Pumikit si Luna, bumalik ang mga alaala niya ni Anne. Ang mga gabi na sumama sa kanya si Anne, ang oras na pinanood nila ng sabay ang buwan…Pagkatapos ng pagkamatay ni Anne, maraming araw na dumating sa isip ni Luna ang nakangiting mukha ni Anne.Alam niya na ayaw ni Anne na sisihin niya ang sarili niya dahil sa mabait ito. Naisip niya pa na hawak ni Anne ang kamay niya, sinasabi sa kanya na hindi niya ito kasalanan, puno ng kabaitan at pagmamahal.Gayunpaman, nabigo ito na alisin ang katotohanan na siya ang rason kung bakit patay na ang bestfriend niya. Tuwing iniisip niya ito, ang sakit ay lumalamon sa kanya sa punto na naisip niya na isang pagkakamali na buhay pa rin siya.“Luna.” Nakita ni Jim ang lungkot sa mga mata ng kapatid niya. Kumunot ang noo niya habang hawak niya ang kamay ni Bonnie para pigilan siya sa pagsabi ng kahit anong may kinalaman kay Anne.“Lumipad din papunta dito sina Dad at Mom. Pinahahalagahan ka ng lahat nag aalala kami sayo. Gusto nilang sumama sa ami
Kumunot ang noo ni Jim at tumingin siya kay Bonnie. “Sa tingin mo ba ay magiging masaya si Luna kapag ginawa natin ‘yun?”Huminto si Bonnie pagkatapos ng sinabi ni Jim. Pagkatapos nito, umiling siya ng tahimik. “Magagalit siya sa atin.”Si John ang asawa ni Anne at tatay ni Sammie. Siya ang taong pinahahalagahan ni Anne ng lubos sa mundong ito.Wala na ang nanay ni Sammie, at kung pinakulong nila si John sa pagpatay kay Jacqueline, mawawala ang oras na lumaki si Sammie kasama ang tatay niya dahil lang gusto nilang iligtas si Luna.Hindi papayag si Luna dito.“Ito ang rason kung bakit hindi natin pwedeng hayaan na sumuko si John sa pulis.” Tumingin si Jim sa malayo. “Pero, kailangan pa rin natin siyang hanapin.”Nalilito si Bonnie. “Kung hindi natin siya kukumbinisihin na sumuko, bakit natin siya hahanapin?”Hindi magtatagal, paghihinalaan na ng mga pulis si John, at dadalhin lang nila ang mga pulis sa kanya kapag hinanap nila ito.“Mapapanatag si Luna kapag alam natin kung nasa
“SIge! Hindi mo siya hahanapin, tama ba?” Kumunot ng malalim ang noo ni Jim nang makita niya ang ugali ni Joshua. “Kaya ko siyang hanapin. Gagamitin ko ang kapangyarihan ng pamilya ko at ng Craig Group para hanapin siya!”“Kahit na nasa kabilang dulo ng mundo siya, hahanapin ko siya. Gusto kong sabihin niya mismo kay Luna na si Luna ang tumanggap ng sisi para sa kanya!”Pagkatapos nito, naglakad siya palabas ng galit.Bam! Sumara ng malakas ang pino.Nanatiling nakaupo si Joshua habang nakatingin siya sa direksyon kung saan umalis si Jim. Ang kamay niya ay nakahawak sa kanyang noo.“Daddy.” Biglang bumukas ulit ang pinto. Ngayon naman, ang taong pumasok ay si Neil. Tila may umaabala sa kanya.Pumasok siya, sinara niya ang pinto, at umakyat siya sa upan sa harap ni Joshua para umupo. “Pinatay po ba talaga ni Uncle John ‘yung masamang babae?”Nabigla si Joshua. Matagal sigurong nakatayo si Neil sa labas para marinig ang pag uusap sa pagitan nila ni Jim. Kumunot ang noo niya at lum
Sa huli, hindi nahanap nila Jim at Bonnie si John.…Makalipas ang isang buwan, ang hearing sa kaso ni Luna sa intensyonal na pananakit ay magaganap na sa korte sa Banyan City. Ginawa na ni Joshua at ng pamilya Landry ang lahat ng posibleng magawa nila para makatulong sa kaso, at ang bawat bisita na dumalo sa kasal ay nagbigay ng kanilang affidavit para patunayan na si Jacqueline ang nagpilit kay Luna para kumilos si Luna ng basta basta.Gayunpaman, hindi ito nakatulong masyado dahil ginawa ang aksyon na ito sa harap ng publiko. Sa huli, hindi siya nakatakas sa parusa ng batas sa intensyonal na pananakit sa ibang tao. Bilang resulta, sinentensyahan si Luna ng apat na buwan sa kulungan.Dahil ikinulong na siya ng isang buwan, ang natitirang sentensya na kailangan niya na lang gawin ay tatlong buwan.Mabilis na lumipas ang panahon, natapos na ang sentensya ni Luna sa kulungan.Sa oras ng paglaya niya, si Charles, Rosalyn, Jim, Bonnie, Theo, at Rachel ay naghihintay sa entrance. Pin
