Dumilim ang ekspresyon ni John nang mabanggit ang tungkol sa surgery.Huminto siya ng ilang sandali. Pagkatapos, nilabas nia ang isang piraso ng papel na binigay sa kanya ni Tara at sinabi niya, “Hindi ako sinubhukang tulungan ni President Moore. Ang ginawa niya lang ay ang bigyan ako ng chansa para makipag kompetensya sa ibang mga competitor.”Nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Sinabi niya sa akin na ang taong gumagawa ng desisyon ay hindi mula sa Scarnfield City at garantisado na patas ang bid. Basta’t ipresenta ko ang kumpanya at ipakita ang sinseridad ko, sa tingin niya ay may chansa ako. Syempre, hindi rin ako sigurado dito.”Nagbuntong hininga ulit siya at tumitig siya sa babaeng nasa harap niya. “Robyn, mukhang kailangan ko munang mabigay ng mas maraming oras at lakas sa kumpanya, at ikaw…”“‘Wag kang mag alala!” Ngumiti si Robyn. “Tutulungan kitang alagaan si Anne at Sammie! Hindi ako walang kwenta na tulad ng iniisip mo. Graduate ako ng nursing school, kaya’t ‘wag ka
“Kailangan lang natin maghintay.” Nagbuntong hininga si John at tinapik niya sa balikat si Robyn. “Matagal na proseso ang pag galing, at hindi natin ito dapat madaliin.”Ngumiti si Robyn. “Masaya ako na positibo ka mag isip, John. Maswerte si Anne na makasama ka.”Tumawa si John nang marinig niya ito. “Hindi ako sang ayon dito.”Minsan, iniisip niya kung siya ang humila pababa kay Anne.Pagkatapos makilala ang social circle ni Anne, napagtanto ni John na hindi dapat nagpakasal si Anne sa isang ordinaryong lalaki na tulad niya.Ang lahat ng mga kaibigan ni Anne ay miyembro ng social elite. Halimbawa, si Luna ay mula sa isang makapangyarihan na pamilya kahit na dati siyang inampon ng mga Gibson.Samantala, si Bonnie naman ay ang tagapagmana ng malaking halaga ng pera.Si Anne ay isang prestihiyoso na plastic surgeon at may mataas na reputasyon siya sa larangan na ito. Madali lang na magpakasal siya sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya na kayang kumuha ng mga bodyguard para
“Kailangan kong dumalo sa isang social obligation, at uminom ako ng konti.” Ngumiti si John nang makita niya ang mga mata ni Anne. Umupo siya sa tabi nito sa kama at umakbay siya sa balikat ni Anne.Maraming timbang ang nabawas kay Anne at ang nararamdaman ni John ay ang buto ni Anne mula sa balat nito. Kahit na isang payat na babae si Anne dati, at least ay malusog siya. Ngunit, hindi na ito ang sitwasyon ngayon.Nagbuntong hininga si John. “Sinabi ni Robyn sa akin na natutulog ka na. Bakit pala hindi ka pa tulog?”Tinikom ni Anne ang mga labi niya at nagsimula siyang magtype sa phone niya. [Narinig ko ang lahat ng sinabi mo kay Robyn.]Tahimik ng ilang sandali si Jon bago niya hinalikan ang noo niya. “Anne, sa tingin ko ay… hindi ka mauuwi sa ganito kung hindi dahil sa akin.”“Lagi kitang sinisisi at sumama ka sa mga taong hindi dapat samahan at tumanggi pa ako sa tulong ni Joshua, pero ang katotohanan, hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko para sa lahat. Kung hindi mo pin
Nagbuntong hininga si Anne at pinunasan niya ang mga luha ni John. Pagkatapos ay pinilit niyang ngumiti.“Pwede ka bang magsalita, Anne?” Nanginginig ang boses ni John. “Sinabi ng doctor na ayos lang ang vocal cords mo, at wala ring problema sa mga tainga at bibig mo. Walang pumipigil sayo sa pagsasalita. Isang mental block lang ito…”“Sabihin mo sa akin ang nasa isip mo, Anne. Sabihin mo sa akin, at haharapin natin ito ng magkasama.”Tumulo ang mga luha ni John sa leeg ni Anne at papunta sa shirt nito. “Anne, gusto ko talaga marinig ang boses mo. Hindi ko mahintay na marinig ulit ang boses mo.”Malaki ang pressure sa kanya simula noong umalis sila ng Banyan City, at lalo na ngayon at dumating sila sa Scarnfield City.Pinili niya na pumunta dito dahil akala niya ay maganda ang buhay ni Robyn, ngunit sa huli ay nagkamali siya.Hirap na si Robyn, at ang pagdating nila ay nagpalala lang ng sitwasyon niya.Si John ay isang masipag na tao, at hindi niya intensyon na gumawa ng gulo pa
