”Yay!” pumalakpak ng masaya si Nellie. “Gagawin na naman ni Nigel ang hacking niya! Ang galing niya!”“Oh, at ako hindi magaling?” Tinikop ni Neil ang mga labi niya at pinitik niya ang noo ni Nellie.Hindi niya ito nilakasan, ngunit ang madrama na si Nellie ay nagsimulang umiyak, at tumulo ang luha sa kanyang mata, habang namula ang kanyang mga mata. “Sinaktan ako ni Neil! Paano mo nagawa ito sa akin?”Tinikom ni Neil ang mga labi niya at naglagay siya ng isang piraso ng cake sa harap ni Nellie.Gumising siya ng umaga para mag bake ng cake dahil sinabi ni Nellie kagabi na gusto nito ng cake. Ano pa ba ang magagawa niya? Sanggol pa si Shelly at wala pa siyang alam. Kaya naman, nagpatuloy lang si Neil na pasayahin si Nellie.“Oh my!” Lumaki ang mga mata ni Nellie habang nakuha ng cake ang kanyang atensyon, ngunit may luha pa rin sa kanyang mukha nang magsimula siyang ngumiti. “Alam mo, magaling ka rin naman!”“Hay! Iba ka talaga kay Daddy. Hindi siya magaling magluto, pero hindi ik
[Hindi mo pa narinig ang tungkol sa kanya?]Kumunot ang noo ni Gwen at sumulyap siya sa lalaking nakaupo sa likod niya. Yumuko siya, at nagpatuloy siyang mag text kay Luna.[Ang taong ito ba ay bodyguard talaga na kinuha ni Joshua o isang kaibigan ni Joshua?]Naniniwala si Gwen noong sinabi ni Luna na ang lalaki ay kaibigan ni Joshua, ngunit ngayon ay sinasabi niya na hindi niya pa narinig ang tungkol sa lalaking ito.Kakaiba.Sa ibang salita, klaro kay Joshua na magkaiba ang kaibigan niya sa ibang tao. Hindi siya magkakamali na tawagin ang isang bodyguard bilang kaibigan niya.Kung ang lalaking ito ay kaibigan ni Joshua… bakit hindi siya kilala ni Luna?Sina Joshua at Luna ay malapit sa isa’t isa na si Joshua mismo ang nagsasalita kay Luna kung ilang lalaki o babae ang dadalo sa dinner at kung sino sila kung wala siyang magagawa kundi dahil ang mga client niya sa dinner.Walang mga sikreto sa pagitan nila.Kung ang lalaki sa likod ni Luna ay isang kaibigan ni Joshua, alam na
“Ang noodles niyo, Miss.” Nilagay ng waiter ang noodles ni Gwen sa harap niya, pagkatapos ay ginawa niya ito para sa lalaki.Mula sa ilang metro ang pagitan sa isa’t isa, narinig ni Gwen na kinuha ng lalaki ang tinidor nito, tinanggal ang mask, at nagsimulang kumain.Sa ilang sandal, hindi niya mapigilan na isipin kung ano ang makikita niya kapag tumalikod siya ngayon.Gayunpaman, hindi nagtagal bago niya tanggalin ito sa kanyang isipan.Hindi niya ito pwedeng gawin, lalo na at nangako siya kay Luna na hindi niya pipilitin ang lalaki na magtanggal ng mask kung hindi nito gusto, kaya bakit gusto niyang malaman bigla ang tungkol sa lalaki?Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Gwen, kinuha niya ang tinidor, at nagsimula na rin siyang kumain.Sa mesa sa likod niya, ang lalaki ay ngumiti habang pinapanood siya.Pagkatapos kumain, dalawa silang nagbayad ng magkahiwalay na bills at lumabas sila ng restaurant, pumunta sila sa bayan habang nakasunod ang lalaki sa likod ni Gwen ng il
Nawala ang kulay sa mukha ni Gwen nang marinig niya ito. Lumapit siya at hinawakan niya ang braso ni Winson. “Ano ang sinabi mo?”Sinabi ng tatay niya sa phone na ayos lang ito noong ilang araw na ang nakalipas! Sinabi pa nito na akala ng lahat ay wala na silang koneksyon, walang kahit sino sa mga gangster ang sumubok na hamakin ang tatay niya…“Nakuha ko na ba ang atensyon mo, huh?” Ngumisi si Winson. “Sa huli, tama ako; mahalaga pa rin ang matandang ‘yun sayo. Hindi ako makapaniwala na ang mga tanga sa Sea City ay ay iisipin na wala na kayong koneksyon! Kung hindi ko sinabi sa kanila na tapat ka sa mga tao sa paligid mo, walang kahit sino sa kanila ang huhuli sa kanya!”Nabigla si Gwen nang marinig niya ito. Kinagat niya ang labi niya at lumingon siya para tumingin kay Winson na tila hindi siya makapaniwala. “Ikaw…”Si Winson ang rason kung bakit nahuli ang tatay niya?“Ano ako?” Tumawa si Winson sa malamig na hangin. “‘Wag mo akong sisihin kung walang awa ako. Kung binigyan mo
