Share

Kabanata 89 : Ivan's POV

Maingat akong pumasok sa loob ng exit stairs at dahan-dahan itong isinara. Mula sa ikalawang palapag ay may naririnig akong boses ng isang lalaki na animoy may kinakausap sa cellphone niya.

"Huwag po kayong mag-alala at ako po ang bahala sa lahat, Dad." Ang huling salitang narinig ko mula sa kaniya sabay binabaan na niya ito ng tawag.

Dad? ibig sabihn, tatay pala niya yung kausap niya?

Bulong ko mula sa aking isipan.

"Hay naku, kung anu-ano na lang ang iniisip ko. Kapamilya pala niya yung kinakausap niya." Mahinang saad ko sa aking sarili at tipong lalabas na sana pero kaagad din akong natigilan nang matandaan ko ang pamilyar niyang boses.

Sandali nga lang, bakit parang magkaboses silang dalawa nung lalaking kumidnap sa amin non at ng misteryosong lalaki na nakatakip ng maskara ang mukha? hindi kaya siya nga yung narinig ko kanina?

Muli akong napatingala sa kinaroroonan niya at apurahang umakyat ng hagdan para puntahan ito.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status