Share

31 - Husband & Wife

“Wow!” usal ko nang makita ang malaking improvement sa kwarto ni Sage. Hindi ko mapigilang mapamangha. Noong huling punta ko kasi rito ay wala pang kagamit-gamit dito sa loob at wala ring maayos na pintura pero ngayon ay para na talaga itong bahay.

Ang ganda! Mas maganda at maayos pa ito kesa sa kwarto ko na puro lang plywood ang haligi.

“Ipinaalam ko na rin kay Mang Motmot na dito ka na titira at pumayag naman s’ya. Hindi ba’t sa makalawa na ang balik ng pamilya mo? Gusto ko sanang kunin ka na sa puder nila kung papayag ka,” pahayag ni Sage kaya hindi ko mapigilang mapaluha.

Dahil sa mga nalaman ko kay Tiyo Manolo ay wala na rin akong plano na manatili pa sa puder nina mama Delilah. Mas mabuti nang umalis ako kesa naman mas lalo pang gumulo ang pamilya nila dahil sa akin.

Alam kong maiintindihan ni mama Delilah ang pag-alis ko pero kahit naman wala na ako sa puder n’ya ay tutulong pa rin ako sa mga gastusin n’ya sa gamot. Nasa iisang baryo lang naman kami kaya palagi pa rin kaming ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status