Share

Kabanata 42

Medyo malayo na rin ang kaniyang naitakbo kaya puro mga nakaunipormeng pulis lamang ang natatanaw niya, kung kaya't dahan-dahan niyang inihakbang ang sariling mga paa palapit sa pinangyarihan ng insidente.

Halos napatakip na lamang siya sa kaniyang bibig gamit ang sariling mga kamay at hindi makapaniwala sa kaniyang nakita. Mabilis siyang napatalikod at sunud-sunod ang pagtulo ng mga luha niya sa kaniyang mga mata. Halos gusto niyang sumigaw at humagulgol ng malakas pero hindi niya magawa dahil kailangan niyang itago ang sarili sa mga owtoridad na nakakalat roon. Kaya kahit nanghihina at nanlalambot ang mga tuhod niya ay pilit pa rin niyang hinakbang ang mga paa at lumakad papalayo sa kaniya.

Huwag kang mag-alala, Aubrey. Ipaghihiganti kita. Pagbabayaran ng taong iyon ang pagkamatay mo at titiyakin ko na buhay din ang siyang magiging kapalit nito.

Ang paglalayag sa isipan ng dalaga habang kinukusot ang luha sa sariling mga mata.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status