Tuluyan ng umiwas si Javier sa akin.. sa amin ng anak ko mula nang malaman niyang lihim akong nakipagkita kay Jaxson. Kahit sa anak ko hindi na siya nagpapakita, hindi niya dinadalaw si Isabella kahit pa nasa trabaho ako. Nagsisi ako kung bakit hindi ko nalang sinabi sa kanya ang tungkol kay Jaxson baka sakali kahit isang beses ay dadalaw parin siya dito. Tinanong ko si Manang Sonya kung nag saglit bang dumalaw dito Javier pero wala talaga, pinapahatid niya lang sa driver ang mga kailangan ni Isabella at mga grocery dito sa bahay. Hindi ko alam kung hanggang kailan ito.. gusto ko na siyang makita.. gusto ko siyang makausap pero hindi ko alam kung paano."Janice," napabuntong-hinga ako na tumingin kay Jaxson nang tawagin niya ako. "I'm sorry for what I said last time," saad niya ng makalapit sa akin. "Sana, payagan mo parin ako na makita ang anak ko." Tipid akong ngumiti sa kanya. " Oo naman. Wala namang kinalaman si Isabella sa galit ko sayo. Hindi ko ilalayo ang anak ko sayo."Kahi
Hindi ko matanggap ang katotohanang inulit muli ni Jaxson ang ginawa niya sa akin noon. Pinaniwala niya ako na kaya na niya akong ipaglaban sa pamilya niya. Na kaya niyang panindigan ang pagiging ama niya kay Isabella pero bakit hinayaan niya ako na ipahiya ng ina niya sa maraming tao? Hindi niya man lang ipinagtanggol ang anak niya.. kahit si Isabella man lang ang ipinagtanggol niya. Sinira niya ulit ang tiwala ko. Inulit niya lang ang ginawa niya sa akin noon. Ang sakit sa damdamim na sa murang edad ng anak ko narinig niya ang hindi magandang salita mula sa kadugo niya.. sa kanyang lola. "Hindi mo naman kailangan gawin yon," saad ko sa kanya ng makalabas na kami sa venue. " Madamay pa kayo sa gulo ko..sana-." " What?! Mali na naman ako? Wala akong karapatan! Dapat hindi ko iyon sinabi! Sana hindi nalang ako nangi-alam! Ano pa Janice? Ano pa?! "Ha!! " Mabigat ang kanyang paghinga habang pigil na pigil siya na pagtaasan ako ng boses. "Sabagay, sino ba naman ako? Sino ba ako para hu
Sabay kaming bumalik sa loob ng kanyang sasakyan ng bumuhos ang ulan. Naka andar na ito ngunit hindi parin kami umuosad, bumuntong hininga ako at nilingon siya. Ang kanyang kanang kamay ay nakapatong sa manibela. Ang siko niya ay nakatukod sa gilid ng bintana habang nasa baba nito ang kamay. Seryoso ang mukha. Malalim ang iniisip.Tumikhim ako, para makuha ang kanyang atensyon. "May gusto ka bang sabihin sa akin?" Tanong ko ng hindi niya ako nilingon. " Ang lalim ng iniisip mo. Pwede bang malaman kung ano yan? "Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Humigpit ang hawak niya sa manibela, umigting ang kanyang panga, pinipigilan na magsalita." Wala kang sasabihin? Tara na, umuwi na tayo sa mansyon niyo. "Hindi niya parin ako pinapansin. Kahit sulyap ay hindi niya ako tinapunan. Ano ba ang iniisip niya at ayaw niya akong kausapin? Para naman akong tanga rito. Malapit ng maubos ang pasensya ko." Bababa nalang ako kung ayaw mo akong makasama rito, " inis na sambit. Buksan
Pansamantala kaming tumira dito sa mansyon ng anak ko pati narin si Manang Sonya, nag leave na rin muna ako sa trabaho ng isang linggo dahil nasisiguro ko na pupunta doon si Jaxson. Pagkatapos ng nangyari sa kaarawan ng ina niya, ayoko na siyang makita pa, tama na ang dalawang beses na binigo niya ako. Tama na ang dalawang beses na hindi niya kami ipinaglaban ng anak ko. Sinayang niya lang ang pagkakataon na binigay ko.Si Javier? Ayon. Tamang landi lang. Wala siyang sinabi kung ano kaming dalawa. Tamang landian lang, walang label."Huwag ka na magtrabaho. Dito ka na lang sa bahay, " nakabuntong hinga na saad niya. "Ha? Bakit? ""Dito ka lang, tapos hintayin niyo ako ni Isabella na umuwi galing trabaho. Yong, nakatayo ka dito sa pintuan tapos karga mo si Isabella habang hinihintay ako tapos salubongin ko kayo ng yakap.Hay. Ang sarap sa pakiramdam."Walang pasabi na dinampot ko ang throw pillow at tinapon sa kanya. " Nanaginip ka ng gising Javier. Gising! " namumula ang pisngi na bula
