Share

CHAPTER 76

CHAPTER 76

SIX YEARS LATER.

BUGBOG at puno ng sugat ang katawan ni Victor sa araw-araw na pananatili niya sa loob ng kulungan. Isang beses na paglilitis, kulong ang inabot ng binata. Malakas ang laban sa kanya. Mula sa mga ebidensya at pambabaligtad ni Cheng sa kanya. Nagtatago ito na parang ipis at hindi rin nagpapakita kasama ng ama. Naisahan siya ni Leo kaya naman heto at akala niyang malaya na siyang mamuhay.

Mas lalong humigpit ang tali sa kanyang leeg at hindi magawa ang gusto. Para naman kay Victor, bangungot ang sinapit niyang buhay.

Pinagsisihan niya na magpaloko sa mabulaklak na pangako ng ama noong bata pa siya, at ngayon na puro pagdurusa sa kanilang kasalanan ang kanyang pinagbabayaran.

Nagkatagpo-tagpo sa loob ng kulungan at doon nakita ni Victor ang impyerno. Impyerno sa puntong nandoon halos sa city jail ang mga taong kanyang pinahirapan at ibang pamilya na kanyang sinaktan pati na rin ang mga ikinulong ng inosente.

Nakahiga sa bartolina si Victor at walang pakialam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Janeri Balulao
sad nman nito
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status