Share

Chapter 2

Nanginginig ang mga kamay na kumatok si Ella sa bahay ng kaibigan niyang si Vivian.

"Oh Ella, andyan ka na pala.  Pasok ka. So eto na ang mga RTW na ibbenta natin. 50/50 tayo kahit na akin ang puhunan, alam mo namang love na love kita girl so pinarehas ko na ang hatian!" masiglang bati nito sa kanya pagkabukas ng pinto.

"Vivian...", hindi niya naituloy ang sasabihin, bigla siyang napahagulhol at yumakap sa kaibigan

Hindi alam ni Vivian ang kanyang gagawin, niyakap siya nito at hinaplos ang kanyang likod.

"Ella? Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?", nag aalalang tanong nito sa kanya

"Ang itay, muntik niya na akong pagsamantalahan", umiiyak niyang kwento sa kaibigan

"Ginawa niya ulit? Aba sumosobra na talaga ang matandang yun! Manyakis siya!", galit na sabi nito,nilamukos nito ang hawak na mga RTW. Narinig niyang nagmura pa ito habang malakas na iniluwa ang chewing gum na nasa bibig.

Muli. Ayaw man alalahanin ay muling bumalik sa alaala niya ang unang pagkakataong tinangka siyang molestyahin ng amain.

Ikalawang pagtatangka na nito iyon sa kanya, ang una ay ng minsang maiwan siya natutulog sa bahay, nag aaral pa lamang siya noon. Binubuno niya ang mga natitirang mga buwan bago ang kanyang pagtatapos sa kolehiyo. Naggroup study sila ng kanyang mga kaklase at inumaga na siya ng uwi.  Maagang umalis ang kanyang ina para pumunta sa palengke ng araw na iyon.

Mahimbing na natutulog ang dalaga noon ng pasukin siya ng amain sa kwarto. Pumasok si Mang Lucio sa kwarto at dahan dahang lumapit sa dalaga. Unang iniangat ng matanda ang kumot na bumabalot sa katawan ng dalaga at natambad ang mapuputi at mabibilog nitong mga hita. Namana ni Ella sa kanyang ama ang maputi at malarosas nitong kutis, kaya marami ang nahuhumaling dito na mga kalalakihan sa lugar nila. Mas tumaas ang paghahangad nitong maangkin ang dalaga kung kaya hinawakan niya ito sa hita at unti unting gumapang ang kamay nito papasok sa shorts na pantulog ng dalaga.

Naalimpungatan ang dalaga ngunit hindi nagmulat ng mga mata. Pinagpag niya ang akala niya ay insekto lamang na gumagapang sa hita niya.

Sinamantala ito ng matanda at muling hinaplos nito ang hita ng dalaga pataas. Nang akmang ipapasok na nito ang kamay sa loob ng kanyang underwear, ay agad siyang napabalikwas.

Kinusot ng dalaga ang mga mata.

Tama ba ang nakikita ko? Ang itay?

"Itay?Ano hong ginagawa ninyo dito?", mahihimigan ang takot sa kanyang boses

"Ah wala anak, bago sana ako magtungo sa bukid ay tiningnan ko muna kung ayos lamang ang kalagayan mo dito. Ilang araw ka nang napupuyat sa paggawa ng mga projects ninyo sa eskwelahan." sagot nito sa kanya.

"Ah ganoon ho ba? Okay lang naman ho ako, wala po kayong dapat ipag alala ng inay." sagot niya rito.

Akma na itong lalabas ng bigla itong nagsalita muli. Sa pagkakataong yun, kinilabutan siya sa kanyang narinig.

Napakaganda mo Ella, pinagmamasdan kita kanina habang natutulog ka at napakswerte kong nagkaanak ako ng kagaya mo."

Hindi mababakasan ng sinseridad ang mga binitiwan nitong salita. Puno ng pagnanasa ang mga mata nito.

Napatingin siya sa kanyang kumot, wala ng nakabalot sa kanya, maging ang kanyang shorts ay bahagyang nakataas. 

"sige ho, matutulog pa ho ako itay" sabi niya rito. At humigang muli sa kama patalikod sa amain.

"Sige anak, lalabas na rin ako at pupunta na ako sa bukid, magiingat ka rito at huwag magpapapasok ng kung sinu-sino"

Huwag magpapapasok ng kung sinu-sino? Mag-iingat? Dito pa lamang sa bahay may panganib na.

"Natatakot ako Vivs, kung nagawa niya ng dalawang beses, pwede niya pang gawin ulit at baka sa pagkakataong yun hindi ko na magawang takasan."

Napailing ang kaibigan at tila nag isip ng malalim.