Kinabukasan nagising ako na wala na si Javier at Isabella dito sa kwarto. Naligo na ako at nagbihis. Pagkababa ko nakita ko si Javier karga si Isabella nakaupo sa couch dito sa sala, pinapa dede niya ito. Nakabihis na siya pati ang anak ko, ako nalang ang hinihintay nila.Napa-angat siya ng tingin nag mapansin ang presinsya ko. "Maganda ba ang panaginip mo kaya tinanghali ka ng gising?" He teasingly said.Inirapan ko siya at lumapit sa anak ko at hinalikan ito sa pisngi."Sa akin walang kiss?" Nakanguso na saad niya.Kinagat ko ang pang ibabang labi at sinamaan siya ng tingin. "Huwag mo akong umpisahan."Mahina siyang tumawa. Tinalikuran ko na siya bago pa niya makita ang pamumula ng pisngi ko. Nag templa lang ako ng gatas at pinalamanan ng scrambled egg at ham ang loaf bread. Minadali ko ang pagkain dahil baka mainit na doon sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga magulang ko. Pagbalik ko sa sala nanlaki ang mata ko sa nakita. Pinag-agawan ng tatlong kapatid ang anak ko. "Ang da
Tiim-bagang na bumaba ako sa taxi pagkarating ko sa lugar kung saan sinabi ni Jaxson. Hindi ito ang eksaktong lugar kung saan ako ginahasa ngunit parte parin ito ng lupain ng mga Montefalco. Malinis na ito at wala ng mga tanim kaya kitang-kita kung gaano ka lawak ang lupain. Namuo ang galit sa puso ko nang makita ko si Jaxson na nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan habang karga nito si Isabella, nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya napansin na narito na ako."Jaxson."Nanginginig ang boses na tawag ko sa kanya. Galit ako. Nag-alala baka may nangyari sa anak ko. Humarap siya sa akin, walang emosyon ang kanyang mukha. Binuksan niya ang kanyang sasakyan at nilagay sa loob si Isabella, may suot itong headphone at sa palagay ko ay tulog siya."Akin na ang anak ko," saad ko ngunit hindi siya nakinig nang masara niya ang kotse saka siya humarap sa akin.Sumandal siya sasakyan." Kung hindi ko pa kinuha si Isabella hindi mo ako maalala na tawagan."Napasinghap ako. Wala naman talaga akong
Tahimik na nagmamaneho si Javier palabas sa kanilang lupain. Mula ng maka-alis kami ay wala akong narinig na salita mula sa kanya, hindi niya rin ako sinusulyapan. Hindi naman mukhang galit. Hindi rin makitaan ng inis , kaswal lang ang kanyang mukha. Ano kaya ang iniisip niya? "Javier."Hindi niya ako sinagot, kahit sulyap ay wala rin."Javier."Tawag kung muli ngunit nag bingi-bingihan siya at nakatuon lang sa daan ang tingin. Dahil karga ko si Isabella, nilingon ko siya. "Mister," malambing na tawag ko. Umismid siya. "Nayakap mo lang ex mo Javier na itawag mo," nagtatampo na reklamo niya. Napangisi ako." Nagselos ang daddy mo anak, ano kaya ang gagawin ko para ma wala ang selos niya? " Nag-iisip kunyari na saad ko. Umingos siya at bumulong-bulong kaya natawa ako."Sorry," agad siyang bumaling sa akin at binagalan ang pagpatakbo. Ngumiti ako sa kanya. "I love you."Binalik niya sa daan ang tingin. Namumula ang kanyang tainga at leeg. Kinikilig yata siya. Ilang beses pa siyang t
Pinuproseso ko parin ang huling sinabi nang Don. Nakatanga lang ako sa kanya at hindi makasagot. Ano ba ang isasagot ko? Hindi pa namin ito napag-usapan ni Javier at hindi ko pa na ayos ang dapat kung ayosin. Magsalita na sana ako nang unahan ako ni Javier."Pwede ka naman niyang tawagin na daddy, dad. Pwede naman siguro na unahin ka niyang tawagin na daddy bago ko siya pakasalan, " bumaling siya sa akin at kinindatan ako." Ayos lang ba sa'yo, misis ko? " Bulong nito na ikina-pula ng pisngi ko. "Wooahh!""Yon ohh!"Kantiyaw ng dalawang kapatid. Si Don Emmanuel ay hindi mapalis ang ngiti sa labi."Hintayin ko muna na makalakad si Isabella, gawin ko siyang flower girl."Hindi ko akalain na ito ang kanyang plano. Kung ako ang masusunod ay iyon din ang gusto ko. At sana maayos muna ang lahat, yong wala ng pag-alala sa t'wing lalabas kami dahil sa takot sa ginawa ni Jaxson. Ang makausap si Tita Fely, dahil kung sakali na papakasalan ako ni Javier si Tita Fely lang ang pamilya na mayroon a