Wala sa mood si Luna para umuwi kasama ang lahat.Kinagat niya ang labi niya at sinubukan niyang bitawan ang kamay ni Rosalyn. “Mom, sabihin niyo sa akin. Ano ang nangyari sa kanya?”Tumulo ang mga luha niya nang magmakaawa siya para malaman ang nangyari kay Joshua.Sa nakalipas na tatlong buwan, naisip niya ang maraming mga alaala na kasama niya si Joshua. Nakita niya rin ang maraming balita tungkol sa Lynch Group. Habang nakakulong siya, ang tanging nasa isip niya ay ang pagsisisi at kalungkutan niya para kay Anne.Hindi nagtagal, mabagal niyang naintindihan kung paano nagsakripisyo si Joshua para sa kanya noong nasa kulungan siya kasama ang mga inmate at mula sa mga balita.Para kumbinsihin ang mga bisita sa kasal na pumanig kay Luna at sabihin ang katotohanan tungkol sa nangyari nang gabing ‘yun, binayaran ni Joshua ang bawat utang ni Adrian sa mga pinagkakautangan nito, at sa prosesong ito, halos nagamit niya ang kalahati ng savings niya. Ang lahat ng ito ay para mabawasan an
“Sino?” Nabigla si Luna nang sabihin ito ni Rosalyn, ang isip niya ay hindi maintindihan ang mga sinabi ng nanay niya. “Sino ang naghihintay sa akin?”“Sino pa ba?” Ang tanong nag aalala sayo, syempre.” Tumawa ng malakas si Jim habang tinaas niya ang kamay niya para katukin ang noo ni Luna. “Hinihintay ka ni Joshua sa loob. Sige na.”Natulala si Luna. Matagal bago niya naintindihan ang buong bagay. Nang maintindihan niya ito, lumabas siya ng kotse na parang isang malakas na bagyo.Pagkatapos niyang bumaba mula sa kotse, nakita niya na kung ano ang gusali. Ito ay isang simbahan. Bago ito, nag aalala siya tungkol sa kaligtasan ni Joshua at hindi siya nag bigay ng atensyon sa paligid niya. Ang alam niya lang ay hindi ito ang bahay nila.Sa huli, naintindihan niya na kung bakit walang tao sa kotse ang nagsalita, na para bang may sikreto sila nang tumingin siya sa simbahan sa harap niya.‘I—Ito ang sorpresa na inihanda ni Joshua para sa akin!’ Ang naisip niya.Umiyak siya habang nagl
May matangkad at payat na lalaking may hawak ng malaking bouquet ng sariwa at pulang mga rosas na lumapit patungo kay Luna mula sa malayo.Nagulat at natuwa ng sobra si Luna sa eksena. Ang mga luha na naglaho ay muling bumalik sa mga mata niya nang malaman niya na ayos lang si Joshua.Ngayon naman, lumuluha siya dahil sa tuwa.Si Joshua ay nakasuot ng itim na suit na may gold trimming, at mas mukha siyang elegante kumpara sa normal. Ang bouquet ng mga pulang rosas ay bagay sa damit niya, at ang mukha niya ay mas naging gwapo mula sa malayo.Hindi mapigilan ni Luna na maalala ang eksena ng kasal niya kay Joshua noong maraming taon na ang nakalipas habang nakatitig siya sa lalaking nasa harap niya.Noon, nagpakasal si Joshua kay Luna para lang galitin si Adrian, at dahil dito, hindi sila nag imbita ng maraming bisita at wala ring effort sa paghahanda. Kahit ang wedding dress ay pinili lang ng nagmamadali, at walang nagsulat sa kanila ng mga wedding vow para sa okasyon.Kahit sa mga
“Pero, ‘wag kang tumigil mangarap ng mas marami.”Habang umiikot sila ng pang limang beses, hindi na ito mapigilan ni Jim at sinabi niya, “Hoy, kung hindi kayo agad maghahanda, mamimiss niyo ang perpektong timing!”Bumalik sa katotohanan si Joshua. Mabilis niyang ibinaba si Luna at hinalikan niya ito sa noo. “Sige. Oras na para maghanda.”Kumunot ang noo ni Luna dahil dito, ngunit bago pa siya makapagsalita, hinila siya nila Rachel at Bonnie sa backstage.Ang makeup artist at assistant ay naghihintay sa kanya, naghanda na ng wedding dress para sa kanya.Nang dumating si Luna, mabilis nilang pinaupo si Luna at nagsimula na sila. May ilang mga taong tumulong sa kanya na magbihis ng bago niyang dress, at ang ilan naman ay nagaayos ng buhok niya, at ang iba ay nilagyan siya ng makeup.Natikman na rin ni Luna ang pagiging tulad ng isang celebrity ngayon at maraming mga stylist na tumutulong sa kanya.Tumawa siya ng mapait at sinabi niya, “Kung alam ko lang na ito ang pagtrato na mat