Share

Chapter Thirteen

AGAD niyang inilapag ang kinakain, kahit ang totoo ay sarap na sarap pa siya sa pagkain niyon.

Nag-alis siya ng bara matapos na makainom ng ice tea.

"Nasaan siya?"seryusong tanong ni Rudny.

"Si Ate Beatrice? nasa taas sa first room pinapatayo niya iyong dress niya na nabasa ko. Nakakahiya nga kasi—"Hindi na pinatapos ni Rudny sa pagsasalita ang kapatid dahil tumuwid na siya ng tayo at nag-excuse sa mga kasama.

Panay pa ang pagtawag sa kanya ni Rodjun ngunit hindi na niya pinapakinggan ito dire-diretso siya. Agad niyang natumbok ang silid na sinabi ng nakakabatang kapatid na pinasukan ni Beatrice. Mabilis niyang ipinihit ang seradura niyon at ibinukas.

"Bea! Where are you?"Ngunit walang sagot mula rito. Lalo tuloy nairita si Rudny. Agad niyang hinalughog ang buong silid, pero halos napuntahan na niya ang bawat sulok niyon ay hindi niya pa nakikita ni kahit anino ng babae.

Kaya upang tuluyan siyang lumabas sa silid na iyon, baba na sana siya upang itanong sa kapatid kung nasaan si Beatr
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status