"Alam ba ito ni Aling Matilde? Dapat malaman niya ang ginawa ng hayop niyang asawa", galit na maktol nito.

"Hindi Vivs, at huwag na huwag mong sasabihin, mangako ka, walang makakaalam nito kahit sino lalong lalo na ang inay ko." pakiusap niya sa kaibigan

"Hay, sige, sabi mo eh, pero huwag ka na munang umuwi sa inyo." 

"Oo Vivs, kaya kailangan kong makaalis. Pupunta ako kay tiya Celeste sa Maynila. Alam na niya ang dahilan at siya mismo ang nagsabi na lumuwas na ako kaagad dun"

"Sige Ella, tatawagan ko si Rico, ipapahatid kita sa Maynila, kahit ako na ang bahala sa pang gas niya sa jeep", bakas ang pag aalala sa tono ng kaibigan.

Si Rico ay ang pinsan ni Vivian na minsan na ring nanligaw kay Ella pero dahil hindi pa siya handa ay hindi muna niya pinagtuunan ng pansin. Nag-aaral pa rin siya noon.

"Salamat Vivs, buti na lang nandyan ka, mag-iimpake na ako ng mga ilang damit na dadalhin ko", may pagmamadali sa kanyang boses.

Tama ang desisyon ko at paninindigan ko ito. Pangarap ko rin naman nakarating ng Maynila at doon magtrabaho. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko, hindi ako papayag na sirain ng matandang iyon ang buhay ko.

Sorry inay. Hindi ko rin hahayaang magkasira tayo dahil sa walanghiyang matandang iyon. Pero kailangan kong gawin ito. Balang araw makakabalik din ako at maipapaliwag ko sa inyo ang lahat, kapag handa na ako.

"Sige Vivs, uuwi muna ako. Marami akong kailangang ayusin. Dadalhin ko rin lahat ng mahahalagang dokumento ko." paalam niya rito.

"Hintayin mo ang text ko bukas girl, kung anong oras tayo magkikita, mag iingat ka." 

Madilim ang paligid.

Walang ibang matatanaw na liwanag kundi ang ilaw na nanggagaling lamang sa labas ng bahay nila.

Dahan-dahang kinuha ni Ella ang mga gamit na inihanda niya pagkagaling sa bahay ng kaibigan.

Binuksan niya ang pinto ng kwarto ng kanyang inay, mahimbing itong natutulog. Tinitigan niya ang ina, kahit naman ganoon ito ay pinagtapos siya ng pag-aaral. Gamit ang naiwan ng kanyang ama mula sa kanyang SSS pension at sa pagtitinda nito sa palengke. Sa public school lamang din siya nag aral at skolar siya ng bayan. Mahal niya ang kanyang ina, dangan nga lamang at parang mas mahal nito ang amain niya kaysa sa kanya. 

Isinara niya ang pinto dahan dahan. Ang kanyang amain ay sa baba lamang ng papag na hinihigaan ng ina natutulog. Mahimbing ang tulog nito dahil napagod siguro sa pagsasaka. Tamang tama sa plano niyang pag alis.

Bago umalis ng bahay ay muli niyang tiningnan ang lugar kung saan lumaki siyang masaya kasama ang inay at itay niya. Mga alaalang kailanman ay hindi niya makakalimutan.

"Oh ano? nadala mo ba ang lahat ng mga gamit mo? Natawagan mo na si tiya Celeste mo? Mahinang tanong ng kaibigan.

"Oo Vivs, hindi ko na gaanong dinamihan, dun na lamang ako bibili sa Maynila, o baka humiram na lang ako sa tiya Cele"

"Sige, hintayin lang natin si Rico, malapit na daw siya.

Naagaw ang pansin nila ng busina ng jeep na minamaneho ni Rico.

"Oh ayan na pala si Rico", wika ni Vivian sa kanya

Inabot niya kay Vivian ang isang maliit na papel, naglalaman ito ng pagpapaalam niya sa kanyang inay, hindi niya sinabi doon ang totoong dahilan niya, sinabi niya lamang na maghahanap siya ng trabaho sa Maynila gaya ng laging bukambibig nito na magtrabaho siya dahil nakatapos naman siya ng pag-aaral.

"Dadalhin ko ito kay aling Matilde bukas, mag-iingat ka. Itext mo lang ako pag kailangan mo ng kausap. Magtext ka kaagad pag nakarating ka na sa bahay ng tiya mo."

"Salamat Vivs, hindi kita makakalimutan, hindi ko makakalimutan ang ginawa mong ito para sa akin." Niyakap niya ang kaibigan at nagpaalam na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status