Sumigaw ng malakas si Winson habang binitawan niya si Gwen at hinawakan niya ang pagkalalaki niya, bumagsak siya sa sahig dahil sa sobrang sakit.Agad na tumalikod si Gwen, balak niyang tingnan ang lalaking may suot ng itim.Noong una, inaasahan niya na makita ang lima o anim na lalaking inaatake ng walang awa ang isang lalaking nakasuot ng ito, ngunit sa ikinagulat niya…Ang anim na mga tauhan ni Winson ay nakahiga sa sahig, hawak nila ang mga parte ng katawan nila habang umuungol sila sa sakit, tulad ni Winson.Ngunit, ang lalaking may suot ng itim ay tila walang galos. Wala pang kahit isang buhok na wala sa pwesto.Nang makita na tumakas si Gwen mula kay Winson, ang lalaki ay lumingon para tumingin sa kanya.Ang nakita lang ni Gwen mula sa malayo ay ang madilim at malupit na mga mata ng lalaking may suot ng itim, ngunit nakita niya ang maliit na bahid ng ngiti sa mga ito.Hindi mapigilan ni Gwen na mabigla dahil dito.Sa hindi malamang rason, naalala niya si Luke.Dati ay m
Hindi mapigilan ng lalaki na ngumiti nang marinig niya ito. “Ako ang huling tao sa mundo na matatakot sa kamatayan.”Ang katotohanan ay, matagal na siyang dapat namatay.Sino ang mag aakala na… ang isang lalaki na matagal na dapat na namatay ay mabuhuhay sa katawan ng kambal niya?“Mabuti ito.” Huminto si Gwen. “Magbabayad ako sayo ng doble ng binabayad sayo ni Joshua. Kapag sumama ka sa akin pabalik ng Sea City, makakatanggap ka ng triple ng pera na nakukuha mo ngayon.”Pagkatapos, huminga siya ng malalim at nagpatuloy siya, “Pwede mo ba akong tulungan na bumili ng ticket? Tara na sa Sea City.”“Sige.” Ngumiti ang lalaki, naglakad siya patungo sa sala, at umupo siya sa sofa.Hindi mapigilan ni Gwen na tumingin sa pangalan ng lalaki habang bumili ito ng ticket patungo sa Sea City.Ang pangalan niya ay Stefan Joneson.Hindi masamang pangalan.Handa na si Gwen na umalis habang dala ang kanyang mga gamit.Nandito lang siya para sa maikling bakasyon at konti lang ang gamit na da
Nang marinig ang sinabi ni Gwen, ngumiti si Stefan. “Mabuti ito.”Kung kaya ni Gwen na kalimutan ang malungkot na nakaraan niya, kahit na wala si Stefan sa tabi niya, hindi mag aalala si Stefan.“Sa tingin ko ay mabuti rin ito.” Ngumiti si Gwen at dinala niya si Stefan sa villa. Dahil matagal nang walang nakatira dito, ang buong lugar ay puno ng alikabok.Binuksan ni Gwen ang ilaw, ngunit madilim pa rin sa sala.Kumunot ang noo niya at tumingin siya sa chandelier. “Sira na ba ito?”“Hindi ko alam.”Ibinaba ni Stefan ang mga hawak niya, tumalikod siya, at lumabas siya. Hindi nagtagal, bumukas ang mga ilaw sa loob ng villa.Bumalik siya mula sa labas. “Nakasara ang main switch.”Nagdalawang isip si Gwen bago siya tumawa ng nahihiya. “Pasensya na. Konti lang ang alam ko tungkol dito.”Inalagaan at pinalaki siya ng tatay niya na parang isang prinsesa simula pa noong bata siya. Tutal, siya ang tagapagmana ng Larson Group ng Sea City. Noong nagpakasal siya kay Ben, trinato din siya
“Sabihin mo ang totoo!”“Magkano ang pera mo ngayon? Ilabas mo!”“Kung ako sayo, matagal na akong umalis ng Sea City. Matagal nang patay si Luke at walang sumusuporta sayo, pero nandito ka pa rin sa Sea City. Nandito ka pa rin ba dahil sa tingin mo ay masama ang pamumuhay ng mga kapatid mo, kaya gusto mong bumawi sa kanila?”“Dapat mo maging kasing tapat tulad ng pagiging mayabang mo noong buhay pa si Luke!”“Kurt Will, ‘wag mo akong sisihin sa pagiging malupit ko! Kung may taong dapat kang sisihin, sisishin mo si Luke Jones sa pagkamatay niya ng maaga!”…Tumunog sa eskinita ang isang pamilyar na pangalan at malakas na sigaw. Kumunot ang noo ni Stefan.Hindi niya makakalimutan ang pangalan na Kurt Will.Si Kurt ang isa sa pinaka tapat na mga tauhan ni Luke. Siya ang bodyguard ni Luke, lagi niyang pinoprotektahan ito. SIya ang unang tao sa gang na makaalam ng tungkol sa kagustuhan ni Luke na isakripisyo ang sarili niya para kay Gwen at siya ang unang sumuporta sa sakripisyo ni