Share

Kabanata 154

“Sa wakas, kasama ko na ulit matulog si Mommy.”

Habang nakaupo sa kama, yakap ni Neil ang braso ng Mommy niya. “Simula po nung bumalik tayo, hindi ko na po kayo masyadong nakasama. Araw araw niyo pong kasama si Nellie, at mahirap rin po kahit man lang mahawakan ko kayo, Mommy.”

Naging guilty si Luna sa mga sinabi ni Neil. Kung sabagay, si Nellie ang kayamanan niya, pero pati na rin sina Neil at Nigel.

Lagi siyang nag aalala sa sakit ni Nigel at sa kaligtasan ni Nellie, pero hindi niya binigyan ng pansin ang matalinong si Neil.

Habang iniisip ito, ginulo niya ang buhok ni Neil. “Pagkatapos gumaling ng kapatid mo, araw araw ko na kayong kasamang tatlo.”

Ngumuso si Neil. “Mommy, apat dapat.”

Huminto si Luna, ngumiti lang siya. “Tama, apat.”

Dapat niyang ipanganak ulit ang anak ni Joshua para maligtas si Nigel.

“Baka nga po gusto mo kaming makasama araw araw, Mommy, pero baka hindi po namin gusto na yun ang gawin mo.” ngumiti si Neil at niyakap ang braso ni Luna. “Pagkatapos po gum
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status