mom. Alam ko na hindi mo ginusto na makidnap ako ni Alpha Abner. At saka nakabuti nga ang ginawa niya dahi
Mavi Pov"Wow! Ang laki ng bahay ng Dad ko," masayang bulalas ni Moses pagkapasok namin sa loob ng malaking bahay ni Alpha Magnus. Ang anak ko lamang ang namangha sa laki ng bahay ng kanyang ama dahil hindi naman ako ngayon lang nakapasok sa loob ng isang malaking bahay na gaya nito. Lumaki ako at nagdalaga sa loob ng malaking bahay namin. At kung hindi ako itinakwil ng aking ama ay tiyak na nakatira pa rin ako sa malaking bahay. Pero kung hindi naman niya ako itinakwil ay hindi ko matutuklasan na niloloko pala ako nina Santa at Edward. At kung hindi ko natuklasan ang panloloko nila ay hindi ako maglalasing sa bar at hindi ko makikilala si Alpha Magnus, wala rin akong cute at mabait na anak ngayon. Kung noong una ay sobrang sama ng aking loob dahil sa ginawa sa akin ng ama ko at ng lalaking una kong minahal, ngayon naman ay iniisip kong blessing ang ginawa nila. Dahil masaya ako na nagkaroon ako ng anak na katulad ni Moses. At hindi ko na pinagsisisihan na naibigay ko kay Alpha Magn
Mavi PovNanggigigil ang pakiramdam ko habang kinukuskos ang bahagi ng dingding na iniutos ni Alpha Magnus na gawin ko. Sinabi ni Dayay na siya na lamang ang gagawa ng ipinagagawa ni Alpha Magnus ngunit tumanggi ako. Ako raw ang inuutusan nito kaya dapat ako ang gumawa at hindi ibang tao.Parang sasabog na sa inis ang aking dibdib. Ang sabi niya ay magiging nanny ako ni Moses ngunit ano itong ipinapagawa niya sa akin? Nitong mga nakalipas na araw ay kung anu-anong trabaho ang iniuutos niya sa akin. Oo nga't sinabi ko na tutulong ako sa mga gawaing bahay ngunit hindi ganitong trabaho. Puwede naman akong magluto o di kaya magpunas ng mga alikabok.Alam ko na sinasadya niya akong pahirapan para kusa akong umalis sa bahay niya at masolo niya ang anak namin. Ngunit kung iniisip niyang susuko ako at lalayas sa bahay niya ay nagkakamali siya. Wala siyang idea kung gaano ko kamahal ang anak ko at kung hanggang saan ang kaya kong isakripisyo para sa kanya. Kaya kahit araw-araw niya akong pag
Alpha Magnus Pov"What? Nasa bahay mo ngayon at doon nakatira ang babaeng naka-one-night stand mo sa bar noon? At nagkaroon pa pala kayo nga anak," hindi makapaniwalang bulalas ng matalik kong kaibigan na si Alex matapos kong ikuwento sa kanya ang tungkol kina Mavi at Moses. Kadarating pa lamang niya kanina mula sa pagbabakasyon sa ibang bansa kaya ngayon ko lang naikuwento sa kanya ang mga nangyari sa akin nitong mga nakalipas na Linggo."Yes, Alex. They are living with me now. And my son wants me to marry his mother," sabi ko sa kanya bago ko nilagok ang alak na nasa baso ko."Anong hitsura ng babaeng naka-one-night stand mo, Magnus? Maganda ba siya? Seksi ba? Normal na tao ba siya o katulad natin siyang mga taong lobo?" hindi na pagkagulat ang nakalarawan sa mukha ni Alex kundi excitement. Umandar na naman ang pagiging mahilig nito sa magandang babae.Nagbibilang ng magagandang babae ang best friend ko. Ito ang kanyang hobby na hindi niya magawang kontrolin. Hindi ko nga alam kung
Mavi Pov"And they lived happily ever after," pagtatapos ko sa fairytale na ikinukuwento ko kay Moses. Nag-request kasi siya na basahan ko ulit siya ng kuwento kahit isang beses sa isang Linggo habang hindi pa siya nasasanay.Magmula nang tumira kami ni Moses sa bahay ni Alpha Magnus ay unti-unti kong sinasanay ang anak ko na matulog nang hindi binabasahan ng kuwento bago siya matulog. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ako mananatili sa bahay na ito. Kapag ikinasal na sina Sonia at Alpha Magnus ay natitiyak ko na gagawa ng paraan ang babae para mapaalis ako sa bahay na ito. At natitiyak ko rin na hindi magagawa ni Alpha Magnus na basahan ng kuwento bago matulog ang anak ko dahil busy siya sa kanyang kompanya.Kinausap ko rin si Moses na huwag niyang ipagpilitan na pakasalan ako ng kanyang ama dahil may sarili itong buhay. Wala kaming relasyon ng kanyang ama at kaya lamang ako nakatira sa bahay nito ay para alagaan siya. At balang-araw ay aalis din ako. Ngunit hindi naman ako lal
Mavi PovKahit madaling araw na akong nakatulog dahil sa kakaisip sa ginawang paghalik sa akin ni Alpha Magnus ay maaga pa rin akong nagising. Kailangan kong asikasuhin ang pagkain ng anak ko dahil baka pagbintangan pa ako ni Alpha Magnus na hindi ko ginagawa ang trabaho ko.Pagbangon ko sa kama ay deretso agad ako sa banyo at mabilisang naligo. Habang sinusuklay ko ang aking buhok ay hindi sinasadyang dumako ang tingin ko sa aking mga labi. Wala sa loob na hinaplos ng aking hinlalaki ang mga labi. Hanggang ngayon ay parang nararamdaman ko pa rin ang mainit at malambot na mga labi ni Alpha Magnus. Magaling at masarap siyang humalik. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang maalala ko kung gaano siya ka-expert humalik. Akalain mo ba na ang isang katulad niya na seryoso, masungit at parang walang interes sa mga babae ay expert pa lang humalik. Paano mo naman nasabi na wala siyang interes sa mga babae? Hindi ba'y kayo may nangyari sa inyo noon ay dahil nilapitan ka niya at nakipag-flirt sa
Mavi Pov"What have you done, Mavi?" galit na tanong sa akin ni Alpha Magnus, agad niyang binuhat si Sonia at dinala sa sala.Napabuga na lamang ako ng malakas na hangin bago sumunod sa kanila sa sala."Wala akong kasalanan sa nangyari sa kanya, Alpha Magnus," depensa ko sa aking sarili nang makalapit ako sa kanila."Kunin mo ang first aid kit!" malakas na sigaw niya sa akin, hindi pinansin ang sinabi na para bang wala siyang narinig. "Sinadya niya ang nangyari sa kanya—""I said get the medicine kit!" muling bulyaw ni Alpha Magnus sa akin nang hindi ko sinunod ang ipinag-uutos niya.Nang tingnan ko si Sonia ay nakita kong nakangiti siya sa akin na may halong pang-iinis. Tuwang-tuwa ang mukha niya na kabaliktaran naman ng nararamdaman ko. Ang bigat-bigat ng dibdib ko dahil sa iniipon kong inis kay Sonia at sama ng loob naman kay Alpha Magnus. "Kung gusto mong gamutin siya ay ikaw ang kumuha ng medecine kit!" ganting bulyaw ko kay Alpha Magnus, tumakbo ako paakyat sa hagdan sa halip