Share

CHAPTER 56

CHAPTER 56

"MASAKIT!" Isang malakas na reklamo ni Kitty nang pabagsakin siya sa damuhan ni Liam.

Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang magkabilang paa kaya naman hindi makapalag ang dalaga sa ginagawa nito.

"Nasasaktan na ako! Bitiwan mo ako!" Asik ng dalaga kaya naman pinakawalan siya nito.

"Paano ka titibay kung iyang mga buto mo ay lalampa-lampa? Simpleng self-defence hindi mo magawa? Kailangan mong matutunan 'yan."

Bumangon si Kitty at naghiganti kay Liam, sinipa ng dalaga ang kanyang binti kaya mabilis napaluhod si Liam. Nakakuha naman ng tsempo si Kitty at hinablot ang baril pagkatapos ay tinutok sa kanyang ulo.

"Sige! Sabihan mo akong mahina, pasasabugin ko ang bungo mo!" Matapang na sinigaw ni Kitty kaya pumalakpak si Liam.

"That's the attitude I want to see and to hear. Panghawakan mo iyang galit mo para maging bala sa pakikipaglaban."

"Tunay akong nagagalit Liam dahil nakabanlandra sa telebisyon ang pagmumukha ko. Samantalang napag-utusan lang ako! Kaya papatayin ko tala
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status