Matagal na niyakap ni John si Anne bago siya bumalik sa pagiging kalmado. Hinalikan niya ito sa noo at hinawakan niya ng malambing ang mukha nito. “Matulog na tayo? Gagawa ako ng isang baso ng maligamgam na gatas para sayo kung hindi ka makatulog.”Tumango si Anne.Pagkatapos, ngumiti si John at hinalikan niya ulit si Anne bago siya umalis ng kwarto.Madilim ang sala, ibig sabihin ay tulog na si Robyn.Binuksan ni John ang ilaw, pagkatapos ay naglakad siya patungo sa kusina at kinuha niya ang karton ng gatas at pinainit niya ang isang tasa ng gatas.Bumalik siya sa bedroom dala ang tasa ni Anne, nakita niya na nakatitig si Anne sa apartment building sa labas ng bintana.Sa sandaling ito, ang buong gusali ay puno ng ilaw at puno ng sigla. May mga kotse na nakapark sa labas ng gusali at maraming mga lalaking nakasuot ng itim ang pumasok sa gusali na para bang may hinahanap sila.Kumunot ang noo ni John. “Mga pulis ba ‘yun?”Hindi mukhang mga pulis ang mga lalaking ‘yun, pero kung
Nabigla si Anne nang marinig niya ang ideya ni John.Makalipas ang ilang sandali, nagbuntong hininga siya at tumango siya.“Sige. Aalis na ako ngayon.” Nagbuntong hininga si John at kinuha niya ang tasang walang laman mula kay Anne. “Alam ko na wala tayong pakialam sa sampung libong dolyar noon, pero…”Nagbago na ang sitwasyon nila.Ang 10,000 dollars ay higit na para sa mga bayarin nila ng tatlong buwan at para mabawasan ang problema nila sa pera. Gusto niyang gawin ang lahat para makuha niya ang pera na ito.Tumingin si Anne sa kanya ng malungkot.Yumakap si Anne sa katawan ni John at hinalikan niya ang pisngi nito. Sa huli, tumitig siya kay John, na para bang sinasabi nito sa kanya na susuportahan siya nito kahit ano ang mangyari.Kahit na hindi nakakapagsalita si Anne, soulmates sila at naiintindihan nila ang isa’t isa mula sa isang tingin lang. Kaya naman, naiintindihan ni John kung ano ang gustong sabihin sa kanya ni Anne.Tumango siya bago siya lumabas ng kwarto at sinar
Ang dating bersyon ni John ay mahihimatay kapag tinutukan siya ng baril, ngunit dahil muntik na mawala sa kanya si Anne at dahil may pinatay na siyang tao, hindi na siya natatakot na tutukan siya ng baril.Tumitig siya sa lalaking may hawak ng baril. “Nandito lang ako para sa pera.”Kumunot ang noo ng lalaki at tinanong niya, “Anong pera?”Tumuro si John sa maliwanag na gusali sa labas ng bintana. “Kung tama ang hula ko, nandito ang lahat ng mga taong ‘yun para sa inyo.”Kumunot ang noo ng lalaki. “Tama ka.”Napansin nila ang kaguluhang ito.Sa kasamaang palad, hindi sila nakatanggap ng utos mula kay Tyson para umalis, at kahit na gusto nila, napapalibutan sila at wala silang chansa para tumakas.Nag iisip sila ng pwede nilang gawin, at ang lalaking ito ay nagkataon na pumasok. Syempre, agad silang maghihinala sa mga motibo niya.“Ano ang ginagawa niyo dito?”Nagbuntong hininga si John at tumuro siya sa apartment building niya. “Nakatira ako sa kabilang kanto. Nabalitaan namin
“Pwede ko kayong tulungan na tumakas!” Ang sabi ni John nang ipuputok na ng lalaki ang baril. “Pwede ko kayong tulungan!”Kumunot ang noo ng lalaki at inalis niya ang baril sa noo ni John. “Ano ang meron ka?”Huminga ng malalim si John at sinabi niya ng may mahinang boses, “Sir, nakalimutan niyo na ba ang sinabi ko? Kung sino man ang naghahanap sa inyo ngayon ay nagbibigay ng sampung libong dolyar sa bawat tao na kinakatok nila.“Maraming mga tenant sa gusali na ito maliban sa inyo, at kung nag hiwa-hiwalay kayo at pumasok kayo sa ibang bakanteng unit, iisipin nila na mga tenant kayo. Hindi lang sa magiging ligtas kayo, makukuha niyo rin ang pera.“Maraming ibang tao na tulad ko na pumasok para lang makuha ang pera. Kapag nagpanggap kayo ng mabuti, sigurado ako na walang makakapansin!”Pagkatapos, tumingin si John sa mga lalaki sa kwarto at idinagdag niya, “Sir, pasensya na sa sasabihin ko, pero wala kayong laban sa mga tao sa labas. May dose-dosenang mga tao sila na naghahanap sa