Share

Chapter 57

"S-Sasabay na ko sa inyo." nakatungong sabi ko sa Danger Zone. Napailing naman sila.

"Ano ka ba? Sumabay ka kay Prince. Ano na lang ang sasabihin ng ng mga magulang mo at ni Ochoy kapag hindi kayo magkasabay?!" sabi pa ni Kyla.

"She's right. Remember, hindi nila pwedeng malaman na break na kayo ni Prince." dagdag pa ni Lion.

"Kailangan sweet kayo sa isa't isa." napasimangot ako sa sinabi ni Bullet.

Napatingin ako kay Ice. Cool na nakasandal sa kulay pula nitong kotse. Gano'n pa rin ang mukha niya, poker face at cold. Napanguso ako, kung makaasta siya parang hindi niya ko ninakawan ng halik kagabi ah.

Napansin kong simple lang ang suot niya, plain T-shirt na white ang suot niya at simpleng pants. Hindi katulad ng lagi niyang suot na black leather jacket o kahit anong kulay black. Gwapo pa rin siya, kahit anong suot niya. Hindi rin messy ang buhok niya kaya nagmukha siyang mabait kahit konti, na

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status