Share

Chapter Thirty Eight

MAKALIPAS pa ang isang linggo ay mas lalong hindi na napapadalaw si Rudny sa condominium kung saan tumutuloy si Beatrice.

Kahit sobrang namimiss ni Beatrice at labis na ang pagtatampo niya sa binata ay pinili na lang niya ituon ang isip sa trabaho at mga bagay-bagay.

Lagi siyang hatid-sundo ni Seth at napapadalas ang pagtambay ng dalaga sa mansyon ng mga Amoroso. Isang beses ay nagpunta ang mag-ama sa place niya.

"Naku! bakit hindi kayo nagsabi na pupuntahan niyo ako rito," ani ni Beatrice na inaayos ang nakalugay na buhok.

"Namiss po kasi kita Mommy, saka wala naman po ginagawa si Dad kaya sinabi ko pong puntahan na lang kita rito," tugon ni Xeena na ngiting-ngiti.

"Come in, maupo muna kayo. Ilalabas ko lang sa oven iyong chiffon cake na isinalang ko. Maya bibigyan ko rin sina kuya Luther at Sigmund," sabi ni Beatrice sa dalawang tauhan ni Rudny na nagbabantay sa harapan ng pinto.

Pumasok naman ang mag-ama at agad na naupo sa may sofa. Ini-on ng dalaga ang television at inilagay sa i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status